Chapter 46

213 4 0
                                    

"Reymond?" gulat na tanong ni Eross. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni Reymond sa kanyang opisina.


Alam ni Reymond kung nasaan ang lungga ng sekretong oragnisasyon dahil minsan na siyang nakapunta rito noon.


"Long time no see my dear ex best buddy" sarkastikong bati ni Reymond kay Eross. Feel at home rin siyang umupo sa sofa nito.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Eross.

"Visiting you?" napataas pa ang isa niyang kilay.

"I am not joking with you Reymond!" banta ni Eross.


Tumawa naman si Reymond "Why so serious?" tanong niya.

Hindi naman sumagot si Eross sa kanya kaya tumikhim muna siya bago sabihin ang pakay niya rito.

"Set her free"

"Her? Who?" maang-maangan ni Eross.

"Miranda" sagot ni Reymond.


Tawang-tawa naman si Eross sa sinabi ni Reymond.

"Why should I follow you?"

"To save your son I guess?" natahimik naman si Eross.

"Son?" tanong niya. Si Reymond naman ang natawa ngayon.

"How poor? You are not even aware that you have a son with Jessa Agoncillio!"



Hindi nakapagsalita si Eross. Naalala niya ang nakaraan. Naalala niya ang babaeng una niya minahal. Ngunit dahil sa responsibilidad niya bilang kasunod na leader ng lihim na organisasyon ay pinili niyang iwan si Jessa. Batid ni Eross na mapapahamak si Jessa dahil sa masamang layunin ng kanyang organisasyon. Si Jessa ang kanyang kahinaan pero matagal na itong wala. Naalala rin ni Eross kung gaano siya nagdalamhati nong nalaman niyang namatay si Jessa.


Hindi niya alam na may anak pala sila. Ngayon bihag ito ni Reymond.


"What do you want?" inis na tanong ni Eross kay Reymond.

"Take down your organization, let Miranda go and surrender to the authority!"

"I can't do that!"

"Then say goodbye to your dear son"


Papalabas na sana si Reymond nang maalala niyang may nakaligtaan pa pala siyang sabihin kay Eross.

"By the way I just want you to know that you almost killed your Son. He was one with us who rescue my daughter and with that girl named Ashley" matapos niya sa sabihin yon ay may itinapon siyang flash drive sa lamisa ni Eross. Naglalaman iyon ng video na pinapahirapan niya si Bryan.



"Sir Reymond sigurado ka bang papayag si Eross sa gusto mo?" tanong ni Noel.

"Syempre! Anak niya yon sa babaeng pinakamamahal niya. Kahit gaano katuso ang isang tao may kahinaan pa rin ito." sagot ni Reymond.

"Paano niya nagawang iwan ang babaeng mahal niya?"

"Para hindi madamay si Jessa sa magulong mundo ni Eross. Kadalasan sa mga myembro ng organisasyon na iyon ay tumalikod sa pamilya nila. Gaya ng ginawa ni Jude yung dad ni Claude"

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon