Part 14 (Finale)

3.9K 43 6
                                    

<Day 13>

Isang linggo matapos tuluyang mawala si Adan. Di parin ako makapaniwala sa mala-bangungot na pangyayari.
Mula sa pagkawala ni Georgina, pag atake ni Adan bilang halimaw, at sa tuluyang paglaho ni Adan.
Sa loob ng isang daang araw ay parang napakaraming nang nangyari.
Saya, lungkot, pagmamahal, takot, at poot.

Nag-iisa lang akong nakahiga sa aking kama. Limang araw ng nagpaparamdam ang mga sintomas ng aking sakit.
Tuluyan nang nanghina ang aking katawan at namutla. Lagi na rin akong walang gana kumain. At tuloy tuloy na ang pag-ubo ko nang may kasamang dugo.

Di na ako naghire pa ng nurse para alagaan ako. Mas gusto kong mag-isa lang dito sa bahay. Wala ring nakakaalam ni-isa sa mga kakilala ko na malapit na akong bawian ng buhay, pinanatili ko lang itong sikreto sa lahat, at tanging si Georgina lang nakakaalam.
Kaya't kung mamamatay man ako. Maaring mabulok nalang ang aking labi dito.

Dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang puno ng Arvore Desejos at napangiti.

* * * * * * *

<Day 1>

Kahit nanghihina ang buong katawan ay sinikap ko parin lumakad patungo sa mahiwagang puno.
Wala ng sigla pa sa aking katawan at ramdam ko na ang aking huling araw sa mundo.
Nang makarating sa puno ay agad akong umupo at sumandal habang humihingal-hingal, saka ko dinukot ang litrato naming dalawa ni nanay kung saan kami ay nagyayakapan sa may Arvore Desejos.

"Nanay, malapit na kitang makasama muli, miss na kita." Bulong ko habang tinitingnan ang larawan. Saka ito idinikit sa aking dibdib.

Habang malayo ang tingin ay nakakita ako ng mag-inang naglalambingan sa damuhan habang binabasahan ang anak ng alamat.
Tumingin ang mag-ina sa akin at kumaway habang matamis na ngumingiti.
Binigyan ko rin sila ng ngiti hanggang sa unti-unti silang naglaho ng parang hangin.

Habang mapayapang umiihip ang malamig na hangin sa kagubatan at humuhuni ang mga ibon, unti-unti nang nanghina ang aking mga talukap at napa-pikit.
Habang hawak ang aming litrato ni nanay naka patong sa aking dibdib.






















* * * * * *
Wakas🥚
All Right Reserved 2020



















Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon