PANIMULA

11 2 0
                                    

Pamagat: 𝙋𝘼𝙉𝙄𝙈𝙐𝙇𝘼(𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝘿𝙐𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉)

Magandang araw sainyo madla
Ako'y dinggin mo muna
Patawad sa aking pag-abala
Baka kasi may ginagawa ka pa
.

Ako ay ordinaryong tao lang,
Nagkakamali din sainyong harapan,
Hindi ako perpektong nilalang,
At nakikiusap na ako'y pakinggan
.

Si eliteknighteu andito na para tumula,
'Di ako nagpapasikat o nagpapabida
Magsasalita sainyo gamit ang aking dila,
Ipo-post ko sa FB at Wattpad para iyong makita
.

Sa sinumang matamaan sa mahaba kong litanya,
Gusto ko pong humingi ng pasensya
"Bato bato sa langit ika nga,
Matamaan wag magalit," yan ang sabi nila
.

Ang pangalan ko ay akin nang ipinakilala
Maraming salamat sa pagmamahal at pagsuporta
Magsusulat ako sa abot ng aking makakaya
Dati ako'y sh*tposer, ngayon ay writer na

ONE SHOT STORIES AND POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon