Mula sa isang Bugatti Divo bumaba si Ashley.
"Mag-ingat ka sa School, iwasan mo rin yong professor mo" paalala ni Claude kay Ashley.
"Syempre iiwas talaga ako. Mahirap na ma issue"
"Good" sabi ni Claude sabay ngiti. "Paano aalis na ako. Sunduin nalang kita mamaya"
"Ha? W-wag na"
Napakunot ang noo ni Claude.
"You can't say no!" Bossy niyang tugon. "Bye see you later" nag wave pa siya bago pinaandar ang kotse.
Napakamot nalang sa batok si Ashley. Pinilit lang din kasi siya ni Claude na ihatid kanina.
Flashback*
Kakagising lang ni Ashley, narinig niyang may kausap ang mama at papa niya sa sala.
Nagmamadali siyang pumunta doon dahil inakala niyang kamag-anak nila ang dumating.
Nang marating niya ang sala ay nagulat siya sa nakita niya.
"Sir Claude?"
"Magandang Umaga" nakangiting bati sa kanya.
"Anak hindi mo naman sinabi sa amin na susunduin ka ng gwapo mong kaibigan" sabi ng mama niya.
Lumapit naman sa kanya ang papa niya at may ibinulong.
"Kaibigan lang ba talaga?"
"Pa! Ano bang iniisip mo?"
"Nanliligaw ba yan?"
"Hindi no!"
"Gusto ko lang maging malinaw ang lahat"
"Maligo ka na anak! Wag mong paghintayin ng matagal itong si Claude" sabi ng mama niya.
Naligo na rin siya. Nang kumain na sila ay sumalo din sa kanila si Claude.
"Sir Claude kumakain ka po ba ng Sardinas?" Bulong niya.
Hindi pa nakakain ng ganitong pagkain si Claude dahil sanay siya sa mga mamahaling pagkain. Pihikan din siya sa pagkain, ngunit gusto niyang makasalo si Ashley at ang parents nito kaya kahit labag man sa sikmura niya ay titiisin niya na lamang ito.
"Basta kinakain mo kakainin ko" sagot ni Claude.
Nag-aalala naman si Ashley na baka masira ang tiyan ni Claude sa sardinas.
Nang matapos na sila sa pagkain at naihanda na ni Ashley ang mga gamit niya sa school ay lumabas na sila ng bahay.
Habang naglalakad sila papunta sa labasan ng squatters' area hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa kanila at magbulungan.
"Sir Claude hindi ka na dapat nagpunta dito"
"Hindi ba ako welcome sa bahay mo. Hindi ba friends tayo"
"Hindi naman sa hindi ka welcome. Ano kasi eh, hindi ka bagay sa ganitong lugar"
Napalingon-lingon naman sa paligid si Claude. Marumi ang paligid, tapos siya naka business suit. Hindi nga bagay ang suot niya sa lugar na ito.
"I don't care"
"Sir Claude wag mo na akong ihatid. Machechemis ako sa school pag nakita nila akong hinahatid mo"
Napatigil naman si Claude sa paglalakad. Napatigil rin si Ashley nang tumigil si Claude.
"Pinagtatabuyan mo ba ako?" Tanong ni Claude.
"Halaaaa! Hindi sa ganon"
Ngumiti si Claude at naglakad ulit "Hindi naman pala eh, kaya ihahatid kita"
Napakamot nalang sa batok si Ashley. Wala siyang nagawa.
End of flashback*
"Hoy besh sino yon?" Nabigla siya nang biglang sumulpot si Anna.
"Friend ko" sagot niya.
"May friend kang super yaman na may super mahal na kotse?"
"Hali ka na nga! Kwento ko nalang sayo mamaya!"
Naglakad sila sa hallway. Napatigil sila nang makasalubong nila si Bryan. Matamlay ito at mamula-mula ang pisngi.
"Good morning Mr. Terrofi" bati ni Anna.
"Good morning" bati rin ni Bryan. Nakatingin siya kay Ashley na nakayuko lang at hindi nagsasalita.
Pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Nang nasa room na sila hindi maawat ang pangungulit ni Anna kay Ashley.
"Sige na mag chika ka na habang wala pa ang professor"
Napalingon-lingon naman sa paligid si Ashley. Wala pang masyadong tao.
Ikinuwento niya lahat ang tungkol sa pagiging chatmate niya.
"Omg besh libre mo naman ako. Marami ka palang pera eh"
"Sure! Basta wag mo ipagsasabi sa iba ha. Hindi pa rin to alam nila mama at papa"
Tumango-tango naman si Anna na parang masunuring tuta.
Lumapit sa kanila si Louie.
"Anna ito nga pala ang pinapagawa mo sa akin" may iniabot itong papel kay Anna.
"Besh iwan muna kita ha gagawin lang namin ni Louie ang Business Plan namin"
Napataas naman ng kilay si Ashley. Naunang naglakad si Louie papunta sa ibang upuan.
"Gawin niyo na rin ang Future Plan" panunukso niya sa kaibigan.
"Ssshhhh wag kang maingay! Baka marinig ka niya" saway ni Anna.
"Okay fine!"
Umalis na rin si Anna.
Nagring naman ang phone ni Ashley. May tumatawag na unknown number.
"Hello?"
"Ash! Di ko talaga kaya! Sabihin mong nagsisinungaling ka lang kahapon!" Sagot ni Bryan sa kabilang linya. Humihikbi ito.
"A-ano bang pinagsasabi mo?"
"Ash! Ayoko na mabuhay!"
Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya sa pag-aalala.
"N-nasaan ka ngayon?" Napatayo na siya sa kaba.
"Nasa rooftop nagpapahangin"
"Wag kang gumawa ng kung anong kagaguhan pupuntahan kita diyan!"
BINABASA MO ANG
The Obsession of Three Hearts
RomanceThis is a story about three men who fall in love with one woman. What will happen to a College Instructor who falls in love with his student, an American businessman who falls in love with his Filipina chatmate, and to a man falls in love with his e...