PAG-IBIG AT RELIHIYON
-@𝘦𝘭𝘪𝘵𝘦𝘬𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵𝘦𝘶
𝚂𝙸𝙼𝚄𝙻𝙰 𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙶𝙰𝙽𝙸𝚂𝙼𝙾
Pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao dahil sa iba't ibang wikang lumabas sa kanilang mga dila habang nasa kasagsagan ng pagpapatayo ng Tore ni Babel ay nagsimulang kumalat ang mga inapo ni Noe noon sa buong daigdig. Si Yafet na anak ni Noe ay siyang naging ama ni Yavan. Si Yavan naman ay mayroong anak na si Elisa at si Elisa nama'y nagkaanak ng isang lalaki na nangangalang Helios.
Si Helios ay isang makisig na lalaki at itinanghal siya bilang isang binatang hari ng kanilang bansang Hellenico. Mayroon siyang kasintahan na nangangalang Selene. At gustong-gusto niya na itong pakasalan.
"Mahal? K-kailan mo ako hihiwalayan?", tanong sa kanya ni Selene habang sila'y nakaupo sa damuhan at nakatingala sa mga tanglaw sa kalangitan, ang libu-libong mga bituin at hugis bolang buwan.
"Hihiwalayan? Seryoso ka? Selene hindi ko kailanman gagawin iyon. Ayaw kong mawala ka sa akin oh binibining papakasalan ko", wari'y nalulungkot na sagot ni Helios at napayuko si Selene habang dahan-dahan niyang hinahawakan ang kamay ni Helios.
"Helios may sakit ako. A-alam mo nang matagal ko na 'tong tinitiis ang karamdaman at ewan ko kung magagamot pa ito kaya't naisip ko na hiwalayan mo nalang ako...", naluluhang sabi ni Selene at niyakap siya nang napakahigpit ni Helios.
"Huwag kang mag-alala sinta ko. Hihingi ako ng tulong sa mga albularyo mula sa Babilonia. Matutulungan nila tayo", wika ni Helios na pampalakas-loob at tumango naman si Selene. Itinuro niya ang marami-raming bituin sa langit.
"Huwag mo nang intindihin masyado ang sitwasyon ko. Magiging ayos din ako mahal. Lalaban ako Helios, lalaban ako. Diba gusto mo pang ganoon karami gaya ng bituin ang mga anak natin?", pagbibiro ni Selene at natawa silang dalawa pareho.
"Oo mahal", nagagalak na tugon ni Helios at nagsalita ulit si Selene,"Helios, kapag wala na ako sa sandaigdigan,
Tumingin ka lang sa maliwanag na buwan,
Siya ang saksi sa ating pagmamahalan,
Nasasalamin niya ang aking kagandahan,
Nakikita mo ang 'di mabilang na mga bituin,
Ganyan karami ang makakaalam at hahanga sa pagmamahalan natin..."
Pagkatapos ng apat na araw ay mas lumala pa ang karamdaman ni Selene at wala nang manggagamot ang makakapagpagaling sa kanya. Siya'y nakaratay ngayon sa kanyang higaan. Nagdadalamhati naman ang kanyang ama at si Helios sa kanyang sitwasyon ngayon.
"Mahal ko! Lumaban ka!", naluluhang pakiusap ni Helios habang hawak ang kamay ng kayang kasintahan.
"L-lagi k-kitang g-gagabayan. Iniibig k-kita H-helios...", huling bukambibig ni Selene at siya'y namayapa na.
Buong lakas na tumangis si Helios at siya'y nagluksa nang mahigit isang buwan. Bilang hari ng kanyang nasasakupan ay nagdeklara siya ng isang batas..."Mga kababayan! Mga kapwa ko Hellenico! Ipinag-uutos kong sambahin ninyo ang buwan! Ang buwan sa kalangitan. Siya'y walang iba kundi si Selene na aking kasintahan", buong lakas na sigaw ni Helios sa harap ng mga madla at naghiyawan ang lahat ng tao.
Hindi nagtagal ay pinakasalan ni Helios ang isa pang babaeng minahal niya bukod kay Selene, ang isang dalagang nangangalang Gaia.
Dahil napatay si Helios sa isang digmaan, ay labis na nagluksa si Gaia at unti-unti niyang napagtanto na siya'y nagdadalang-tao pala. At ang ama nito ay ang kanyang nag-iisang asawa. Para mapagtakpan ang kamatayan ni Helios ay gumawa siya ng kautusan na si Helios ay naging haring araw at nararapat na sambahin."Oh Helios na minamahal ko,
Ikaw ang nagbibigay-liwanag sa aking mundo,
Ikaw ang aming hari at sinasamba ng mga tao,
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES AND POEMS
General Fictionthis is my compilation of my one shot stories and poems