Chapter 4

531 20 0
                                    


Naalimpungatan ako dahil sa sobrang init. Alas siyete na nang umaga at tirik na ang araw.

"Hala! Alas siyete na hindi pa ako nakakapagluto" sabi ko sa aking sarili.

"Nakapagluto na ako anak" sabi ng mama kong si Rowena Villarel.

"Sorry po ma matagal ako nagising"

"Okay lang anak. Sige na maligo ka na at baka ma late ka pa sa klase"


Agad akong napatakbo sa banyo. Alas utso ang unang subject ko.


Nasa 4th year College na ako. Business Administration ang aking kurso. Yun kasi ang kurso kung saan ako nakakuha ng full scholarship at may allowance pa every month. Kumpara sa ibang scholarship na walang allowance o kung meron man mas maliit naman.


"Mahal kasabay na dumating ang bill natin sa kuryente at tubig" narinig kong sabi ni mama kay papa.


Tricycle driver si papa. Hindi sapat ang kinikita niya para tustusan lahat ng pangangailangan namin kaya dapat rin ako dumiskarte.

Nang matapos na ako kumain at maghanda para sa school ay umalis na ako. Hindi naman malayo ang School na pinapasukan. Isang sakay lang ng jeep at makakapunta ka na roon.



Pagdating ko sa school ay agad ako sinalubong ng mga kaklase ko.

"Aaaaash, may sagot ka ba sa assignment?" Tanong nila na parang mga tutang mangiyak-ngiyak ang hitsura.

"For sure may sagot itong si Ash" segunda naman ng bestfriend kong si Anna.

Agad kong inilahad ang kamay ko.

"Magkano?" Tanong nilang lahat.

"Isang daan bawat isa sa inyo" presyo ko sa kanila.

"Ang mahal naman Ash wala bang tawad?"

"Edi kong ayaw niyo wag nalang"

"Sige na magbabayad kami. Ayaw naming bumagsak"


Agad naman silang nagbayad. 25 silang lahat kaya nagka 2,500 na ako. May pambayad na kami sa kuryenti at tubig.


7:30 pa naman. Busy sa kakakopya ang mga classmates ko maging si Anna rin, kaya wala akong makausap ngayon.

Binuksan ko nalang ang data at sunod-sunod agad ang pagtunog nito. Tinadtad pala ako chats ng Zackary na iyon.

Binuksan ko ito at nabasa ang mga messages niyang pinipilit akong mag reply. Kadalasan babala.

Nag send din siya ng picture pero hindi ko ma view dahil wala akong load.


Lumapit ako kay Anna.

"Besh pa hotspot naman oh"

"Magpaload ka kaya"


Sinimangutan ko siya "Oo na magpapa hotspot na ako. Hindi ko talaga matiis yang pagmumukha mo"


Nginitian ko naman siya bilang papasalamat.


Agad ko namang tiningnan ko ano ba ang picture na sinend ni Xackary.

Screenshot pala ito ng google translator.


Napakagat ako sa babang labi ko dahil hindi ko naisip kagabi na e tatranslate pala niya iyon.

Suplado ka pala - You're Stuck

Millionaire ka di ba? Edi mag hire ka ng intrepreter mo - Are you a billionaire? You can hire your interpreter

Hulaan mooooooo - Guess mooooooo


Medyo mali, na medyo tama ang translation pero basi sa translation hindi talaga maganda ang mga pinagsasabi ko sa kanya.


Nagitla ako ng mag message naman si ma'am Miranda.

"Hey how was your job?" Tanong niya.

"I think I offended your son" sagot ko. Dapat maging honest ako sa boss ko eh.

"Really? Did he reply?"

"Yes" tapos nag send ako ng screenshot sa convo namin ni Zack.

"Keep it up my dear. Offend him as much as you can. I will send you the 2,500 dollars right away. May I ask for your bank account?"


Ang weird talaga ng mag ina na to. Siya lang ang kilala kong nanay na gustong inaaway ang anak niya. Pero wala akong maibigay na bank account dahil wala akong ganon. Di ako rich kid eh!


"I'm sorry ma'am but I don't have bank account"

"Okay no worries. I'll ask someone to process your bank account"


Hiningan niya ako nga mga informations at ilang requirements para sa pagbubukas ng bank account. Buti nalang at nakompleto ko agad yon.



Nag chat naman ako kay Zack, ayaw ko namang mabansagang seener noh.

"Hi Zack goooood moooorning. Oops I guess it should be good evening in your area! Hehehe"

"Ohw! Finally you reply"

Omg! Kay bilis nagreply!

"Cyl"

"Cyl?"


Ano ba naman to hindi alam anong CYL?

"It means Chat You Later my dear!" Sarkastikong reply ko sa kanya.

"Why it should be later? I don't want to be a second priority"

Aba! Aba! Pa priority? Boyfriend? Boyfriend?

"I have classes! Bye! ^_<"

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon