Chapter 59📌

1.1K 42 2
                                    

WYETH'S POV

Ngayong araw na ito ang libing ni Aurora. Pagkatapos kasi ng usapan naming tatlo nina Rhexien at William ay nagising rin si Rhexien at kaagad na umalis ng hospital pero hindi siya umalis ng probinsya hanggat hindi pa nalilibing si Aurora. Nag stay muna silang dalawa ni William sa hotel ng lungsod. Habang ako naman ay nasa bahay nina Tito at Tita, sinamahan sila sa preparasyon ng libing ni Aurora. Pina cremate nila ang katawan ni Aurora at hindi na nila pinaburol pa dahil mas lalo lang silang maghihinagpis kapag pinatagal pa.

Ring. Ring. Ring.

Mugto ang matang bumungad sa akin ng buksan ko ang video call ni Rhexien. Nakiusap kasi ito sa akin na sabihan siya kapag umalis na ang mga magulang ni Aurora sa lugar kung saan nila dinala ang abo ni Aurora.

"Nakaalis na sina Tita at Tito" timbre ko rito. Tumango naman si Rhexien at sinabihan akong papunta na silang dalawa ni William sa lugar na sinabi ko kung saan naroroon ang abo ni Aurora.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na sina William at Rhexien lulan ng kanilang sasakyan. I took a deep breath ng makitang parehong namumula at mugto ang mga mata ng dalawang lalaking nagmamahal kay Aurora ng makalapit na ito sa akin.

"P-pangga?" tawag ni Rhexien kay Aurora habang himas himas ang lalagyan nito ng abo.

Tumabi lang sa akin si William na humihikbi na rin habang nakatingin kay Rhexien na napaluhod habang umiiyak. I can see the pain that Rhexien feel right now. Alam ko kung gaano ito nasaktan. Magmula ng makauwi kami dito sa probinsya ay iyak lang ito ng iyak.

"I can't believe that you finally left me Pangga" he cried while caressing his face, "I want to be with you Aurora!" sigaw nito habang sinusuntok ang dibdib nito.

Kami namang nakatingin kay Rhexien ay ramdam ang bawat hinagpis nito para sa nawawalang minamahal. I know that Rhexien loves Aurora so much kaya walang kapantay ang sakit nitong naramdaman ngayon.

"Gusto ko na ring mamatay Pangga. Gusto ko ng sumunod sa iyo!" sigaw nito dahil sa hinagpis.

Nagulat kami ng iuntog ni Rhexien ang ulo niya sa semento. Dali daling lumapit si William dito at inawat ang nagwawalang si Rhexien. Pero hindi nagpapigil si Rhexien at patuloy lang na nagwawala na parang walang bukas at katapusan.

"Bitawan mo ako William! Gusto kong ng mamatay! Bitawan mo ako!" pagsisigaw nito habang pilit na kumakawala sa mga kamay ni William.

May kinuha ako mula sa dala kong bag at itinusok ito sa kanang balikat ng nagwawalang si Rhexien. Makalipas ang ilang sandali ay nakatulog na ito.

"Anong ginawa mo?" tanong ni William sa akin. Ibinalik ko ang ginamit kong injection sa loob ng bag.

"Pampatulog lang iyon William. Lagi akong may dala niyan sa bag ko incase of emergency" saad ko.

Tumango si William at binuhat na si Rhexien na ngayon ay lupaypay na ang katawan dahil sa nawalan ito ng malay. Kaagad niya itong pinasakay at ibinalik sa hotel kung saan sila naka check in na dalawa. The room was big enough for the two of them.

"Tulungan na kita" presenta ko kay William ng ihiga niya si William.

"Thank you Wyeth" he replied using his serious reaction.

"Penny for your thoughts William?" sabi ko.

Tumingin ito sandali sa akin bago naglakad papunta sa gawi ng terrace kung saan may mesa at napapagitnaan ng dalawang upuan. Sabay na kaming umupo.

"Marami ng nangyari sa lugar na ito Wyeth. I'm afraid that Rhexien might lose his senses" sabi nito habang nasa malayo ang tanaw.

"Anong plano mo ngayon William?" I askes him. We are now both looking at the same direction.

"I will call his parents and ofcourse our grandparents. I will inform them about Rhexien's case. He needs immediate consultation about his problem Wyeth" si William.

"Rhexien is really sad William lalo pa't sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ng pinsan kong si Aurora kaya tama ka, dapat siyang magpatingin sa eksperto para matulungan siyang makapag move on sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon" I replied to him.

"Bukas ay sapilitan kong iuuwi si Rhexien" sabi nito na ngayon ay nakatingin na sa akin. I can see in his eyes the sadness.

"Did you already miss Aurora?" I suddenly ask. He look at me sadly.

"Yeah, I miss her so much Wyeth. It is my first time to fell inlove to a woman and it broke me" he whispered, "I love Aurora and I did everything just to have her love pero kahit alam kong imposible ay ginawa ko parin" he continued.

"Aurora is very lucky William" sabi ko sa utak ko na hindi ko masabi gamit ang bibig ko.

"Pero hindi talaga kami para sa isa't isa Wyeth kaya nakuntento nalang ako sa pagpapadama ng pagmamahal ko sa kanya, iyon lang naman kasi ang tanging magawa ko para sa kanya" si William na bakas sa gwapong mukha ang lungkot.

"You deserve to be happy William at kung nabubuhay man si Aurora ay sigurado akong iyan din ang gusto niyang mangyari para sa iyo" saad ko pero deep inside ay umaasa ako sa kaya, sa lalaking lihim kong sinisinta.

Gusto kong sabihin na matuto naman siyang tumingin sa paligid at nandoon lang ang babaeng nagmamahal ng palihim sa kanya. Pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi pa siya handa muling umibig.

"Let's call it a night Wyeth. Ikaw na matulog sa isa kong kama. Sa sofa nalang ako matutulog" umalis na si William sa kinaroroonan namin.

Tumingala ako sa itaas. Maliwanag ang bituin sa langit. Napaluha ako ng maalala ang pinsan ko.

"I miss you Aurora" bulong ko sa hangin, "Sana maging masaya ka na sa kabilang buhay. Huwag mo ng alalahahin pa sina Tita at Tito dahil ako na ang bahala sa kanila" sabi ko.

Tumayo na ako at nagtungo sa higaan kong tapos nang iayos ni William. Natutulog na din pala si William ng may lungkot sa mata. Sinipat ko si Rhexien at kitang kita ang umaagos nitong luha sa mga mata habang natutulog.

"Pangga" wika nito kahit nakapikit ito.

Bumuga ako ng hangin. Lahat kami ay naghihinagpis parin pero kailangan naming ipagpatuloy ang buhay at isa pa, hindi magugustuhan ni Aurora kung papabayaan namin ang aming mga sarili. I know her as a person who has a big heart for everyone.

"You May Rest In Peace Aurora" ako.

TO BE CONTINUED

Once Upon A Time In ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon