Chapter 22📌

913 41 3
                                    

AURORA'S POV

"Pangga gising na! Nakahanda na ang agahan natin. Made in Heart with Love Seasonings pa" paggising ko kay Rhexien na nakayakap sa unan ko.

Kagabi ay mga alas 9 na ng gabi kami natapos maligo. Hanggang babad lang kami while hugging hugging sa ilalim ng tubig ofcourse with matching romance.

"Hmmmmm ..." ungol nito habang mabigat ang katawang humarap sa gawi ko.

"Pangga! Wake up! Wake up! Kain na tayo baka lumamig pa ang mga niluto ko" inalalayan ko siyang tumayo kahit pilit pa ang pagdilat nito.

Kaagad ko na siyang inupo sa upuan at nilagyan siya ng table napkin. Pagkatapos ay nilagyan ko siya ng kanin at ulam sa kanyang plato.

"Say ah! Pangga!" sabi ko habang nasa ere ang kutsarang may lamang pagkain.

Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Ilang sandali ako nitong tiningnan bago dahan dahang ibinuka ang kanyang bibig.

"Paparating na ang eroplano!" sabay pasok ng kutsara sa kanyang bibig.

Ngumiti ito saglit saka balik kaagad sa poker face na reaksyon nito. Natapos na siyang kumain na puro sa akin galing ang mga subo.

"Very good Pangga! Bibigyan kita ng candy mamaya dahil masunurin ka" pinahiran ko ang bibig nito matapos itong inumin ang tubig na ibinigay ko.

"Tsk. Crazy" sabay tayo niya at naglakad pagkatapos ay huminto, "But cute" saka tuluyang pumasok sa banyo.

Para namang tumalon ang puso ko dahil successful ang naging plano ko. Ngayon ay ako naman ang siyang kumain at sobrang ganado ko may pakanta kanta pa akong nalalaman.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko ng dinala niya ako sa isang souvenir shop.

"Stay here. May biglaang meeting ako dahil timing na nandito ang ka business meeting ko. Don't go anywhere dahil babalik kaagad ako Aurora" sabi nito saka umalis na.

Pumasok na ako sa shop at namili ng mga pwedeng dalhing souvenir. Bibilhan ko sina Ate Wyeth at William. Habang naglilibot ay dumako ang paningin ko sa couple candy.

"Ale magkano ho ito?" tanong ko.

"500 ineng, maswerte ka dahil iyan nalang ang huli, marami kasi ang bumibili niyan dahil pampaswerte daw ayon sa mga paniniwala ng mga indigenous people" paliwanag nito.

"Bibilhin ko po ito" sabi ko at binayaran na ang tinderang ale.

Nakapili na rin ako para kina Ate Wyeth at William. Pinili ko ang may hugis pusong souvenir na couple. Hehehe. Wala lang, gusto ko lang.

"Aurora!" tawag ng boses na kilalang kilala ko.

"William!" tugon ko at lumapit sa kanya.

"Thank god you're safe!" niyakap ako ni William na siyang ikinagulat ko ng husto. Safe? Bakit naman hindi?

"Teka William. Akala ko joke mo lang ang sumunod dito? Bakit sinabi mong mabuting safe ako?" sunod sunod na tanong ko.

"I'm not joking ng sabihin kong susunod ako dito. I'm glad that you are safe dahil akala ko kung ano na ang ginawa ni Rhexien sa iyo. Believe me! Masama magalit ang isang iyon" sabi nito na binaliwala ko nalang.

"Ay siya nga pala William. Para sa iyo" bigay ko sa kanya ng isang piraso ng souvenir na nabili ko. Ibibigay ko kasi kay ate ang isang piraso.

"What's this?" tanong nito.

"Friendship gift ko sa iyo iyan William" ngiti ko na ikinalungkot ng mata nito.

"Friendship? .." mahinang tugon nito.

"Oo William dahil kaibigan kita" sabi ko pa.

Hinila ako palabas ni William sa isang souvenir shop at dinala ako sa ilalim ng puno na kami lang ang naroroon.

"Aurora! I have something to tell you" seryosong saad nito habang hindi pa tinatanggal ang mahigpit nitong hawak sa akin.

"A-ano iyon William?" kabadong tanong ko.

"Mahal kita Aurora! The first time I laid my eyes on you sa restaurant ay minahal na kita. Ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin nito kaya desido na akong ligawan ka. Alam mo bang hindi ako mapakali ng malaman kong dinala ka ni Rhexien dito sa Palawan. Kung ano ano na ang naiisip ko kaya nagdesisyon akong sundan ka dito. Sobrang saya ko ng makita kita dito Aurora!" wala akong masabi sa ipinagtapat sa akin ni William. Hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaksyon ko lalo na at hinawakan niyo ang dalawa kong kamay, "Aurora, give me a chance. I will prove to you my love at sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi. Besides, hindi ka maka hindi sa akin because I won't accept no as an answer. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo!" pinal nito sabi.

"William!" dumagundong ang tinig ng lalaki na ngayon ay nasa harapan na namin. Kaagad kong kinalas ang pagkakahawak ni William sa mga kamay ko.

"Rhexien will you please stop meddling with Aurora's personal problem?!" bakas ang galit sa mukha ni William.

"Why not William? She is my maid at may karapatan ako dahil sa akin siya nagseserbisyo!" si Rhexien.

"Serbisyo? Anong klaseng serbisyo ang pinapagawa mo sa kanya Rhexien?" si William.

"It's none of your business William!" sigaw ni Rhexien.

"It is also my business Rhexien because I am her suitor! Ikaw lang naman ang walang business dito dahil amo ka lang!" sigaw pabalik ni William.

"You son of a bitch!" kinwelyuhan ni Rhexien si William.

"You are the son of a bitch here Rhexien! Akala mo ba hindi ko alam ang pinag gagagawa mo kay Aurora? Ginamit mo siya para maghiganti sa akin dahil sa ginawa ko sa inyo ni Suzette! Binabalik mo sa akin ang lahat lahat ng ginawa ko kaya mo nga ginawang bed warmer si Aurora hindi ba?" natigilan si Rhexien sa sinabi ni William, "Hindi lang ikaw ang may mga galamay dito Rhexien!" sabay tulak kay Rhexien.

Nanatili akong tulala habang pinoproseso ang mga narinig ko sa pag uusap nila. Ako? Ginamit ni Rhexien.

"Jerk! You can't have Aurora kahit ano pang gawin mo!" hinila ni Rhexien ang isa kong kamay habang hawak hawak naman ni William ang isa ko pang kamay. Para silang nag aagawan.

"Bitawan mo na siya Rhexien! Mas magiging masaya si Aurora sa akin!" si William.

"Bitawan mo siya William or else!" si Rhexien.

"Huwag mo ng gamitin si Aurora para pasakitan ako Rhexien dahil tatanggapin ko si Aurora kahit ano pang mangyari sa kanya. Alam naman nating pareho na hindi panghabang buhay ang gagawin mong ito sa amin ni Aurora dahil sa oras na dumating si Suzette ay bibitawan mo rin si Aurora at ako ang sasalo sa kanya!" kapwa ay walang balak magpatalo.

TO BE CONTINUED

Once Upon A Time In ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon