Zahra's P. O. V
Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay napatingin ako sa maduming harapan ng bahay, halos hindi na makita ang pintura ng bahay dahil sa dumi, puro rin alikabok ang mga bintana, sandamakmak din ang dahon dahil sa puno ng mangga na katabi ng bahay.
Wala akong kapitbahay, napakalawak ng lupa namin pero puro matataas na damo lang ang nakapaligid. Wala din akong balak na ibenta ang lupa kahit ba mayroong nagtatangkang bumili nito noon. Binili ito ng magulang ko kaya ayokong mapasakamay ito sa iba.
Malaking bakod naman ang nasa bakuran ng bahay, tinuturing naming Garden iyon nung bata ako. Napakadaming halaman at napakaganda nito dati, pero ngayon ay wala nang halaman, puro lupa na lang dahil dito ko nililibing lahat ng dapat mamatay.
"Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito--" napahinto ako sa pagbibilang nang mga bangkay dahil sa busina ng isang truck.
Pumunta ako sa harap ng bahay at nakita ko ang truck ng basura.
"Ma'am! May basura kayo?" tanong ng lalake sa akin.
Pumasok ako ng bahay para kunin ang basurang damit ng mga lalakeng pinatay ko. Matagal na 'to dito sa akin. Kadalasan kasi ay hinuhubad nila ang damit dahil nakikipag sex ako sa kanila. Kapag may dugo naman ay sinasama ko sa paglibing sa kanila.
"'Eto," sambit ko at hinagis ang plastik na may damit.
"Sige po!" sabi ng lalake at sinalo ang plastik.
Umalis na sila at sumakay na ako ng kotse para pumunta sa shop ko.
********
"Good morning, Ma'am Zahra! Nandito na po ang dried Jasmine at Lily Flowers, ala-sais dumating ang mga bulaklak, bukas naman po ay darating ang Roses at Lavender from overseas then mamaya po may meeting--"
"You're loud," walang gana kong sabi at tinignan ang P.A ko ng masama.
Pumunta na ako sa office ko at tinignan ang papers sa lamesa ko.
"Yan po yung sales of this month," sabat ng P.A ko.
Habang binabasa ko iyon ay bigla namang sumagi sa isipan ko si Jehiel.
"Dito naman po sa folder na 'to nakalagay kung nakamagkano tayo sa stocks natin every week, yung packaging din...." Hindi ko na naintindihan pa ang mga pinagsasasabi ni Ella.
Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang mapusok na paghalik sa akin ni Jehiel. Ang mabango niyang amoy-- I think that's one of my works. I mean pakiramdam ko ako ang gumawa ng formula ng pabango na iyon.
"Ella-"
"Yes Mam!" masigla niyang sagot.
"I want you to take care of these stuffs, aalis ako. Siguraduhin mong walang tatamad-tamad sa factory," sabi ko at agad na tumayo.
"Pero, Ma'am--"
Nilingon ko si Ella at tinaasan ng kilay, hindi naman siya nakasagot at yumuko lang sa akin.
Lumabas na ako ng shop at sumakay sa kotse ko. Pumunta ako sa Hospital kung saan nagtatrabaho si Jehiel.
Mabilis akong naglakad patungo sa opisina ni Jehiel pero wala siya roon.
"Excuse me nurse, nasaan si Jehiel? I mean, Doctor Jehiel," sabi ko sa isang nurse na nakasalubong ko.
"Nasa 10th floor po ang mga Doctors ngayon dahil mayroong meeting, pasyente ka po ba ni Doc? Dito po kayo maghintay--" akmang hahawakan niya ang braso ko pero umatras ako.
"No thanks," sambit ko at sinuot ang glasses ko.
Sumakay ako ng Elevator at pumunta sa 10th Floor.
"Sa 10th floor? Nakakatakot... Doon siya pupunta?" bulong ng babaeng pasyente sa kasama niyang guardian.
"Bakit anong problema?" tanong ng Guardian.
Hindi ko naman siya pinansin at nanatiling naka-chin up at hindi siya nilingon.
"Dati raw madaming nagpakamatay doon. Kaya hindi na ginagamit ang mga kwarto sa 10th floor. Lahat daw ng pasyente na napupunta sa mga kwarto roon ay nag si-suicide."
"Nakakatakot nga. Tara na," sabi ng Guardian at lumabas sila pagdating ng 9th floor.
Nang makarating ako sa 10th floor ay tinanggal ko ang salamin ko at naglakad.
Nakakapagtaka naman at walang katao-tao rito. Walang nurses at walang kahit na ano.
"Hello?" tawag ko pero walang sumagot.
Binuksan ko isa-isa ang mga kwarto at tila ba naging bodega ito ng hospital. Puro storage room lahat ng kwarto. Sa dulong pinto naman ay naririnig kong may nagsasalita.
Agad kong binuksan ang pinto.
"This symptoms can be---"
Napahinto ang isang Doctor na nagsasalita dahil sa pagbukas ko ng pinto.
Malaki ang table at napakadaming Doctor ang nakapalibot doon, inikot ko ang mata ko at nang makita ko si Jehiel na magkasalubong muli ang mga kilay ay napangiti ako.
"Good morning! I'd like to excuse Doctor Jehiel Daet--"
"I'm sorry Miss we're in a meeting, bawal ang pasyente rito, bakit ka narito?" tanong sa akin ng Doctor.
"I know. It's urgent. I need Doctor Jehiel--"
Nagulat naman ako nang magsalita ang isang babaeng Doctor na katabi ni Jehiel.
"Miss, urgent din 'tong meeting na 'to, kailangan namin--"
"And I need him too! I'm gonna die any minute! Mag me-meeting pa rin kayo?!" inis kong sigaw.
Agad namang tumayo si Jehiel at lumapit sa akin.
"I'm sorry, Sir, I'll handle this," sabi ni Jehiel at hinawakan ang kamay ko.
Napangiti naman ako.
"Zahra naman!" bulalas ni Jehiel nang makalayo kami sa kwartong pinag me-meetingan nila.
"Ano?!" inis kong tanong.
"Bakit ka ba nandito!? Bawal ang pasyente sa 10th floor," sabi nito sa akin.
"Walang nagsabi sa 'kin. Besides bakit kase nasa 10th floor yung conference room niyo?! Napaka weirdo ng hospital na 'to!" sabi ko at napa cross arms.
"Bakit ka ba kase nandito!?" muling tanong ni Jehiel.
"Because... I miss you!" nakangiti kong sabi at humakbang papalapit sa kaniya.
Nakatitig lang si Jehiel sa mga mata ko habang umaatras siya dahil umaabante ako.
Mahina akong natawa dahil ilang na ilang si Jehiel.
"You're so rare," bulong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Nobody made me feel like this, except... You!" sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.
"Zahra, please not here," sabi nito at hinawakan ang kamay kong inilapat ko sa pisngi niya.
"So? Saan tayo? Sa CR? Sa Office mo? Sa bahay ko? May pinto naman dito pwede i-lock!" nakangiti kong sabi.
"Zahra!" galit niyang sabi.
I chuckled and hold his arms.
"I wanna know.." bulong ko at nilapit ang mukha ko sa leeg niya.
"What's your perfume?" tanong ko.
Napatingin naman ako sa adams apple ni Jehiel na gumalaw. Napapalunok ito ng sarili niyang laway dahil sa malapit ang katawan ko sa kaniya ganon? Akala mo kung sino pero marupok naman deep inside sadyang nagmamatigas lang.
"I-I don't know.. I think-- Zi.Ey?" tanong ni Jehiel.
"YES! THAT'S MY SHOP!" nakangiti kong sabi at lumayo na sa kaniya.
"W-what?!" nauutal niyang tanong.
"I'll guess! Maybe that smell is called Dragon! Right? By the way I'm the CEO of Zi and Ey, Zi Stands for Zahra and Ey Stands for Adams! I made it E-Y because thats how you pronounce letter A," sabi ko at nilahad ang kamay ko sa kaniya.
"H-hi," nauutal na sabi ni Jehiel at nakipag-shake hands sa akin.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Bed (R-18) COMPLETED
RomanceA new SPG story Zahra is a Psycho woman who loves to play games with men. She looks so innocent but wild and brutally on bed, one day she met her match named Jehiel. WARNING: This story contains matured content. Read at your own risk.