Chapter 24📌

904 44 0
                                    

AURORA'S POV

Nag doorbell na ako sa unit ni ate. Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ito. Tumambad sa amin ang lusyang na itsura ni ate. Buhaghag ang buhok, may salamin, walang bra, at may chips sa bibig nito.

"Oh no!" pinagbagsakan kami ni ate ng pintuan. Makalipas ang ilang sandali ay muli niya itong binuksan, "Pasok kayo" anyaya ni ate. Nakaayos na si Ate at ang ganda niya ah! Biglang naging blooming, "Upo kayo, teka kukuha muna ako ng makakain niyo" umalis na si ate, "Heto oh!" sabay lapag ng pagkain sa lamesa, "Mabuti naman Aurora at dinalaw mo ako. Alam mo bang miss na miss na kita. Teka! Bakit hindi kita makontak ng ilang araw?!" dagdag niya.

"Bago ko sagutin iyan ate nais ko munang ipakilala sa iyo si William. William, si Ate Wyeth. Ate Wyeth, si William, pinsan ni Rhexien .." sabi ko pero dinugtungan ni William.

"Manliligaw din niya" dagdag niya sabay lahad ng kamay. Nakita kong biglang lumungkot ang itsura ni ate pero kaagad namang napalitan ng saya.

"Wyeth Del Mundo" nag shake hands na ang dalawa.

"Pasensya ka na ate ha kung hindi mo ako makontak, tinapon kasi ni Rhexien ang sim card ko at pinalitan niya ng bago. Hindi ko naman memoryado ang numero mo kaya nahirapan akong makontak ka" sabi ko.

"Sobra na talaga ang lalaking iyan Aurora! Umalis ka na sa trabahong iyan! Tutulungan kita!" si ate.

"That is what I'm telling her about Wyeth. I need her to resign at sa akin nag magtrabaho" si William.

"Ate, alam mo namang hindi tungkol sa pera ang habol ko kung bakit ako nagtrabaho kay Rhexien hindi ba?" paalala ko kay ate.

"Pero Aurora! Nasasaktan ka na! Kita mo naman diba? Ramdam mo pa!" dagdag ni ate.

Kung nakakamatay ang salita, kanina pa ako nasa morgue dahil puro patama sa akin ang mga sinasabi nila.

"Ate, malapit na ang tanghalian. Ako na ang magluluto para sa atin" sabi ko.

"Ano ka ba Aurora! Bisita kita! Ako dapat ang nagluluto at hindi ikaw!" si ate.

"Ate ako na, miss ko na kasing magluto eh!" walang nagawa si ate sa huli dahil mapumilit ako.

Naiwan sina Ate Wyeth at William. Nag uusap ang dalawa. Mukhang magkakilala sila base sa mga naging tinginan nila. Pero bakit nagpanggap silang hindi magkakilala? Eh! Sobrang obvious naman na magkakilala sila.

"Magluluto nalang ako ng lutong probinsya para matikman ni William ang luto ko" saad ko.

Nagsimula na akong magluto, tatlong iba't ibang putahe ang niluto ko. Natapos ko itong lutuin sa loob ng 2 oras.

"Nakahanda na ang tanghalian!" sigaw ko sa kanila.

Hindi nagtagal ay pumunta na sila at nagsimula na kaming kumain. Panay puri si William sa mga luto ko na sinusopla naman ni Ate Wyeth kaya nahulog sa bangayan ang masarap sana naming pananghalian.

"Salamat sa pagbisita Aurora, balik ka sa susunod ah! Isa pa! Huwag mo na sanang dalhin ang isang asungot diyan" tukoy nito kay William na nakataas ang isnag kilay.

"Si Aurora ang sinasamahan ko at hindi ikaw ang pakay ko kung bakit nandito ako SquidGirl!" si William.

Isang malakas na pagkasara ang ginawa ni ate matapos akong magpaalam sa kanya. Kitang kita kung gaano siya kainis kay William. Tawang tawa naman si William sa tinuran ni Ate Wyeth. Gusto ko sanang magtanong kong magkakilala sila pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka isipin nito na pakialamera ako.

"Saan ang gusto mong puntahan natin Aurora?" si William.

"Sa simbahan sana William kong okay lang sa iyo" sabi ko.

"Walang problema Aurora. I just consider this as a date" nagtungo na kami sa simbahan.

Sampung minuto lang siguro ang lumipas at nakarating na kami sa simbahan ng Quiapo. Hindi gaano karami ang mga taong nagsisimba.

"Alam mo William. Naalala ko ang simbahan namin doon sa probinsya at ang masayang alaala ko sa simbahan namin" saad ko habang tinitingnan ang kabuuan ng simbahan.

"Ayaw mo bang pumasok?" tanong ni William.

"Hindi na kailangan William. Sapat na sa akin ang magdasal dito sa labas" sabi ko pa.

Bumili muna ako ng dalawang malalaking kandila. Ibinigay ko ang isa kay William at akin naman ang isa. Nagsindi muna kami bago nagdasal. Pagkatapos ay umalis na kami.

"Aurora, alam mo naman sigurong ikakasal na si Rhexien at Suzette hindi ba?" tanong ni William habang ang mga mata at nakatutok sa daan dahil siya ang nagmamaneho.

"Oo naman" tipid kong sagot habang nasa labas ng bintana ang tingin.

"Why don't you leave him?" si William.

"Darating ang panahon William at sasabihin ko sa iyo ang lahat. Lahat lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa buhay ko ay sasabihin ko. Sa ngayon ay hayaan mo muna ako" pakiusap ko.

"I respect your decision Aurora dahil mahal kita. Hihintayin ko ang araw na sasabihin mo sa akin ang lahat" saad nito.

"Tungkol naman diyan William. Pwede bang hanggang magkaibigan nalang tayo?" nakatingin na ako sa kanya.

"Aurora, alam ko naman na ganoon talaga ang tingin mo sa akin eh pero tinanggap ko basta hayaan mo lang akong mahalin ka at iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. Huwag kang mag alala dahil hindi ako naghihintay ng anumang kapalit gusto ko lang iparamdam sa iyo iyon na anumang oras ay pwede mo akong takbuhan. Tatanggapin kita Aurora ng buong buo" madamdaming saad ni William.

"Salamat William. Napakabuti mong tao. Maswerte ang babaeng mamahalin mo panghabang buhay" sabi ko.

"Sana ikaw ang babae sa panghabang buhay na iyon Aurora" si William.

Isinuot ko ulit ang disguise ko ng malapit na kami sa condo ni Rhexien. Hinubad ko kasi ito ng papunta kami kay Ate Wyeth. Nagpaalam na kami sa isa't isa ni William bago ako tuluyang pumasok sa condo na parang wala lang. Nag input ako sa password at dali daling pumasok. Binuksan ko ang aking silid at kaagad na nagbihis. Nanigas ako ng may nagsalita sa likuran.

"Nag enjoy ka bang kasama si William?" napalingon ako sa taong nakaupo sa kama ko.

"P-pangga?" kabadong sabi ko.

Tumayo ito at pinunit ang soot kong disguise at walang sabi sabing inangkin ako sa marahas na paraan hanggang sa magsawa siya sa akin. Lahat ng posisyon ay ginawa namin sa lahat ng parte ng condo. Parusa ko raw iyon dahil matigas ang ulo ko. Matapos niya akong gamitin ay hindi na siya umalis sa tabi ko at iyon ang ipinagtataka ko.

TO BE CONTINUED

Once Upon A Time In ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon