HOW SAD

3 1 0
                                    

Pamagat: Ang Aming Class Clown

.

Archie's Point of View

.

"Knock! Knock!"-sya

Napatingin ako said kanya at sumagot ako.

"Who's there?"- ako

"Ako maba"-sya

"Ako maba who?", tanong ko at nagulat nalang ako sa tawa ng mga kaklase ko.

"HAHAHAHA! HAHAHAHA!", malakas na tawa ng mga kapwa ko kamag-aral dahil napagtripan ako ni Daryl, ang aming class clown.

Halos rinig na rinig sa bawat sulok ng silid-aralan namin ang malakas na halakhakan. Hindi na ito bago sakin. Maging ako nga ay tuwang-tuwa din sa mga biro ni Daryl.

"Wooooyyyy! Mabaho! HAHAHAHAHA!"

"Sa wakas umamin ka rin Archie HAHAHAHA!"

Loko talaga. Si Daryl nga naman.

Siya yung tipong masayahin. Mahilig magbiro at magpasaya sa amin. Kaya laging maingay ang classroom namin dahil sa kanya.

.

Nakita kong lumapit sya kay Mark na noon ay naglalaro Ng Mobile Legends.

"Pre, Alam mo may isang driver na nagsabi saming mga pasahero-", kwento nya kay Mark at hindi pa nga sya tapos at sumagot na agad si Mark.

"Wag mo nga akong istorbohin!", naiiritang sagot ni Mark kay Daryl at binalewala nya lang iyon.

Itinuloy naman ni Daryl ang pagsasalita, "na "Yung mga panget bumaba na. May checkpoint doon sa unahan" at ako naman na pasahero ang nagsalita, "at ngayon kuya, sino na ang magda-drive??'"..

"Loko ka Daryl ahh! HAHAHAHA!", halakhakan namin dahil sa kalokohan na ikinuwento nya.

Sukdulan na ang mga biro ng Daryl na yung huh.

Ngunit isang araw, tumahimik nalang bigla ang aming silid-aralan. Baka dahil ito sa biglaang pagliban sa klase ng tinaguriang class clown namin na walang iba kundi si Daryl. Hindi man lang sya nagpaalam ni nag-iwan ng excuse letter kay Teacher Brando, ang adviser namin.

At kinabukasan, ganoon din ang nangyari. Walang pinagbago. Wala pa rin sya. Bored na bored tuloy kami hays.

I miss that funny dork.

"Antahimik nyo ah. Class, bat bigla nalang kayong naging ganito? Anong nangyari?", nagtatakang tanong ni Sir Brando.

Nakita kong tumayo si Rhen at nagsalita, "S-sir, y-yung c-classmate po namin na si D-Daryl, yung tipong dahilan po ng ingay sa ating classroom, w-wala na po.."

""Ano!? Bigla nalang nawala!? Naglaho na parang bula!?", gulat na reaksyon ng guro namin na wari'y di tanggap ang sinabi ni Rhen.

"Dinalaw ko po sya kahapon at nagulat nalang ako nang tumingin ako sa loob ng bintana ng bahay nila, nasaksihan ko na nagbigti pala sya.." ,umiiyak na wika ni Jon.

"Mahilig po si Daryl na magkwento ng mga kalokohan nya at magbahagi ng mga biro sa amin, p-pero yung mga pinagdadaanan nya't mga problema, di man lang nya magawang sabihin sa'min", sabi naman ni John Neil, isa sa mga matatalik nyang kaibigan.

At tumangis ang ilan kong kaklase, at bakas na bakas sa mukha ng lahat ang kalungkutan.

Masyado akong nalungkot sa sinapit ni Daryl. Bat ginawa nya yun? Akala ko ba naman mananatili sya sa amin at hindi nya kami iiwan.

Lahat ng nagpapasaya, kailangan ding magpahinga.

-bulletcrøst💉

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ONE SHOT STORIES AND POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon