𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 6

23 12 0
                                    

Cyprah's POV

"Meron akong D.I.D." Napatunganga kami sa kaniyang sinabi.

"What? You mean Dissociative Identity Disorder?" Pagulat kong natanong.

"Exactly." Sagot ni Marcellus. Grabe! Hindi ko ako makapaniwala!

"Wait ano yun guys?" Biglang tanong ni Valgus. Haha ang cute niya, para siyang baby na walang alam. Joke!

"DID is also known as Multiple Personality Disorder before. It means merong two or more distinct identities ang isang tao. Tulad nga ni Marcellus." Pagpapaliwanag ni Èclair.

"And also the distinct identities are accompanied by changes in behavior, memory and thinking." Dagdag pa ni Seimei.

"Ahh..." Ang tanging nasabi ni Valgus.

"Tara uwi na muna tayo at maggagabi na. Doon na tayo magusap." Saad ni Seimei kaya tumango nalang kami sabay nagsimula nang maglakad.

"Takpan mo mukha mo, Marcellus. Baka may makakita sayong pulis at mahuli ka pa." Sabi ni Èclair dito.

"No need." Simpleng sagot nito. Yabang naman hahaha!

"Sabi mo eh." Sagot naman ni Èclair at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ilang oras din ay nakauwi na kami sa bahay. Uminom na muna kami ng tubig dahil uhaw na uhaw na kami sa kakalakad.

"So, ilang alters ang meron ka?" Biglang tanong ni Seimei sa nakaupong si Marcellus.

"I have nine alters, so far. And nga pala, kapag gumawa ako ng clone ko ay humihiwalay sa body ko ang isa sa alters ko at mapupunta sila sa clone ko." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

"Huh?" Pagtataka ni Èclair at kita kong nakakunot ang noo nito.

"Diba, we all share this body at the same time. So if I make a clone of me, one of my alters can move to my clone and they will take control of it." Pageexplain muli ni Marcellus. Medyo gets ko na ang sinasabi nito.

"Ahhh gets gets." Banggit ni Èclair habang tumatango-tango pa.

"Can we meet your alters, Marcellus?" Tanong ni Seimei.

"If I do a positive trigger." Sagot ni Marcellus. Ano yung positive trigger? Wala akong alam sa pinagsasabi nila amp.

"Ay diba yung positive trigger is yung ginagawa or sinasabi ng may isang DID para magfront ang isang alter?" Tanong ni Èclair.

"Yup, exactly. By the way, before you meet my alters. Can I meet you first? Di ko pa alam mga pangalan niyo." Sabi ni Marcellus at oo nga di pa pala kami nagpapakilala.

"Ay, ako si Èclair!" Masayang binanggit nito. "I'm Seimei." Sabi naman ni Seimei. "I'm Valgus." Simpleng sabi ni Val. "And I'm Aya-I mean Cyprah." Napakamot ako sa ulo.

"Nice to meet you people. Or should I say, Czarians." Nakangiting sinabi ni Marcellus.

"Oh sya, excited na akong makilala ang alters mo!" Sabi ni Èclair. "Me too!" Sabi ko naman.

"May pizza ba jan?" Biglang tanong ni Marcellus. "Ano gagawin mo don?" Tanong ni Valgus.

"Positive trigger nga." Sagot naman ni Marcellus. Agad tumakbo si Valgus sa kusina para kumuha ng pizza na inorder niya kanina lang.

"Ito oh." Sabi ni Valgus sabay abot ng isang pirasong pizza.

Pagkahawak ni Marcellus sa pizza ay bigla itong tumunganga. Nakatingin siya sa wala. Parang lutang na ewan.

Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita na rin ito.

"Uy pizza!" Nagulat nitong sinabi ng makita ang hawak niya. Agad niya itong nilamutak na parang gutom na gutom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Power Within [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon