Chapter 53📌

1.1K 37 1
                                    

WYETH'S POV

Walang sinayang na oras si Rhexien at kaagad nitong ipinahanda ang kanyang private plane. Pinasamahan si Rhexien ng mga magulang niya sa aming dalawa ni William kaya wala na siyang magawa kundi ang pumayag.

"William" tawag ko sa aking katabi.

"Bakit Wyeth?" sagot nito.

"Nag aalala ako sa mangyayari pagdating natin doon sa probinsya" nakatutok ang mata ko sa direksyon ni Rhexien na nasa kabilang side at malayo ang tingin.

"Lahat naman tayo ay ganyan din ang pakiramdam. Isipin nalang natin na para kay Aurora ang lahat ng ito" tumango ako sa sinabi ni William.

Makalipas ang mahabang byahe ay dumating na kami sa wakas. Tinawagan ko si Tito pero hindi ito makontak kaya nagdesisyon kaming puntahan na lamang ito sa kanyang tinitirahan upang personal na matanong kung saang hospital naka confine si Aurora. May nakaabang na palang sasakyan sa amin na mukhang binayaran ng malaki ng mga Roentgen.

"Rhexien okay ka lang ba?" tanong ko kay Rhexien. Kanina pa ito tulala at hindi nakakausap ng maayos. Mukhang nasa malalim itong pag iisip.

"I just want to see her" tukoy nito kay Aurora. Ramdam ko ang magkahalong sakit at pangungulila ni Rhexien.

Isang oras din ang byahe namin papunta sa barangay kung saan nakatira si Aurora. Medyo matagal na ding panahon na hindi ako nakapunta dito dahil sa dami ng naiba.

"Magtanong muna tayo sandali" sabi ko sa driver. Inihinto naman ito ng driver sa isang tindahan na mag taong nagkukumpulan dahil sa chismis siguro.

Ibinaba ko ang salamin ng bintana. Ganoon din si Rhexien at William. Parehas kaming gustong makita ang paligid mula sa labas at ng makapagtanong na.

"Excuse me po" tawag pansin ko.

"Ano po iyon ineng?" sabi ng babaeng may kinakaing puto.

Naglakad ito papalapit sa amin ng bigla nitong nabitawan ang kinakaing puto habang may tinuturo sa sasakyan.

"Diyos ko! Diyos ko!" sigaw nito habang nakaturo parin, "Mga kapitbahay! Nagbalik ang asawa ni Aurora!" nagsilapitan naman ang iba pang kasamahan nitong nakatambay sa tindahan.

Nilingon ko si Rhexien pero bakas sa mukha ang labis na pagtataka at pagkagulat. Dapat naman talaga itong asahan dahil kilala sina Aurora dito.

"Oo nga nagbalik ang walang hiyang si Rhexien!" saad ng babae.

"Walang kwenta naman iyan! Iniwanan ang asawa!" wika ng binatang lalaki na may hawak na manok.

"Ang manloloko! Bakit pa bumalik?!" segunda naman ng may ari ng tindahan.

"Kung kailan nakaratay at nag aagaw buhay si Aurora ay tsaka naman iyan uuwi!" bulalas ng isang babae.

Sinuway sila ng babaeng may kinakaing puto kanina na siya ring pinagtanungan namin. Sinabi nito ang direksyon papunta sa bahay ni Aurora. Dali dali namang nagmaneho ang driver namin para makaiwas sa mga tsismis na hindi pa natatapos.

"You okay Rhexien" si William.

"I don't know" sagot nito sa mababang boses habang nakatanaw sa labas.

Huminto kami sa isang simpleng bahay. May tarangkahan ito o simpleng gate. Malinis at may mga bulaklak na nakapalibot. Nakaka relax ang bahay. Alam kong hindi ito ang bahay nina Tita at Tito. May duda tuloy ako na baka ang itinurong bahay ng babae kanina ay ang mismong bahay ni Aurora at Rhexien. Sabay na kaming bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa gawi ng bahay.

"Mukhang walang tao" sabi ko.

"Walang problema iyan!" lumapit si William at may kinuha sa buhok ko pagkatapos ay kinulikot nito ang seradura at makalipas ang ilang sandali ay bigla itong bumukas.

Bumalik si William na pwesto niya kanina sa likuran ni Rhexien na katabi ko. Naglakad na ng dahan dahan si Rhexien sa gawi ng pintuan at pinihit ang seradura. Kitang kita namin na natigilan si Rhexien sa kanyang nakita kaya lumapit na kami at nilakihan ang pagbukas nito.

"Oh my god!" napahawak ako sa bibig ko habang may humahaplos sa puso ko.

Ang loob ng bahay ay halos napapalibutan ng frame nina Rhexien at Aurora. Larawan ng kanilang kasal at iba pang kuha. Kapwa nakangiti ang dalawa sa larawan at masaya. Natunton ng mga mata ko ang isang malaking frame sa gitna ng iba pang frame. Ang marriage contract nila.

"A-aurora, I-im s-sorry" napaluhod si Rhexien sa sahig habang umiiyak ng malakas at nagwala na. Inisa isa nitong kinuha ang mga frames at tinitigan ng mariin habang umiiyak. Nabasa na ang salamin ng mga frames dahil sa luhang hindi na kayang magpapigil.

"Let's get outside Wyeth. Kailangan ni Rhexien na mapag isa" bulong ni William na bakas sa mukha ang pag iyak. Tumango ako sa labas ng bahay ibinuhos ang luha ko.

Inalo naman ako ni William at kapwa kami nag iyakan. Mula sa labas ng bahay ay rinig na rinig namin ang hagulhol at paghihinagpis ni Rhexien dahil sa nalaman at nasaksihan. Sumisigaw ito ng pangalan ni Aurora at humihingi ng kapatawaran.

"Kailangan nating puntahan si Rhexien dahil baka anong gawin niya sa sarili niya!" sabi ko. Umiling si William tanda ng hindi pagsang ayon.

"Hayaan na muna natin si Rhexien. Kailangan niya itong harapin ng buong puso dahil siya mismo ang makakaalala kay Aurora" paliwanag ni William.

Sumang ayon ako sa sinabi ni William. Giniya niya ako papunta sa sasakyan na naka park sa hindi naman kalayuang bahay. Kahit may distansya na kami ay hindi parin maiaalis sa akin ang awa para kay Rhexien.

"Magiging maayos din si Rhexien at si Aurora. Magtiwala tayo sa lakas ng pagmamahalan nilang dalawa Wyeth" bulong ni William sa akin.

Ring. Ring. Ring.

"Hello po Tito?! Kanina ko pa po kayo tinatawagan pero hindi ko po kayo makontak. Nandito na po ako sa barangay niyo! Saang hospital po ba?!" bungad ko kahit hindi pa nagsasalita si Tito mula sa kabilang linya.

"W-wyeth, si A-aurora. S-si A-aurora" iyak nito na nagpakaba ng husto sa akin.

"Ano po bang nangyari Tito? Huminahon po muna kayo!" histerikal ko na rin dahil sa kaba.

"S-sabi ng doctor na ngayong araw na ang huling araw ni Aurora dahil hindi na nito kayang huminga pa. Wyeth, pumunta ka na dito sa St. Therese Hopital para maabutan mo pa ang pinsan mo" nabitawan ko ang telepono at niyakap si William ng mahigpit habang sinasabi ang mangyayari kay Aurora ngayong araw.

TO BE CONTINUED

Once Upon A Time In ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon