MARTIR
-@eliteknighteuJerusalem, Israel 33 A.D.
"Boo!"
"Lapastangan!"
"Ekis ka samin!!"
Sigaw ng mga tao habang nagsisipulot na sila ng mga bato at pinagbabato ang isang lalaking nangangalang Esteban.
Gusto ko sanang tulungan ang lalaking iyon ngunit baka ako ang pagbuntungan ng galit ng mga Judio. Isa ako sa mga nakasaksi ng ganoong pagbabato.
Kaya agad akong umuwi sa aming tahanan dahil hindi ko kayang tiisin na makita ang walang awang pagpaslang doon sa isang lalaking wala namang kasalanan.
"Ryss! Ibaba mo mga yan! Umalis na tayo rito dahil pupunta pa tayo ng Damasco upang manghuli doon ng mga kaanib sa sektang iyon!", sigaw sakin ng isang binatang nangangalang Saulo, na aking nakakatandang kapatid. Nasa pintuan siya ngayon ng aming bahay. Abala ako kanina sa pagbabasa ng mga liham ko para sa dati kong nobya na si Aeiruz nang nabigla ako sa mga sinabi niya.
"Kuya wala akong gana para pumunta doon", naiinip kong tugon at napa-smirk siya."Wag mo na ngang alalahanin yung dati mong nobya. Wag mo na siyang iyakan, palitan mo. Madali lang yan tapos hindi mo pa magawa. Kalimutan mo na yan dahil may mahalaga pa tayong gagawin. Tara na Ryss, Judio tayo! Tungkulin nating mga Judiong masugid na tagasunod ng Kautusan ang pangalagaan ang ating mga batas at pinaniniwalaan!", sermon sakin ni kuya Saulo at padabog kong binitawan ang mga liham na balak ko sanang ipadala.
"Pasensya na talaga kuya pero hindi muna ako sasama sayo. Sa ibang lugar siguro ako pupunta, baka sa dakong Tiro o kaya Samaria. Doon ako manghuhuli ng mga kaanib sa sektang lumalaganap sa bayan natin", seryoso kong sagot at napatango naman siya.
"Sige Ryss. Mabuting gawain yan. Magkita tayo ulit pagbalik ko dito sa Damasco. Sasama sakin si ate Achilla mo", pagpapaalam ni kuya Saulo na taga-Tarso at tinapik noya ang balikat ko. Saka siya lumabas at sumakay ng kabayo. Nakikita kong desidido siyang madakip at usigin ang mga alagad."Hay nako bunso. Labing anim na taong gulang ka palang tapos matindi na ang lungkot mo sa dati mong kasintahan. Masyado ka pa kasing bata dyan. Ang rupok mo talaga...oh sige bunso aalis na kami at babalik dito sina ate at kuya mo ha? Pakabait kayo ng mga kapatid mo", wika sakin ni ate Achilla at ginulo ang itim kong buhok. Saka siya sumakay din ng kabayo at umalis na sila nina kuya Saulo.
Pinulot ko ang mga liham ko para kay Aeiruz nang maalala ko ang panahong napakasakit para sakin, ang aming hiwalayan...
*FLASHBACK*
"Aeiruz, pakiusap wag mo akong iwan....k-kung iiwan mo man ako, sasama ako. Sasama ako sayo", pagsusumamo ko sa kasintahan ko habang unti-unti nang pumapatak ang luha sa aking mga mata. Nakaluhod ako nang paharap sa kanya at nagmamakaawang huwag siyang umalis.
"Patawarin mo ako Ryss. K-kailangan kong gawin ito. Kailangan nating gawin ito..p-pakawalan mo na ako..sana'y mapatawad mo ako", naiiyak niyang tugon saka ako napayakap sa kanya.
Ang sakit! Wala naman akong nagawang mali at lahat ng ginagawa ng isang lalaki sa relasyon ay nagawa ko na. Pero bakit ganoon? Kahit gaano pa ako katapat sa kanya. Bakit kailangan niya pa akong iwan?
"Hoy Aeiruz! Layuan mo nga ang lalaking yan! Tayong mga Saduseo ay hindi pwedeng makihalubilo sa mga Pariseo! Layuan mo siya o ako na mismo ang maghihiwalay sainyo?!", sigaw ng ama ni Aeiruz at agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kasintahan ko."Ryss, pakawalan mo na ako....pakiusap...", wika ng kasintahan ko ngunit hinila siya ng kanyang ama palayo sakin.
"Hindi!!", sigaw ko ngunit galit akong tinungo ng kanyang ama at buong lakas niya akong sinuntok sa mukha.
"Layuan mo ang anak ko ikaw na hampaslupa! Pariseong mahiral ka lang, maimpluwensya at mapera kami? Anong laban mo?!", galit na bulyaw sakin ng ama ni Aeiruz.
"Ama! Tama na po! Wag nyo po siyang saktan!", nalukuhang sigaw ng minamahal ko at bumangon ako saka ko pinunasan ang dumugo kong labi.
Agad Naman na umalis sa harapan ko ang kanyang ama at saka niya hinila ulit si Aeiruz paalis sa lugar na kinatatayuan namin ngayon.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES AND POEMS
General Fictionthis is my compilation of my one shot stories and poems