Chapter 21📌

921 44 1
                                    

AURORA'S POV

Nagising ako sa mahinang tapik ni Rhexien sa pisngi ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nabungaran ko si Rhexien na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"Wear something formal. Kakain tayo sa baba at magbaon ka na rin ng isusuot mong pangligo. Huwag kang magdala ng two piece or bathing suit. It doesn't suit you" napasimangot naman ako sa insulto nito.

"Bakit Pangga? Pangit ba ang katawan ko?" pinalambing ko ang boses habang sinasabi iyon.

"Fuck!" mahinang mura niya, "Make your move faster or else baka dito nalang tayo sa loob hanggang bukas" nagtungo ito sa banyo.

"Sungit mo talaga Pangga. Dati hindi ka naman ganyan sa akin eh" mapait kong ngiti.

Ginawa ko ang sinabi nito. Nagsuot ako ng floral na bestida na above the knee pagkatapos ay nagdala ako ng pangligo na 2 inch above the knee at isang plain white shirt. Okay na siguro ito.

"Let's go" sabi nito at nauna ng umalis. Sunod naman ako sa kanya sa likuran.

Lalakasan ko ang loob ko para maisakatuparan ang mga plano ko. Ipaparamdam ko kay Rhexien ang pagmamahal ko sa kanya. Itatrato ko siya kagaya ng pagtrato ko sa kanya noon sa probinsya. Higit sa lahat, mamahalin niya akong muli.

"Pangga, hintayin mo nga ako" sabi ko at hinabol siya. Huminto siya at hinarap ako.

"Tell me Aurora? What is your plan?" seryosong tanong nito habang nakatitig sa akin. Napalunok naman ako ng mariin.

"Anong ibig mong sabihin?" kunwari kong sabi.

"Tsk. It is too obvious you have a scheme. Look at you Aurora, naging malabing ka na at binibiro mo pa ako. Noong una naman ay hindi ka ganyan, ni ayaw mo nga akong kibuin eh!" si Rhexien. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso nito.

"Pangga, gusto ko lang maramdaman mo na nandito ako diba sabi mo sa akin na ako muna pansamantala ang papalit at pupuno sa mga pagkukulang ni Suzette hanggat wala siya" sabi ko, "Kaya masanay ka na Pangga dahil tutuparin ko na ang gusto mo. Para hindi ko siya mas lalong ma miss ay gagalingan ko ang papel ko!" masigla sabi ko at pinisil ang dalawa niyang pisngi. Tapos ay hinila na siya, "Tara na Pangga! Gutom na ang Pangga mo eh! Subuan mo ako ah!" tawa ko.

Hindi kumibo si Rhexien sa mga tinuran ko. Dinala niya ako sa isang parte ng beach na walang makikitang tao. Mukhang ginawang exclusive ang isang mini park dito.

"Wow! Pangga! Ang ganda naman dito parang ako!" sabi ko pa at narinig ko siyang napa "psh" kaya tumawa ako. Nauna akong umupo pagkatapos ay siya din.

"I rent this small area para naman makita mo ang ganda ng beach na ito. Alam mo naman Aurora na hindi tayo pwedeng makitang magkasama ng umaga dahil baka may makapag report kay Suzette" si Rhexien.

"Okay lang iyon Pangga dahil ang importante sa akin ay makita ka at makasama" sabi ko na parang nagbibiro pero deep inside ay totoo na ang mga sinasabi ko.

Biglang dumating ang mga staff na may dalang pagkain namin. Lahat ay nakakatam dahil mga sea foods ito. Nagningning ang mga mata ko habang nakatitig sa mga pagkain.

"Let's eat Aurora" sabi nito. Dali dali akong kumuha ng pagkain at kaagad itong tinikman. Ang sarap!

"Pangga! Heto oh! Pinagbalat na kita ng hipon para hindi ka mahirapan" inilagay ko sa plato niya ang hipon.

"I'm not disabled Aurora. I can handle at kaya kong balatan iyan" si Rhexien.

"Ano ka ba naman Pangga. Gusto kitang pagsilbihan kaya hayaan mo na ako. Sige ka, iiyak ako" biro ko na ikinailing niya.

"Baliw" sabi niya.

"Pero mahal na mahal mo" nabigla ako sa sinabi ko. Tiningnan ko siya kung ano ang naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Aurora, I'm letting you do whatever you want sa akin. Pwede mo akong lambingin or what basta huwag na huwag kang mai inlove sa akin Aurora dahil alam mong hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin. You are just my bed warmer and mistress dahil wala pa si Suzette. Kapag bumalik na siya ay babayaran kita ng limang milyon para magpakalayo layo ka na" sabi ni Rhexien.

Tumawa ako ng pagak habang pilit itinatago ang luhang tumulo na sa pisngi ko. Nagkunwari akong nabulunan para may mairason sa luhang tumulo.

"Acrkkkk, uhuh, uhuh!" tinapik tapik ko ang dibdib ko at pilit isinusuka ang kinain ko.

"Shit! Here! Drink this Aurora!" tumayo ito at binigay sa akin ang tubig at hinimas ang likuran ko.

"Uhuh! Thank you Pangga ha!" sabi ko, "Hahaha. Sobrang sarap kasi eh! Kaya hindi ko na nginuya at dineritso ko nang nilunok!" pagak na tawa ko, "Ayan tuloy naiyak ako sa sobrang kapalpakan ko" may ibig iparating ang sinabi ko.

"Tsk. You can eat all you can Aurora. You don't have to devour it all" iling iling niyang sabi at umupo pabalik.

"Pangga, excuse me muna ha, magsi CR muna ako sandali. Babalik kaagad ako" sabi ko, "Dadalhin ko na lang din ito" kuha ko sa dala kong swim wear, "Susuotin ko na rin ito para pagbalik natin ay deritso na tayong maligo Pangga" saad ko.

"I'll come with you. Magpapalit na rin ako" sabay na kaming nagtungo sa CR pero nagkahiwalay ng pinasukan.

Napasandal ako sa pintuan ng comfort room habang hawak hawak ang dibdib ko. Kaagad kong kinapa ang dala kong gamot at ininom ito para mahimasmasan ang paninikip ng dibdib ko.

Tok. Tok. Tok.

"Aurora? You are there for 11 minutes and 17 seconds. Hindi ka pa rin ba tapos?" katok ni Rhexien

"Palabas na" dali dali akong nagpalit ng damit.

Kinapa ko muna ang sarili ko bago lumabas ng may malapad na pekeng ngiti. Rhexien looks hot in his swim wear. Bagay kami.

"Tsk" komento nito matapos niyang suriin ang soot ko mula ulo hanggang paa.

Sinundan ko na lang siya habang kinukulit gamit ang endearment naming Pangga. May nga time na makikita ko siyang ngumingiti kapag tinatawag ko siyang Pangga pero mas marami parin ang makikita kong kasungitang reaksyon nito.

TO BE CONTINUED

Once Upon A Time In ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon