HAPPY 50K READS! AS I PROMISED, HERE'S A SPECIAL CHAPTER!
IF THIS STORY WOULD HAVE MILLION READS I WOULD WRITE A BOOK 2.
Habang abala si Jehiel sa pagliligpit ng mga laruan ni Miykal, biglang humangin ng malakas. Damang-dama niya ang malamig na hanging pumasok mula sa bukas na bintana.
Napabuntong hininga ito at lumapit sa bintana, sinarado niya iyon at muling lumingon sa mga laruan ni Miykal. Nanlaki ang mga mata ni Jehiel nang makitang nakatayo si Zahra sa crib ng mahimbing na natutulog nilang anak.
"Zahra..." bakas sa boses ni Jehiel ang lungkot.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Zahra. Ramdam niya ang pagtulo ng kaniyang luha. Niyakap niya si Zahra ngunit parang bula itong naglaho.
"Zahra... I really miss you, can you show yourself again?" umiiyak na sabi ni Jehiel.
Kasabay noon ang pagluhod niya at napahagulgol dahil sa pangungulila niya sa kaniyang mahal na si Zahra.
Kinabukasan, Nagising siya nang maramdaman nito ang maliit na kamay ng kanyang anak.
"Daddy, bakit diyan ka natutulog?" tanong ni Miykal sa kaniyang ama habang nilalamukos nito ang mukha ni Jehiel.
"Ang kulit mo talaga, sabi ko sa 'yo wag ka aalis sa crib na 'to nang hindi ako nagbubuhat sa 'yo. Paano kung nahulog ka?" nag-aalalang tanong ni Jehiel.
Ngumiti lang sa kaniya ang kaniyang anak at muling tumakbo ang bata papunta sa kaniyang mga laruan.
Tatlong taong gulang na si Miykal. Makulit na bata na ito. Pinagsasabay ni Jehiel ang pagiging ama niya at pagiging Doctor para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
"Jehiel!" tawag ni Scarlet.
Pumasok si Scarlet sa bahay niya at lumapit kay Miykal.
"Sabi ko sa 'yo 'wag ka pupunta dito nang napakadami mong alahas, hihilahin na naman ni Miykal yang nasa tenga mo!" galit na sabi ni Scarlet.
"Tsk! Umagang-umaga! Tignan mo nga itsura mo sa salamin! Uminon ka na naman ba kagabi!? Nako, kung nabubuhay lang si Zahra malamang--" napatigil si Scarlet nang narealize niya ang kaniyang binabanggit.
"S-sorry. Sige na, pumasok ka na sa trabaho mo. Kukunin ko na si Miykal," sabi ni Scarlet.
"Anak, Miykal. Anong turo ko sa 'yo kapag nakita mo ang baby ng Ninang Scarlet mo?" tanong ni Jehiel at lumuhod sa harap ni Miykal para sila ay magpantay.
"Wag kukurutin ang pisngi ni Baby Mirela," sagot ni Miykal.
"Good girl," sambit ni Jehiel at ginulo ang buhok ng kaniyang anak.
"Salamat, Scarlet," sambit ni Jehiel.
"Wala 'yon! Para 'to sa kaibigan ko. Baka multuhin ako kapag pinabayaan ko kayo! Charot! Babye ka na kay Daddy Jehiel mo," sabi ni Scarlet at kinarga si Miykal.
"Ba-bye Daddy!" ngumuso ang bata kaya't nilapit ni Jehiel ang kaniyang labi upang halikan ang kaniyang anak.
"I love you baby, behave lang. Okay?"
"Opo."
Inabot ni Jehiel ang gamit ni Miykal kay Scarlet. Lumakad na sila palabas at sumakay sa kotse.
Simula nang mawala si Zahra ay tumutulong si Ella at Scarlet sa pag-aalaga kay Miykal. Ngunit dahil si Ella ang nagmamay-ari ng company ni Zahra, madalas ay si Scarlet na lang ang kumukuha kay Miykal.
Nagkaroon na ng pamilya si Scarlet, nanganak siya at isang taong gulang pa lang ang anak niya. Dahil rin big time ang napangasawa niya ay wala itong ginagawa, kaya't nakakatulong siya.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Bed (R-18) COMPLETED
RomanceA new SPG story Zahra is a Psycho woman who loves to play games with men. She looks so innocent but wild and brutally on bed, one day she met her match named Jehiel. WARNING: This story contains matured content. Read at your own risk.