A/N: Hi guys! Btw pala may ikukuwento ako. Nabasa ko lang ito sa isang libro at nais kong ibahagi sainyong lahat upang may matutunan po kayong aral. Credits po sa tunay na may-akda ng kwentong ito.May isang pari noon na taimtim ang pananampalataya ss Panginoon. Isang tanghali, habang naghahanda siya ng kanyang homily ay nabalitaan niyang nawasak daw yung dam sa bayan nila. At napansin na niyang bumabaha na sa kanila at unti-unting tumataas ito. At napagpasyahan niyang umakyat patungo sa tuktok ng kanyang Simbahan at nanalangin sa Panginoon, "Panginoon, iligtas po Ninyo ako!"
Tumataas na ang tubig at umaabot na sa bubungan ang lebel nito. At pagkalipas ng ilang minuto ay may natanaw siyang isang bangka at may mga taong lulan nito. Sabi sa kanya ng bangkero, "Father sakay na po kayo dito! Para po maligtas po kayo sa baha!"
Ngunit tumanggi ang pari at sumagot, "Hindi ako sasakay. Ililigtas ako ng Panginoon."
At pinakiusapan pa siyang sumakag na para masagip na ngunit tumangi ulit siya.
At pagkatapos umalis ng bangka na iyon, ay may dumating pang isa at pinakiusapan siyang sumakay na para maligtas ngunit tumanggi ulit siya.
At sa ikatlong pagkakataon ay dumating na ang ikatlong bangka at sinabi ng bangkero, "Father sakay na po kayo! Gusto ko pong masagip kayo pakiusap! Heto na po ang huling bangka"
Ngunit tumanggi ulit ang pari, "ililigtas ako ng Panginoon kaya't di na ako sasakay dyan"
Pinakiusapan ulit siyang sumakay ngunit tumanggi siya. Kaya't naiwan siya sa tuktok ng Simbahan at tumaas nang tumaas ang tubig hanggang sa malunod siya.
Pagdating niya sa langit ay tinanong niya ang Panginoon, "Panginoon! Bakit po hindi ninyo ako iniligtas?"
Sumagot ang Panginoon, "nagpadala ako sayo ng tatlong bangka."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naglalakad ako noon sa aming lungsod. Ako ay isang binatang Griego at nagtataka ako sa mga bagong katuruan at aral na naririnig ko sa aking mga kaibigan. Sila'y nagkaroon na ng mga bagong kaalaman at karunungan. Ang pagkakaalam ko ay may isang taong nagtuturo ng karunungan sa kanila.
Napapansin kong hindi tradisyonal ang kanilang pag-iisip ngayon ah.Habang tumatagal ay naiinggit ako sa kanila at dahil gusto ko ring maging matalino kagaya nila ay ninais kong maghangad ng karunungan.
Lumapit ako sa isang gurong puspos ng karunungan. Siya ay walang iba kundi si Socrates.
"Guro, nais ko pong magkaroon ng karunungan", pakiusap ko sa kanya at nanlaki bigla ang kanyang mga mata.
"Karunungan? Halika rito bata at sumama ka sa akin", paanyaya niya sa akin at ako'y sumama nga sa kanya.
Pumunta kami ng ilog at lumusong sa tubig.
At naramdaman kong nasa malalim na bahagi na kami ng ilog at abot hanggang dibdib ang lebel ng tubig.
"Guro? Ano pong gagawin natin rito?", tanong ko sa kanya ngunit hindi siya umimik bagkus ay hinawakan niya ang aking buhok at inilublob ang aking ulo sa tubig.
Lumipas ang mga segundo at hindi na ako makahinga. Iniangat niya ang aking ulo at ako'y humihingal.
"Anong kailangan mo iho?", tanong niya sa akin at ako'y habol-hiningang sumagot, "k-kailangan ko po ng karunungan..."
Ngunit inilublob niya ulit ang aking ulo sa ilalim ng tubig at mas naging matagal pa kaysa sa ginawa niya kanina.
Gusto ko nang makahinga. Anong kinain niya at ginagawa niya ito sa akin?
Iniangat niya ang aking ulo at ako'y hingal na hingal.
"Iho ano ngang kailangan mo?", tanong niya ulit sa'kin at ako'y magalang na sumagot, "kailangan ko po ng karunungan, karunungan po..."
Ngunit hindi siya umimik at inilublob ulit ako sa tubig nang ilang minuto. Hindi na ako makahinga. Gusto ko nag umalis rito.
At sa wakas ay iniangat niya ang aking ulo at ako'y labis na humihingal.
"Ano talaga ang kailangan mo bata?", tanong niya sa akin at ako'y tumingin sa kanya.
"H-hangin...k-kailangan ko po ng hangin...", humihingal kong sagot at tumugon siya, "hangarin mo ang karunungan kagaya ng paghahangad mo sa hangin"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES AND POEMS
General Fictionthis is my compilation of my one shot stories and poems