Jehiel's P. O. V
Maaga akong nag-out sa hospital dahil pupuntahan ko si Zahra, wala naman na akong appointments kaya okay na kahit mag-undertime ako.
"Jehiel!" tawag sa akin ni Carla habang naglalakad na ako palabas ng hospital.
"Sorry! Doctor Jehiel pala," naiilang na sabi ni Carla.
"Parang hindi naman tayo magkaibigan," sabi ko at ngumiti.
Mahinang natawa si Carla at saka humakbang papalapit sa akin. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.
"Bakit wala ka sa bahay mo kagabi?" tanong ni Carla.
Umilag ako sa mga tingin niya at nilinga linga ang mata ko sa paligid. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya although magkaibigan nga kami.
"You slept with Zahra?" seryosong tanong ni Carla na ikinagulat ko.
"H-ha? Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Hinulaan ko lang, at tama naman ang hula ko. Iba talaga ang instinct ng girls," natatawang sabi ni Carla.
Sinabayan ko na lang siya sa pagtawa para hindi awkward.
"You're dating her right?" tanong niya.
Agad naman akong tumango, paano ko pa itatanggi. Matagal na akong kinukulit ni Zahra at ilang beses na nila kaming nakikita sa maselang posisyon dahil sa kalokohan ni Zahra.
"Ang bilis.." rinig kong bulong ni Carla.
Napakunot naman ang noo ko.
"What?" tanong ko.
"Wala! Ingat ka!" sabi sa akin ni Carla at tinapik ang balikat ko.
Tinitigan ko ang mga mata niya at para bang may gusto siyang sabihin, hindi ko na lang 'yon pinansin.
Akmang lalabas na ako ng hospital pero hinawakan ni Carla ang kamay ko.
"B-bakit? Sabihin mo na gusto mong sabihin, 'wag ka na mahiya. Parang hindi tayo magkaibigan," sabi ko at nginitian siya.
"Are you really sure on Zahra?-- I mean! You know Zahra is a play girl, tignan mo 'to," sabi ni Carla at nilabas ang cellphone mula sa bulsa niya.
Pinakita niya sa akin ang pictures ni Zahra na may kasamang iba't ibang lalake.
"Halata namang mas gwapo ako sa kanila," sabi ko habang sinu-swipe ang phone ni Carla.
"Oo, pero paano ka nakakasigurado na hindi ka na maloloko ulit? Na hindi siya kagaya ni Scarlet, advice lang bilang kaibigan. May oras ka pa para mag-back out, hindi pa naman kayo 'di ba? Nag de-date pa lang kayo," sabi ni Carla sa akin.
Napa-isip naman ako, tama ang sinabi niya. Wala akong magagawa sa ngayon kundi magtiwala at bantayan si Zahra. Iba na din ang sigurado.
"Just saying ha. Bye," sabi ni Carla at saka naglakad na palayo.
Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papunta sa motor ko.
Zahra's P. O. V
This is wrong, maybe I can find a new target to kill. I need to punish every man who violence and made woman a sex slaves.
"Ma'am! Ma'am! Yung bebe niyo po!" masiglang sabi ni Ella.
Napatingin naman ako sa kaniya ng masama dahil nag-iisip ako tapos bigla siyang nang iistorbo. Naestatwa lang si Ella sa pinto habang nakatitig sa akin. Nawala ang ngiti sa labi niya.
"S-sorry Ma'am-- si Sir-- Doctor Jehiel po kase," sabi ni Ella.
Napakunot ang noo ko at para bang tumalbog ang puso ko sa ligaya nang marinig ang pangalan ni Jehiel.
"Good afternoon, Ms. CEO," mapilyong sabi ni Jehiel dahilan para mapangiti ako.
Napatayo ako at akmang yayakapin siya pero umatras siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"I know skirt and crop top is your style, but-- baka kabagan ka tapos yang binti mo kakagatin ng lamok yan. Maganda kang tingnan sa ganiyan, sobrang ganda mo pero feeling ko mas maganda ka kapag naka-jeans ka naman," sabi ni Jehiel at saka siya na ang lumapit sa 'kin para yakapin ako.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Hindi ba siya natutuwa sa suot ko? Does it not make him horny anymore?
"Nag meryenda ka na ba?" tanong ni Jehiel sa akin saka bumitaw sa pagkaka yakap.
"Not yet."
"Ako rin po, hindi pa!" masiglang sabi ni Ella at tinaas pa ang kamay niya.
Pinanlakihan ko ng mata si Ella para umalis ito, agad naman siyang natakot at lumabas.
Ang babaeng 'yon talaga, kanina pa pala nakikinig.
"Can you skip work? O bibili na lang ako ng meryenda para dalin--" I cut him off.
"Nope! Let's go. Remember I'm the boss," sabi ko at nginitian siya.
Yea... I'm the bitch boss.
Dinala ako ni Jehiel sa motor niya, Sinuotan niya ako ng helmet.
"Paano ka ngayon sasakay, kitang-kita yang binti mo," sabi ni Jehiel.
Natawa naman ako sa inaakto niya, dati napaka sungit niya pero ngayon ibang iba na siya, napakalambot niyang mamon.
"Patagilid ka sumakay tapos ilagay mo 'to sa legs mo," sabi ni Jehiel at inabot sa 'kin ang jacket niya.
"What are you doing?" natatawa kong tanong at kinuha ang jacket.
"Protecting you? I guess?" sabi niya at sumakay na sa motor.
Kagaya ng sinabi niya ay patagilid akong umangkas sa kaniya at pinatong ko ang jacket sa hita ko saka pinalupot ang kamay ko sa bewang niya.
"Sa'n tayo?" tanong ko.
"Basta," sagot niya at hinarurot na ang motor.
Minsan naisip kong bumili na lang din kaya ng motor? Besides hindi naman siya sasakay sa kotse ko. Ang sarap mag-motor para akong lumilipad sa bilis niya magmaneho ang lamig-lamig pa ng hanging tumatama sa balat ko.
"Dito na," sabi ni Jehiel at hininto ang motor sa isang maliit na shop.
Hinubad ko ang helmet ko at saka binigay kay Jehiel. Pumasok ako sa shop at halo-halo pala ang specialty nila dito.
Lumapit ako sa cashier pero nagulat ako nang makita ang isang babae at isang lalake, galit na galit ang lalake sa babaeng. Mukhang pareho silang empleyado dito dahil same sila ng uniform.
"Tanga-tanga mo talaga!" bulyaw ng lalake saka binatukan ang babae.
Look at this guy. So handsome with an ugly manners.
"Excuse me!" nakangiti kong sabi para makuha ang atensyon ng lalake.
"Yes, Miss Beautiful!" agad na sabi ng lalake at nilapitan ako.
"Ehem!" biglang sabi ni Jehiel mula sa gilid ko, tinabihan ako ni Jehiel at inilagay ang kamay niya sa bewang ko.
What the fuck is he going? He's ruining my plan for this shit. He deserves to live in hell.
"Dalawang Halo-halo at nachos-- ikaw ano pa gusto mo?" tanong ni Jehiel.
"Fries," sabi ko.
It's been a while since I ate these kind of food.
Madalas kase kakain lang ako sa bahay, kapag tinamad ako ay hindi ako kakain. The reason why I'm so thin, hindi ako pala-kain. I spend money for my clothes, electricity and water, that's all.
Ayoko mamasyal sa park, mall or even to go to church! Puro pamilya ang mga nakikita ko, kids calling their parents! I don't wanna hear and see those kind of scenes. I'd better choose to lock myself in my fucking house or drink in bars to have sex.
"Tara na ditto, Zahra!" tawag sa akin ni Jehiel dahilan para mawala ang pag-iisip ko.
Lumapit na ako sa kaniya at naupo sa tabi niya.
Nginitian ko si Jehiel, he's such an exemption.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Bed (R-18) COMPLETED
RomanceA new SPG story Zahra is a Psycho woman who loves to play games with men. She looks so innocent but wild and brutally on bed, one day she met her match named Jehiel. WARNING: This story contains matured content. Read at your own risk.