Chapter 22

346 8 1
                                    

Kumakain sa canteen sina Anna at Ashley nang biglang umupo sa tabi ni Ashley si Bryan.

"Sir anong ginagawa mo?" Bulong ni Ashley.

"Kumakain bakit bawal ba?"

Hindi nakasagot si Ashley dahil hindi naman bawal na kumain si Bryan sa Canteen.

"Baka kung anong isipin ng iba"

"Wala akong pakialam. Isa pa kasama naman natin si Anna"

Nakahinga naman ng maluwag si Ashley. Samantala si Anna naman ay hindi maitago ang ngiti dahil kinikilig ito sa kanilang dalawa.

"Ihahatid kita mamaya"

"Sir ayoko!"

"Pag ayaw mo kikidnapin kita"

"Sir susunduin ako ni Sir Claude"

"Puro nalang si Claude" pagtatampo ni Bryan.

"Friend ko siya"

"Buti naman friend lang. Basta ako manliligaw mo ko" sabi nito at nagsimulang kumain.

"Sir naman eh"

"Kahit anong gawin mong pagpigil sa akin di mo ako mapipigilan"

"Bakit?"

"Obsess na ako sayo"

Nasamid naman si Anna sa kinakain dahil sa narinig niya. Hindi niya ineexpect na ganito na ka loko ang ginagalang niyang Sir Terrofi sa kaibigan niya.

Wala namang nagawa pa si Ashley kundi tumahimik nalang.

Habang patuloy siyang kumakain ay nahagip ng mata niya si Chleo. Nakaupo ito sa ibang table. Masama itong nakatingin sa kanya.

Nang matapos na sila sa pagkain ay nagpunta sa CR si Ashley. Habang si Anna naman ay dumeritso sa room.

"Hindi mo sineseryoso ang babala ko sayo Ashley" sabi ni Chleo na nasa CR din pala.

"Siya ang lapit ng lapit. Ginagawa ko ang lahat para umiwas. Bakit hindi siya ang bantaan mo at hindi ako!" Bwelta ni Ashley.

"Ang kapal talaga! Feeling mo naman seryoso siya sayo?"

"Hindi ako umaasang seryoso siya. Wala rin sa isip ko ang makipagrelasyon nino man. Nananahimik ako Chleo kaya please lubayan mo ko!" Akmang lalabas ng CR si Ashley pero humarang ang dalawang minion na chulalay ni Chleo na sina Jenny at Mary.

"Wag mo kong tatalikuran dahil kinakausap pa kita"

"Ano pa bang pag-uusapan natin ha? Hindi ko kontrolado ang paglapit ni Sir Bryan sakin. Siya dapat ang kausapin mo." Tumalikod si Ashley at akmang itulak bahagya sina Jenny at Mary para makadaan siya pero hinila ni Chleo ang buhok niya.

"Aray bitawan mo 'ko" reklamo ni Ashley.

"Layuan mo siya" galit na si Chleo at sinasabunotan na talaga niya si Ashley.

"Ano ba! Sabing bitawan mo ko eh!" napahawak lang si Ashley sa buhok niya para hindi masyadong mahila ni Chleo.

Hindi talaga siya binibitawan ni Chleo kaya tinadyakan niya ng malakas ang paa nito.

"Aray!" Napabitaw si Chleo sa buhok ni Ashley at napayuko para himasin ang paa niyang tinadyakan ni Ashley.

Agad tumakbo si Ashley para makalabas ng CR pero hinawakan siya ng dalawang minion.

"Bitawan niyo ko" pero hindi siya binitawan nito.

Tumayo naman si Chleo at sinugod si Ashley.

Hinila niya ulit ang buhok nito ng napakalas kaya nabitawan ito nila Jenny at Mary.

Nang mabitawan ito ng dalawa at deritsong tumama ang ulo ni Ashley sa lababo ng CR.

Kasunod ang pagbagsak nito sa sahig. Nawalan ito ng malay at maraming dugo ang umaagos mula sa sugat na tinamo nito sa ulo.

Nataranta naman ang tatlo.

"Fren baka napatay mo si Ashley" takot na sabi ni Mary.

Nanginginig na rin ang mga kamay ni Chleo. Hindi niya sinasadya ang nangyari.

"A-anong ako? Natin!" Sabi ni Chleo. Hindi mapaglagyan ang kaba niya.

Tumakbo papalapit kay Ashley si Jenny at tinakpan ng malinis na panyo ang sugat nito para kahit papano ay mapigilan ang patuloy na pag-agos ng dugo.

"Humingi kayo ng tulong dalian niyo" sigaw ni Jenny.

Naistatwa sa kinatatayuan niya sa Chleo kaya si Mary nalang ang tumakbo palabas ng CR.

Nakasalubong niya si Anna na kasalukuyang papunta rin sa CR para alamin kung bakit natagalan si Ashley.

"Anna si Ashley" natatarantang sabi ni Mary.

"Anong nangyari?" Awtomatiko namang kinabahan si Anna dahil sa hindi maipintang mukha ni Mary.

"Nabagok siya sa CR"

Tumakbo siya papunta sa CR. Si Mary naman ay patuloy na tumakbo papuntang clinic para humingi ng tulong.

Hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan sa clinic ay nagsisigaw na siya.

"Nurse tulong nabagok po sa CR ang classmate ko nawalan po siya ng malay"

Sakto namang naglalakad si Bryan sa hallway at narinig niya ang sinabi ni Mary.

"Sinong classmate?" Concern na tanong ni Bryan dahil baka estudyante niya iyon.

Kinabahan lalo si Mary ng magtanong si Bryan sa kanya.

"S-si A-ash-ley po S-sir" nanginginig niyang sagot.

Agad na tumakbo papunta sa CR si Bryan.

Tila nangmanghid ang tuhod niya nang makitang nakahandusay sa sahig si Ashley na naliligo sa sarili nitong dugo.

Hindi na rin maawat sa kakaiyak si Anna dahil sa takot para sa kaibigan.

"Ash gumising ka please" iyak ni Anna.

Agad binuhat ni Bryan si Ashley at dinala ito sa clinic.

"Sir sa labas muna kayo" sabi ng nurse.

"Nurse iligtas niyo po siya" bakas sa boses ni Bryan ang takot. Napapalimos siya sa mukha dahil hindi niya kakayin kapag may nangyaring mas masama pa kay Ashley.

Ilang sandali pa lumabas ang mga medical staff sa clinic. Tulak-tulak nila ang higaan kung saan nakahiga ang walay malay na si Ashley.

"Saan niyo siya dadalhin?"

"Sir maraming dugo ang nawala sa kanya. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital" sagot ng nurse. Tapos ay narinig nila ang alingawngaw ng ambulansya mula sa labas.

Sumamang sumakay ng ambulansya sina Bryan at Anna.

Kung sinu-sino ng santo ang tinawag nila.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon