Part 4

4.4K 31 0
                                    

* * * * * *

Nakadungaw ako sa binata ng aking kwarto habang tinatanaw ang árvore desejos. Medyo kalapit lang ng bahay ang mahiwagang puno kaya't tanaw ko ito.
Ngayon ko lang uli naalala na isa pala akong miracle baby. Nagamot ng mahiwagang puno ang baog kong ina dahilan upang ako ay maisilang.
Sa malalim kong pag mumuni-muni ay biglang nag ring ang aking phone.

*Georgina is calling

"Girl?" Sagot ko sa telepono.

"Buti naman sumagot ka, kanina pa ako tawag ng tawag di kita ma-contact. Akala ko naunahan mo na ang 3 months at natuluyan ka na." Di mapakaling sabi ni Georgina.

"Gaga mahina lang signal."

"Huh? Asan ka ba? Pinuntahan din kita sa unit mo tas wala ka."

"Andito ako sa probinsya, sa Bicol."

"Girl anong ginagawa mo jan? Bat di mo ko sinabihan?"

"Pasensya na friend ah, I was out of mind lang kasi ng makarating ako dito, sobra ko kasing lungkot."

"Ano bang nangyare?"

Bumuntong hininga ako. "Basta. Wag mo na alamin."

"Parang sira naman toh."

"Basta Georgina gusto ko lang magpasalamat sayo ah." Seryoso kong sabi.

"Huh saan?" Tanong niya.

"Mas pinalakas mo kasi ang loob ko na meron pa pala talaga akong bagay na dapat maranasan bago ako mamatay."

"Huh? Ano yon?"

Di lang ako nagsalita saka ako lumingon at tiningnan ang ginawa kong listahan na naka patong sa aking mesa.

"Yung pinalista mo sakin na goals, honestly dalawa lang nalista ko pero isa don ay napaka halaga para sakin."

"Ano yung bagay na yon? Share mo naman."

"Basta. Nevermind. Oh siya sige ibababa ko na toh, tawag ka nalang uli pag lumakas na uli ang signal."

"Sige bahala ka, ingat ka jan girl ha."

Sabay na naming binaba ang phone. Bumuntong hininga ako at naalala ko na naman si Greg, ang kaisa-isang lalaking inibig ko sa loob ng mahabang panahon.

Ngayon ay nagising ako sa katotohanang mukhang malabo na nga na maka experience pa ako ng lovelife dahil bukod sa na friendzone ako ni Greg ay unti nalang din ang nalalabi kong araw sa mundo.

"Bat naman kasi kailangan ko pang mamatay agad? Di ba pwedeng saka nalang pag ma-experience ko na kung pano mahalin?" Bulong ko sa aking sarili.

Biglang umihip ng malakas ang hangin mula sa bintana kaya agad ko itong isinara. Nagliparan ang ibang mga papel sa kwarto at nagkalat. Pinulot kong pa-isa isa ang mga nahanginang bagay at aksidenteng nag tabi ang larawan namin ni mama sa mahiwagang puno at ang ginawa kong listahan.

Doon ay biglang naglaro ang aking isipan.

Ano kaya kung may natitira pang hiwaga ang puno?

Subukin ko kayang humiling na pagalingin ako sa cancer?

* * * * * *

Palubog na ang araw nang makarating ako sa punong árvore desejos. Dala ang lapis at posporo.
Lumunok ako ng laway saka nagsimula. Pumitas ako ng dahon sa puno saka sinimulang magsulat.


Punong nababalot ng hiwaga, naway dinggin niyo ang aking panalangin. Sana'y pagalingin niyo ako sa aking sakit at bigyan ng pagkakataong mabuhay ng mas mahaba.

Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon