Part 13

3.3K 30 0
                                    

* * * * * *

Hating gabi na ngunit abala akong naghuhukay sa gubat para ilibing ang mga labi ng aking mga ninang. Nababalisa akong naghuhukay at naluluha-luha habang puro dugo ang suot na damit.

Nanginging at nanghihina na ang aking mga braso habang hawak ang pala, di ako makapaniwala sa mga nangayayari at parang panaginip lang ang lahat.

Napahinto ako sa paghuhukay at napa-upo nalang sa lapag saka humagulgol ng iyak.

Ang kinikilala kong biyaya na si Adan ay isa palang halimaw.

* * * * * * *

<Day 20>

Mula noon ay hindi na ako lumapit pa kay Adan. Naghiwalay na rin kami ng kwarto. At di ko maiwasang kabahan sa tuwing lalapit siya sa akin. Tuluyan ko na siyang iniiwasan matapos ang insidente.

Samantala, dumating na ang report ni Georgina sa police station kaya agad na akong tumungo sa istasyon.

Laking gulat ko nang may mga media sa police station, may mga camera at newscasters.

"Sir ano nangyare?" Nababahala kong tanong.

"Ms. Del Rosario, paumanhin pero natagpuan pong patay si Ms. Alcantara. Lumulutang po ang kanyang labi sa ilalim ng tulay." Malungkot na sabi ng pulis.

Kumirot ang puso ko sa aking mga nadinig. At di namalayan ang pagpatak ng aking luha.

"Di pangkaraniwan ang pagkamatay ni Ms. Georgina Alcantara. Wakwak po ang sikmura niya, puro kalmot at may mga  kagat. Hinala po namin ay mabangis na hayop ang pumatay sa kanya mula sa ilog ng bukid at inanod hanggang sa tulay sa may bayan." Paliwanag ng pulis

Pinakita ng pulis sa akin ang mga litrato ng katawan ni Georgina.

Kahindik-hindik na mga larawan ang aking nakita, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa sobrang bigat na nararamdaman.

Lalo akong naiyak habang nakikita ang suot niyang singsing habang nakahandusay.
Buong buhay niyang inantay ang pagkakataong ikasal ngunit huli na ang lahat.
Walang pagkakaiba ang saksak, kalmot at kagat sa katawan ni Georgina sa labi ng aking mga ninang.

At dito ko nakumpirma na si Adan pala ang pumatay kay Georgina.

Umiiyak ang aking puso samantalang naninigas lang aking reaksyon kasama ng nanginginig na luha. Pakiramdam ko ay naulit na naman ang aking bigat na nararamdaman sa aking puso nang mamatay ang aking nanay. Pamilya na kung maitiuturing ko si Georgina kaya't labis kong di matanggap ang kaniyang pagkawala.

"Hindi po hayop ang pumatay." Bigla kong sabi.

"Ha? May nalalaman po kayo?" Tanong ng pulis.

"Isang halimaw." Sagot ko habang naluluha na may kasamang galit.

* * * * * * *

<Day 19>

Pansamantala akong nagkulong sa aking kwarto.
Balisang-balisa na ako sa mga nangyayari at parang na akong nababaliw.
Paikot-ikot akong naglalakad sa buong kwarto habang pinagpapawisan.

Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon