Part 3

4.6K 31 0
                                    

<Day 97>

* * * * *

Madaling araw na ng makarating ako sa Bicol, konting oras nalang at malapit na ako sa Albay. Nag-checheck in lang ako sa mga nadadaanan kong hotel upang matulog, samantalang dine-in naman ako sa mga restaurant sa tuwing nakakaramdam ako ng gutom.

Nasabik akong muli sa aking childhood place at talagang nagfa-flash back lahat ng aking mga alaala sa tuwing nadadaanan ko ang mga kalye na aking dinadaanan noon nung ako'y highschool palang.

Liblib ang aming bahay, malayo sa bayan at malapit sa bukid. Mahina rin ang signal sa aming bahay dahilan upang mahirapan ang komunikasyon namin ni mama noong siya'y nabubuhay pa. Sobrang unti lang ng tao sa aming lugar at talagang mahirap maghanap ng pamilihan.

Nang makarating ako sa lagusan patungo sa bahay ay pinarke ko na ang aking sasakyan sa gilid. Hindi pwedeng idaan ang aking sasakyan direkta sa bahay sapagkat lubak-lubak ang daanan at baka masira lang ang aking kotse. Iniwan ko lang ang sasakyan kung saan may aspalto.

Sabik na sabik akong lumakad sa lagusan papunta sa aming bahay. Marahil ay aabutin pa ako ng 15 minutes sa paglalakad bago makarating.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay muli ko nang naaninag ang aming bahay, at mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Sa loob ng mahigit 24 oras na aking pagbiyahe mula Makati patungong Albay ay sa wakas nakarating na rin ako sa aming lumang tahanan. Hinalikan ko pa ang aming pinto bago ito buksan.
Pag bukas ko ng pinto ay bumungad agad sakin ang puro sapot at maalikabok na salas.
Muli kong inikot ang aming bahay at naka display pa doon ang litrato naming magpapamilya.
Di ko mapigilang maluha, lalo kong na-miss ang aking mga magulang.

Umakyat ako sa aking kwarto, pagbukas ko ng pinto ay agad akong humiga sa aking kama saka bumuntong hininga. Sa pagpikit ko ay di ko na namalayang nakatulog na ako dala ng sobrang pagod sa biyahe.

* * * * *

Alas onse na ng umaga nang magising ako. Nagluto na rin ako ng aking hapunan at kumain. Bumili ako ng sandamakmak na de lata nang napa-daan ako sa grocery habang bumabiyahe ako.
Nalinisan ko na rin ang buong bahay, at inabot ako ng ilang oras kaka-linis.

Habang abala ako sa pag pupunas ng mga picture frame ay nakita ko ang mga photo album namin sa ilalim ng mesa. Kinuha ko eto at binuklat. Napangiti nalang ako sa mga litrato na para bang first time ko lang etong nakita. Unti lang ang litrato na kasama ko ang aking tatay dahil sa maaga niyang pagkawala samantalang sobrang dami naman ng litrato naming dalawa ni nanay.
Masaya kong minamasid ang bawat litrato sa photo album, pag flip ko ng isang pahina ay biglang may nalaglag na litrato sa sahig.
Agad kong pinulot ang litrato.
Iyon ay ang litrato namin ni nanay na nagyayakapan. Anim na taong gulang ako sa litrato, kinakandong ako ni nanay at niyayakap.
Tiningnan ko ang likod ng picture at may nakasulat na misteryosong lenggwahe.

t'iyak'ēyēni sima
-1984

Iyon ang nakasulat sa likod ng litrato. Tila nagtaka ako sa nakasulat. Parang pamilyar ang salitang iyon. Di ko na masyado matandaan ngunit sigurado akong naging parte ng kabataan ko ang salitang 'yon. Tiningnan kong maigi ang larawan namin ni nanay. Nakaupo kami sa damuhan, samantalang sa likuran naman namin ay may napaka laking puno. Di pangkaraniwan ang hitsura ng puno at sobrang laki.

Muli kong sinariwa sa ala-ala ko ang lugar at ang salita na nakasulat sa likod ng litrato.

Pumikit ako at nag-isip ng malalim.


<Flashback 1984>


Ang Binata Mula sa Higanteng ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon