Part 5

4.3K 31 0
                                    

* * * * *

Alas kwatro na ng madaling araw at sobrang lasing ko na. Namamaga na rin ang aking mga mata sa kaka-iyak.
Lumabas ako ng bahay upang puntahan ang árvore desejos dala ang isang bote ng alak habang nahihilong lumalakad patungo sa mahiwagang puno.

Nang makarating ay tumawa ako ng malakas sa harap ng puno.

"Hoy mga engkanto!! Mga gago kayo!! Sana hinayaan niyo nalang mabaog ang nanay ko kung di niyo rin lang ako pagbibigyang mabuhay ng mas mahaba!! At gusto ko lang naman mahalin ako ni Greg eh! Bat di niyo ko kayang pagbigyan!" Galit kong sigaw sa puno sabay tungga ng alak.

"Pagod na'kong maging matandang dalaga!" Sigaw ko sa puno. Sobrang lasing na ako dahilan upang mawala ako sa aking sarili.

"Ayaw niyo akong pagalingin sa sakit? Ayaw niyong mahalin ako ni Greg? Ano bang mahirap sa mga kahilingang yon!" Natatawa kong sabi sabay dukot sa aking bulsa upang basahin ang ginawa kong listahan.

Goals before I die
1.) Lovelife
2.) Sex
3.)
4 )
5.)
6.)
7.)
8.)
9.)
10.)

"Oh tutal ayaw niyo ng lovelife! Sige sex nalang! Bigyan niyo ako ng masarap na iyot bago ako mamatay!" Tumatawa kong sabi, at mas tumawa pa ako ng mas malakas.

Pumitas ako ng dahon saka nagsulat. Kahit hilong-hilo at di kayang tumayo ng balanse ay pinagsikapan ko parin magsulat sa dahon, habang tumatawa ng parang nasisiraan ng bait.

"Mga ulol na engkanto, bigyan niyo ako ng bortang fafa na masarap kumantot.
Mga gago kayo ./."

Muli kong sinindihan ang dahon saka sumayaw sayaw pa-ikot sa puno ng parang baliw habang kinakanta ang "t'iyak'ēyēni sima"

Nang matupok na ng apoy ang dahon ay agad ko naman tinungga ang natitirang alak sa aking bote saka ko ito binato sa puno dahilan upang ito'y mabasag.

"Tangina niyo! Mga walang silbe! Ang dapat sa punong ito ay pinuputol!" Sigaw ko ng malakas. Sinipa-sipa ko ang puno habang nag mumura.
Patuloy ko lang na sinisipa ang puno nang biglang nagalit ang arvore desejos.

Sa hindi inaasahan ay biglang humangin sa gubat ng sobrang lakas. Nabalot ng maiitim na ulap ang maliliwanag na mga bituin saka kumidlat ng napakalakas. Nagsiliparan ang napakaraming mga ibon, paru-paro at mga alitaptap sa paligid ng puno.

Agad na tumayo ang aking balahibo.
Mula sa sobrang kalasingan ay bigla akong natauhan sa aking mga nagawa.
Nabalot ako ng sobrang takot kasabay ng pagtibok ng aking puso ng sobrang lakas. Di ko maiwasang matumba sa lapag sa sobrang lakas ng ihip ng hangin.
Tinakpan ko lang ang aking magkabilang tenga sa sobrang lakas ng kidlat saka pumikit.

Tumagal ng ilang minuto ang pangyayari. Matapos ang katakot-takot na pangyayari ay unti-unting humina ang hampas ng hangin saka ko sinubukang dumilat uli.

Muling bumalik sa normal ang paligid sa aking pagdilat. Minasid ko lahat ng paligid at payapa ang lahat.
Humarap ako sa puno saka lumuhod.
"Paumanhin, paumanhin." Paulit-ulit kong bulong sa puno.
Matapos humingi ng tawad ay agad akong tumakbo pauwi sa bahay.

Hingal na hingal akong pumasok sa pintuan.
Bakit ko nga ba iyon nagawa? Natauhan ako ng sobra. At nabalot ako ng sobrang takot. Baka parusahan ako ng mga engkanto sa aking ginawa. Nanginig ang aking buong kalamnan sa sobrang takot.
Ito ang unang pagkakataon na nagising ulit ang mahiwagang puno. Nagising ko ang puno sa di magandang paraan.

Di ako nakatulog dala ng sobrang takot, buong araw akong mulat at di mapakali sa tuwing makakaramdam ng hangin mula sa bintana.

* * * * * *

<Day 82>

Isang araw matapos ang nangyare. Naghanda ako ng maraming prutas. Mansanas, ubas, saging at iba pa. At inilagay ko ito sa basket. Ibibigay ko ito sa punong árvore desejos upang humingi ulit ng tawad.
Sabi ng matatanda dito sa Bicol, sa tuwing nakakagawa ka daw ng kasalanan sa mga engkanto ay importanteng mag alay ka ng ibat ibang prutas sa kanila at saka magdasal.

Papunta na ako sa mahiwagang puno dala ang basket ng prutas.

Habang lumalapit sa mahiwagang puno ay may naaaninag akong isang misteryosong bagay na naka pwesto malapit sa tabi ng puno.

Agad akong nagtaka kaya't mas binilisan ko ang aking paglapit sa puno.

Isang napaka laking itlog ang tumambad sa akin. Halos sinlaki lang ng tao ang itlog.
Parang itong higanteng itlog ng bibe.

Agad akong na-curious sa itlog. Inilapag ko muna ang basket ng prutas sa lapag saka nilapitan ang itlog.
Sinubukan ko itong hawakan. Medyo mainit-init ang itlog.

Inisip ko kung saan nga ba galing ang itlog. Isusumbong ko ba ito sa aming barangay o iintayin ko muna itong mabasag.
Pinagmasdan ko lang ang itlog ng ilang minuto sa gubat.
Baka itlog ito ng higanteng ibon, at baka balikan ito ng kanyang ina para bantayan.
Bigla akong natakot dahil baka saktan ako ng higanteng ibon pag makitang nilalapitan ko ang kaniyang itlog.

Muli ko nang inalay ang prutas sa puno saka nagmadaling nagdasal. At nang matapos ay nagmadali na rin akong bumalik sa aking bahay.

"Ano nga ba ang nilalaman ng itlog na 'yon?" Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili.

* * * * * *

<Day 77>

Limang araw na ang nakakalipas. Paulit-ulit kong tinatanaw sa binata ang árvore desejos. Gusto kong i-aninag ang itlog sa may puno ngunit di ko ito maaninag.
Ayoko itong lapitan sapagkat natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.
Maya-maya ay tuluyan na akong na-curious ng sobra kaya't nagdesisyon na akong puntahan ang mahiwagang puno upang tingnan muli ang higanteng itlog, kung nabasag na ba ito o ano.

Pagdating ko sa puno ay laking gulat ko nang makitang mayroon ng kaunting crack ang higanteng itlog.
Kahit medyo natatakot ay lakas loob ko itong nilapitan saka hinawakan.
Ilang segundong nanatili ang palad ko sa itlog nang makaramdam ako ng konting galaw mula sa loob nito.
Agad akong nagulat kaya't inalis ko agad ang aking palad sa itlog.
Pangitain na nga ito na malapit nang mabasag ang itlog.
Gusto kong makita ang itlog kung pano ito mabasag kaya't agad muna akong umuwi ng bahay saka kumuha ng banig, at flashlight.
Mananatili ako sa harap ng itlog hanggang sa sumapit ang gabi para masubaybayan ko kung pano ito mabasag at kung ano ang nilalaman nito.

* * * * * * *

<Day 76>

Inabot na ako ng paglubog ng araw at hating gabi ngunit wala parin pag babago sa itlog.
Dinalaw na rin ako ng antok ngunit nanatili parin akong determinado sa pag-aabang sa pag pisa ng higanteng itlog.

Tuluyan na ngang natapos ang gabi at unti-unti nang lumitaw ang araw.
Di ko na nakayanan pa ang pag-aabang kaya't nagpasya nalang akong lisanin ang gubat para umuwi nalang ng bahay.

Liligpitin ko na sana ang aking banig nang biglang mangyari ang bagay na di ko inaasahan.

* * * * * *
Itutuloy...

Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon