Nagising nalang ako bigla. I checked the time on my phone and it's already 3:00 A.M. Mag-isa ako noon sa bahay. Sina mama kasi may pinuntahan at ayaw akong isama. Si kuya naman nasa trabaho kasi nightshift sya. Kaya ako lang ang mag-isa dito sa bahay.
Naisipan kong tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng snacks sa refrigerator. Kahit walang ilaw ay nakakakita naman ako nang mabuti dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ng aming kusina.
I opened the fridge and took a box of chocolates and 3 bars of cookies. At bigla nalang akong nagulat.
Nagulat ako dahil may narinig akong tunog ng nabasag. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang isang basag na baso. Takte! Sinong may kagagawan nito?
Hmmmm. Baka multo? O kaya kaluluwang nanghihimasok sa bahay namin.
"Hoy! Kung Sino ka mang gumawa nito lumayas kana!", sigaw ko sa kadiliman.
At may narinig ulit akong tunog na nasa bandang likuran na. Parang may bumangga sa lalagyan ng kitchen utensils.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng ingay na Yun at..."Yao Ming!?!", gulat na sigaw ko, dahil nakita ko ang pusa kong si Yao Ming na nakatayo sa lalagyan ng pinggan.
"Meow", huni nito at lumundag siya papunta sa'kin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya."Pusa lang pala 'kala ko multo", sambit ko while stroking his fur.
Anlambot. Parang cotton. And very cute. That's why I love cats.
Pagkatapos nito naghugas ako ng kamay at kumain ng malinamnam na snacks. Kasing-sarap ni sweetie. Yum yum yum yum.
Naisipan kong lumabas ng bahay at magpahangin. Kahit pajama lang ang suot ko ayos na sa'kin. Wala namang tao sa labas at maliwanag ang buwan.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid. At may nakita akong isang babae na nakaputi.
Hala. Malalim na ang gabi at bat gumagala pa ang binibining nakikita ko.
Papalapit siya sa'kin at amputi ng mukha nya. Nasobrahan yata siya sa pulbos.
Makinis ang kanyang balat. At maganda ang mukha.Wow chicks sarap naman.
Lumakad sya sa gilid ko at di ako pinansin. Nako naman. Kinalabit ko sya.
"Ate! Marami pa po kayong pulbos sa mukha", pagkasabi nito'y napalingon siya sa'kin.
"Tanga! White lady ako. Matagal na akong nagpaparamdam sa lugar na 'to.", sagot nya at sinamaan ako ng tingin.
What the heck! White lady pala sya! Isa pala siyang multo! 'Di ako makapaniwala.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at bigla nalang sya nawala sa paningin ko.
.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
SAGING
-@eliteknighteuPilipinas 1909
"Unggoy! Unggoy! Julian unggoy! Mahilig sa saging mahilig sa saging~", sigaw ng mga kalaro ko habang ako naman ay abalang kumakain ng saging at patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa'kin hanggang sa nainis na ako at binato ko sila ng balat nito.
"Bleh bleh bleh bleh bleh!!", pang-aasar ulit ng kapitbahay kong si Pedro.
"Pakialam mo kung kumakain ako ng banana ang mahalaga may makain!", wika ko at sumagot siya,
"Sobrang Mahirap lang kayo kasi hanggang banana lang kinakain ninyo at ni minsan 'di kita nakitang kumakain ng tsokolate, sorbetes, at iba pang mga pagkaing ipinakilala ng mga Amerikano dyan!"Nayamot na ako sa pananalita niyang ito at agad ko siyang sinugod at sinuntok nang dalawang beses sa mukha.
"Aray! Gago ka Julian ahh!", sigaw niya at agad akong pinalibutan ng kanyang mga kaibigan.
At ako'y pinagsisipa at pinagbubugbog nila.
Simula pa noong limang taong gulang pa lang ako ay minamaliit na nila ako sa pagkain ko ng banana. Ngayong pitong taong gulang na ako ay patuloy pa rin sila. At ang isang puno ng saging na nasa tabi ng bahay namin na namumunga nang masagana ay siyang unang pinagkukunan ng pagkain namin. Biyaya raw ito ng isang diwata sa nanay ko bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagtulong ng aking ina sa kanya.
Sa mga tanim naming halaman at gulay, ito lang ang siyang tanging malakas at tumutubo pa rin.
Lumapit ako sa puno ng saging iyon habang may hawak akong palakol.
Agad ko itong pinagsisipa ngunit hindi siya natutumba ni nabubuwal.
"Nang dahil sayo saging ay inaapi nila ako! Tsk!", galit na galit kong sigaw at sinimulan kong tagain ang napakataas at napakalagong puno ng saging na iyon.
"Mawawala kana ngayon sa paningin ko!", sigaw ko ulit.
Pagkatapos ng mahigit walong beses na pagtataga ay nakita kong matutumba na ang punong iyon.
"Anak! Bakit mo pinuputol yan! Yan nalang ang punong mayroon tayo!", tinig ng aking ina habang siya'y tumatakbo papalapit sakin.
Binitawan ko ang itak at nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang nasasaksihan ang pagbagsak ng punong iyon at unti-unti na akong nadadaganan nito.
"Julian!", sigaw ng aking ina.
Hangga't natabunan na ako at sa sobrang laki nito ay hindi ako makahinga ni makagalaw.
Saka ko ipinikit ang aking mga mata.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES AND POEMS
General Fictionthis is my compilation of my one shot stories and poems