THE PURGE : FARMER'S LIVES MATTER
-@kylan_is_chillin'𝐓𝐚𝐫𝐥𝐚𝐜 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐓𝐚𝐫𝐥𝐚𝐜 2004
"Pa? Please bigyan po ninyo ng sapat na pahinga ang sarili ninyo. Halos araw-araw nalang po kayong napapagod eh," pakiusap ko sa aking ama na si Tatay Kiran. He's a farmer, at siya'y nagtatrabaho sa isang lupang pagmamay-ari ng mga Cojuangco at Aquino, ang Hacienda Luisita. Ngumiti lang sya at masayang nagsabi, "Huwag mo na akong alalahanin Faeonelle, ayos lang ako. Dalawang taon nalang at magtatapos kana sa high school. Gagawa at gagawa si itay ng paraan para mapasaatin ang sakahan natin dati." Tumango naman ako. Wala na akong ina. At ako lang ang nag-iisang prinsesa ni papa.
I was currently sitting in a bench inside the park. Inaantay ko ang aking kasintahan na si Caleb Aquino, ang anak ng dating Pangulo ng Pilipinas, siya at ang kanyang angkan ang nagmamay-ari ng haciendang pinagtatrabahuan ng ama ko. "L-love...I'm here," aniya Kylan and I stood up to welcome him with my warm hug. "Miss na kita~ ano bang balita hon?" tanong ko habang magkasama kami noon na nakaupo. Saka sya tumugon, "Papakiusapan ko ang aking ina na ibigay sa tatay mo ang kanyang pinagtatrabahuan niyang lupain at nang sa ganoon, malaya na kayo mula sa amin, hindi na kayo mahihirapan." Ngumiti ako nang napakalawak at siya'y niyakap nang napakahigpit, "Maraming salamat mahal! That's my man!"
Magkahawak-kamay kami noon ni Caleb habang papunta kami sa tahanan niya. "Love? I want to introduce you to my family"
Hindi pa nga kami nakakapasok sa gate ng bahay nila nang lumabas ang nanay niya na si Tita Khole at ang nababatang kapatid ni Caleb na si Kirah. "Kuya? Iyan ba ang girlfriend mo? Iw," mataray na sambit ni Kirah at sinabi naman ni Tita Khole, "Nak? Bakit mo mamahalin ang isang babaeng dukha eh hindi nga kayo bagay sa isa't isa?"
Biglang nanghina ang loob ko nang marinig ito. Bakit ganoon? Ayaw sa'kin ng kanyang nga magulang.
"Stay away from my brother you poor uneducated crybaby!" sigaw sa'kin ni Kirah at hindi ko inaasahang itutulak niya ako. Inawat naman siya ni Kylan. Hindi na ako umimik pa dahil hindi ako pumapatol sa isang mayaman na walang ugali. "Caleb, I had warned you several times! Kapag hindi mo pa hiniwalayan ang Faeonelle na iyan ako na mismo ang maghihiwalay sa inyo," Tita Khole said before she and Kirah left us. Niyakap naman ako ni Caleb. "Mahal, sorry sa ginawa nila sayo," pagpapaumanhin niya. "Sanay na ako love. Since I was a kid I always experience discrimination."Kakauwi ko palang noon sa bahay-kubo ng aking ama nang mapagtanto kong wala siya doon.
Kaya't naisipan kong puntahan ang Tatay Kiran ko sa sakahang pinagtatrabahuan niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, I saw him and his fellow farmers protesting in the street.
"Ibigay mo sa'min ang aming sakahan! Ibigay mo sa'min ang aming sakahan!"
"Give us our rights!"
"Treat us equally!"
"Give us our proper wages!"
Ngunit dumating ang mga armadong pulis na pawang tauhan ng Cojuangco-Aquino clan at ginamitan sila ng dahas para itaboy ang mga magsasakang nagpo-protesta.
Ngunit nanlaban ang mga magsasakang iyon na nauwi sa patayan ng mga makapangyarihan at mahihirap.
Hampas dito, hampas doon. Maingay ang mga putok ng baril, at nagtatapunan pa talaga ng mga pamalo at tear gas.
Hindi na nalalayo sa isang purge, brutal na patayan ng mga tao sa aming lipunan.
I saw the harsh reality of life. How awful our society is. Sumisigaw laban sa mga mapang-aping mayayaman ang mga dukhang inabuso nila. Nagbibingi-bingihan lang ang mga nakaupong nasa ruling class.
Nakita ko ang ama ko na si Tatay Kiran na ipagtatanggol sana ang kanyang kapwa magsasaka nang pagbabarilin siya ng mga armadong awtoridad. "Pa!!!" sigaw ko nang napakalakas at patuloy pa rin sa kaguluhan ang mga naroroon. Lumapit ako sa nakahandusay niyang katawan at siya'y aking niyakap.
"Papa? Bakit hinayaan ninyo lang na patayin nila kayo?" naluluha kong sabi samantalang siya naman ay mapait na ngumiti. "P-patawad anak ko ..h-hindi k-ko nabawi ang inaasam n-ng pamilya natin...p-patawad," huling salita ni Papa Kiran and he suddenly gave up his ghost.
Ako'y buong kapaitan namang umiiyak sa tabi habang yakap ang kanyang malamig na bangkay. Siya nalang ang tanging makakapitan ko sa buhay kong ito tapos nawala pa siya. Ang sakit.
Mula noon, hindi na ako makapag-aral pa. Nabalitaan ko nalang na pinaghiwalay na talaga kami ng ina ni Caleb. Wala man lang siyang nagawa para ipaglaban ang pagmamahalan namin.
Naisipan kong maglakad patungong Maynila, umaasang makakahanap ako ng kapalaran doon. Ngunit habang patawid palang ako ng kalsada'y may humaharurot na sasakyan ang babangga na sa'kin.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES AND POEMS
General Fictionthis is my compilation of my one shot stories and poems