Chapter 55📌

1.1K 45 0
                                    

RHEXIEN'S POV

"Rhexien! If you don't want to marry Suzette then I will disinherit you right away!" galit na galit si daddy when I decline his offer.

"I don't care about your wealth!" that was my last word bago ako umalis ng mansion namin. I heard my mother calling my name pero hindi ko na ito pinansin pa. Umalis ako papalayo sa kanila hanggang sa napadpad ako sa Mindanao at doon nakilala ang babaeng pinakasalan ko.
_____

"Magandang tanghali Pangga. Heto na ang tanghalian mo. Niluto ko na ang mga paborito mong pagkain oara ganahan kang kumain ngayon" namumulang saad ni Aurora sa akin.

"Salamat Pangga, siguradong mabubusog na naman ako dahil sa mga niluto mong walang kasing sarap!" sabi ko sabay giya sa pwesto kung saan ako kumakain.

"Pangga, pawis na pawis ka" kinuha ni Aurora ang bimpong dala niya at sinimulan na akong pahiran sa likod.

"Ang swerte ko naman sa asawa ko. Maganda na, mabait pa, at ubod na maalaga sa akin" sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga Pangga! Binobola mo na naman ako" sagot ng Misis ko.

"Gihigugma ta ka Pangga!" sabi niya.

"Mas gihigugma taka Pangga!" tugon ko sabay sunggab nito ng halik.

"Mabuti pa itong si Rhexien, may asawang napabait" ani ni Mang Jamero.

"Sobrang maswerte niya kamo, akalain niyo iyong sa dami ng mga manliligaw kay Aurora at isang Rhexien lang pala ang makakasungkit ng matamis nitong oo na hinangad hangad ng ibang kabataan" si Mang Bondoy.

"Kami po talaga ang itinadhana sa isa't isa kaya naman hindi ko na pinakawalan pa at itinali ko na sa akin" ani ko na ikinatawa naman nilang lahat.
_____

"Pangga kailangan ako ng pamilya ko ngayon sa Manila. May sakit ang ama ko at walang karamay ang ina ko sa pag aalaga sa ama ko" ani ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sila puntahan Pangga? Isang taon ka na ring naririto sa Mindanao. Panahon na rin siguro para bumalik ka at humingi ng tawad" madamdaming saad niya.

"Salamat Pangga ha. Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. Salamat sa pagsuporta sa akin. Salamat dahil nandiyan ka palagi sa tabi ko" saad ko at niyakap siya ng mahigpit.
_____

"Pangga! Mag iingat ka ha. Alagaan mo ang sarili mo. Tandaan mo mahal na mahal kita" saad ni Aurora habang hindi parin natatanggal ang pagkakayakap sa akin.

"Shhhh. Tahan na Pangga! Ayaw ko na tuloy umalis" sabi ko sa kanya.

"Huwag Pangga! Kaya lang naman ako nag eemote kasi matagal tagal din ang isang buwan. Isang buwan din kitang hindi makikita kaya ma mimiss kita ng sobra sobra" pagngawa nito ng iyak.
_____

"Son, your father wants to turn over the company to you. Kaya ikaw na ang bagong Chairman na magpapatakbo ng ating mga kompanya, domestic and international. Noon ka pa handa sa posisyon anak, kaya lang ay umalis ka. Ngayong nagbalik ka na ay ibibigay na namin ang dapat ay sa iyo" sabi ni mommy.
_____

"You are fucking late! I'm waiting for you for almost 3 damn hours! Are you really interested to work? or you are just one of those damn fangirls of mine?!" natigilan siya dahil sa pagbulyaw ko. I left her after that.
_____

Once Upon A Time In ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon