Zahra's P. O. V
Paggising ko ay nakita ko si Jehiel na naglalagay ng apoy sa bundok na dahon.
Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba galit siya sa 'kin?
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Jehiel.
"Binalik ko yung lunch box mo, saka kapag nagluto ka 'wag mo sana ibubuhos yung asin," natatawang sabi ni Jehiel.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa inaasta niya ngayon, bakit bigla siyang naging mabait at ngumingiti na siya sa 'kin?
"Are we okay now?" tanong ko sa kaniya.
"Maybe, yes," sabi ni Jehiel.
Napaatras ako nang biglang lumiyab ang mga dahon.
"Ayan may pa bonfire ka na," sabi ni Jehiel at saka kumuha ng upuan at tumabi sa akin.
"I'm sorry," muli kong sabi.
"Okay na 'yon, nga pala. Mukhang mahal na mahal mo nakalibing diyan, may pa rosas ka pa," nakangiting sabi ni Jehiel.
"Sobra," bulong ko at tinignan ang lupa.
It's my Mama.
"Is it a dog?" tanong ni Jehiel.
Hindi ko siya sinagot at tumayo na ako para kumuha ng makakain, kanina pa pala ako nakatulog doon.
Kumuha ako ng mga biscuits sa cabinet ng kusina at bumalik sa bakuran. Nakita ko si Jehiel na nilatag ang lumang lona at saka umupo rito.
"Ang ganda pala dito, masarap tumambay," sabi ni Jehiel at saka ako sinenyasan na lumapit sa kaniya.
Binaba ko sa upuan ang mga pagkain na dala ko.
"Crackers! Penge!" masiglang sabi ni Jehiel.
Napangiti naman ako sa kaniya at saka siya tinabihan.
"Alam mo ba nung bata ako, paborito ko 'tong kainin, tapos huling kagat na lang! As in kakainin ko na tapos biglang nag-ring yung telephone namin no'n tapos nahulog ko yung huling kagat!" masiglang kwento ni Jehiel.
"Sa isip ko, sayang. Wala pa namang 5 minutes kaya pinulot ko ulit yung nahulog sabay subo parang walang nangyare!" natatawang sabi ni Jehiel.
Bigla naman akong napatawa sa kwento niya.
"ANG DUGYOT!" sigaw ko habang tumatawa at hinampas siya sa braso.
Napahinto ako sa pagtawa nang titigan ako ni Jehiel, naging awkward tuloy yung atmosphere.
"B-bakit?" tanong ko.
"Ngayon lang kita nakitang masaya," sabi ni Jehiel.
Sandali ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.
"Baliw! I'm always happy 'no!" sabi ko at ngumiti.
"Nope, this is the first time I saw you happy, the real happiness," sabi ni Jehiel dahilan para maestatwa ako at napatitig lang sa kaniya.
"Zahra," tawag sa akin ni Jehiel.
Lumapit ito sa akin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang sasabog ang puso ko anytime.
"You're so pretty when you're happy," sabi ni Jehiel at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Say something," sabi ni Jehiel at mahinang natawa.
"H-Ha?" sambit ko at napaatras.
I'm used to this, bakit parang nahihiya ako ngayon? Ano bang nangyayare? I've kissed many guys before.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Bed (R-18) COMPLETED
RomanceA new SPG story Zahra is a Psycho woman who loves to play games with men. She looks so innocent but wild and brutally on bed, one day she met her match named Jehiel. WARNING: This story contains matured content. Read at your own risk.