TAPOS NA'KO

2 1 0
                                    

TAPOS NA 'KO
-@eliteknighteu

Iminulat ko ang aking mga mata. I saw a whole white room and a faint light that makes this surroundings bright. Nakahiga ako noon sa isang Kama at unti-unting nang nanghihina ang aking katawan at pagbagsak ng kalusugan.

"Madam, I-I'm so sorry. Hindi po kami nagtagumpay sa panggagamot sa kanya. Kausapin niyo po siya bago pa siya malagutan ng hininga", malungkot na saad ng doktor sa aking ina at kay Art na boyfriend ko. Umalis na ang doktor habang papalapit naman sakin si Art.

"Aellyshia, mahal ko....i-ito na ang huling pagkikita natin...h-hindi pa ako handa sa paglisan mo...", naiiyak na wika sakin ng minamahal ko. Saka siya lumuhod sa harapan ko at niyakap ako nang napakahigpit.

"Hindi ko kaya Aellyshia, i-i can't afford to lose you", dagdag niya ulit at mas lalo pang tumindi ang pag-iyak niya. Maging ako naman ay napaluha din.

"Pakiusap, kayanin mo Art. Tanggapin mo kahit masakit man sa kalooba mo. Hindi ko na kaya. Hindi ko na k-kaya pang manatili sa katawan kong ito...", pagsusumamo ko sa kanya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Alam kong mamimiss niya ako nang sobra at  kakaunting oras nalang ay matatapos na ang apat na taon naming pagmamahalan. Nakita ko ang aking ina na hinahaplos ang aking buhok habang unti-unti namang kumakalas sa pagkakayakap sakin si Art.

"Mom, thank you for taking care of me. Mom, n-narito po ang inyong anak...", wika ko sa aking ina.

Tumingin naman ako sa kasintahan ko, "Art, naririto ang iyong ina"

Ngumiti naman ang aking ina habang hinaplos ang buhok ni Art at nagpasalamat naman si Art sa nanay ko.

"Salamat sa kakaunting panahon na nakasama kita. Masakit man sa kalooban ko na iiwan na kita pero wala na tayong magagawa. Dumating na rin ang panahong maghihiwalay tayo at magkakanya-kanya ng landas", malungkot kong saad na mas lalong nagpaluha sa aking minamahal at sa ina ko.

"Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo at efforts na ginawa mo par sakin. Thank you for the memories we made together. Lagi kitang aalalahanin. Lagi kang buhay sa puso at alaala ko. I love you Aellyshia", sagot niya na ikinangiti ko. Then he kissed my forehead. Ang sweet niya talaga. Kahit sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ko at pagtatapos ng relasyon namin, hindi pa rin siya nagbago.

"I love you too Art", i answered.

Naramdaman ko ang pagmamanhid ng katawan ko. Parang lalamunin na ako nh kamatayan ay kakaunting lakas nalang ang natitira sakin. Nakaluhod pa rin si Art at umiiyak na nakatingin sakin ang nanay ko.

Ipinatong ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng ulo ni Art.

And I said unto him, "Art, my dearest man. Peace and health be with you always. Pagpalain ka ng Panginoon sa bawat araw ng buhay mo. Always remember Him, and obey His commandments. Alalahanin mo si Cristo Jesus, binhi ni David at ang Panginoon natin. Manalig ka sa Kanya at huwag mawawalan ng pag-asa. He has beautiful plans for you. Patawarin mo ako dahil heto na ang huling oras ko na kasama kita, just like I have said before, lilisanin ko rin ang mundong ito. Alagaan mo ang iyong sarili at ang mga mahal mo sa buhay, kayanin ninyo ang mga paghihirap at pagsubok na mararanasan ninyo. Magakatatag kayo hanggang wakas, at manatiling tapat at mabuti. Iiwan ko na rin ang aking katawan. Para akong nasentensyahan na haharapin na ang kaparusahan. I'm done. It's finished. Tapos na 'ko. Ako ay iaalay na, dumating na rin ang panahon ng aking pagpanaw. Lumaban ako nang tama, natapos ko rin ang aking karera, at nagpakatatag sa pananampalataya..."

Pagkasabi nito, dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata saka ako nalagutan ng hininga.

ONE SHOT STORIES AND POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon