Pamagat: 𝙋𝘼𝙉𝙄𝙈𝙐𝙇𝘼(𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝘿𝙐𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉)
Magandang araw sainyo madla
Ako'y dinggin mo muna
Patawad sa aking pag-abala
Baka kasi may ginagawa ka pa
.Ako ay ordinaryong tao lang,
Nagkakamali din sainyong harapan,
Hindi ako perpektong nilalang,
At nakikiusap na ako'y pakinggan
.Si eliteknighteu andito na para tumula,
'Di ako nagpapasikat o nagpapabida
Magsasalita sainyo gamit ang aking dila,
Ipo-post ko sa FB at Wattpad para iyong makita
.Sa sinumang matamaan sa mahaba kong litanya,
Gusto ko pong humingi ng pasensya
"Bato bato sa langit ika nga,
Matamaan wag magalit," yan ang sabi nila
.Ang pangalan ko ay akin nang ipinakilala
Maraming salamat sa pagmamahal at pagsuporta
Magsusulat ako sa abot ng aking makakaya
Dati ako'y sh*tposer, ngayon ay writer na
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES AND POEMS
General Fictionthis is my compilation of my one shot stories and poems