Part 2

5.6K 37 0
                                    

<Day 99>

<Sa opisina>
Bumalik ako sa aming kumpanya upang kunin at ligpitin ang aking mga natitirang gamit sa aking opisina.
Lumalakad ako sa hallway ng office kasabay ng pagbati sa akin ng mga empleyado.

"Good Morning Ms. Del Rosario."

"Good morning." Sagot ko habang nakangiti. Wala silang alam sa aking ikinakaharap na kalusugan at di rin nila alam na ito na ang huling pagkakataon na makikita nila ako dito sa opisina, ang pagkaka-akala nila ay pupunta lang ako sa malayo upang magbakasyon. Tanging si Georgina lang ang nakaka-alam ng lahat.

Pumasok ako sa aking office saka nagligpit. Tahimik akong nagliligpit nang may pumasok.

"Oh hey Eva." Nakakagulat na bati ni Greg mula sa aking likuran.

"Jusko nagulat naman ako sayo Greg." Natatawa kong sabi habang nakahawak sa dibdib.

"Long time no see huh. Tagal mong wala, san ka galing?"

"Uhm.. actually galing akong Cebu may inasikaso lang akong importante." Sagot ko habang muling ipinagpatuloy ang pagliligpit.

"Then kakabalik mo lang pero nagliligpit ka na naman?" Nagtataka na nakangiti niyang tanong.

"Yes hehe, punta ako states, I'll stay there for 3 months I guess."

"Woah 3 months? That's much."

Kumibit balikat lang ako at ngumiti.

"So ano naman gagawin mo dun?"

"Uhm.. may aasikasuhin lang din na importante." Pag aalibay ko.

"Oh okay." Sagot niya habang tumatango.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ng ilang segundo. Pinanood lang niya akong magligpit habang nakasandal siya sa pader at bumubulsa ang dalawang kamay.

"Im gonna miss you, Im not kidding." Biglang sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at muling nagpatuloy sa pag-aayos.

Mag pipitong taon na kaming magkatrabaho ni Greg sa opisina at masasabi kong isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa kumpanya.
28 years old lang si Greg at di maitatangging malaki ang agwat ng aming edad, ngunit parang magkasing edad lang kami kung magturingan.
Mahirap talaga magtago ng damdamin pag sa kaibigan ka nahuhulog. Ayoko sanang sirain iyon ngunit gusto ko ipaalam sa kanya ang kinikimkim kong damdamin sa loob ng pitong taon.

"Do you want to have coffee with me later? Tagal mong mawawala, lets bond a bit." Pag aanyaya niya.

"Sure." Nakangiti kong sagot.

* * * * *

Alas singko ng hapon nang umalis na kami ni Greg ng opisina para mag kape. Nakisakay ako sa kanyang magarang sasakyan, papunta sa starbucks sa BGC.

* * * * * * *

<Sa Starbucks>

Nanatili akong tahimik habang kasama siyang nagkakape. Tila naghahanap ng tyempo kung kailan o pano aamin ng nararamdaman.

Mag-iilang minuto na kaming nagkakape ngunit di pa kami nakakapagsimula ng conversation.
Hindi rin ako makatingin sa kanyang mukha at pilit na hindi pinapahalata ang kabang nararamdaman.

Maya-maya ay di na nakapagpigil si Greg at tuluyan nang natawa.

"You know di naman kita niyaya magkape para magkape lang, gusto ko magkwentuhan tayo." Natatawa niyang sabi.

"Alright." Sagot ko.

"Tahimik mo ngayong araw ah, nawala ka lang ng ilang linggo naging tahimik ka na. What's the matter? Kwento ka naman." Nakangiti niyang sabi sabay na nag cross arms.

Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon