Chapter 11

427 19 0
                                    

Nauna akong bumaba nga taxi kesa kay Anna dahil mas malapit lang ang bahay namin.

Hindi pa man ako masyadong nakakalapit sa bahay ay naririnig ko na ang pag-aaway nina Mang Nestor at Aling Trinidad.

Katabi lang ng bahay namin ang bahay nila kung kaya nasanay na akong sa araw-araw na pagbabayangan nilang mag-asawa.

Nangmakalapit na ako ay nakita kong may hawak-hawak na kutsilyo si Mang Nestor.

"Nestor mag hunos dili ka bitawan mo si Trinidad" sigaw ni mama.

Pero hindi siya pinakingkan ni Mang Nestor. Hawak hawak ni Mang Nestor ang buhok ni Aling Trinidad habang tinituro sa kanyan ang kutsilyo.


Napatakbo naman ako sa kinaruruonan ni mama.

"Ma anong nangyayari?" Mangiyak-ngiyak na si mama sa takot.

"Pinagbibintangan ni Nestor na may kabet si Trinidad"

"Aaaaaaaaah" sigaw ng mga tao.

Napatingin ako kina Mang Nestor at Aling Trinidad. Tuluyan ng sinaksak ni Mang Nestor ang asawa.

Agad naman naming sinugod sa hospital si Aling Trinidad. Dinala naman ng iba naming kapitbahay sa presento si Mang Nestor.

Mag aalas utso na ng gabi pero hindi pa rin lumalabas ang doctor.

Naisipan ko namang mag online. Agad bumungad sa aking notif na tinag ako ni Anna sa post. Wala ako sa mood para mag react doon. Nag-aalala ako kay aling Trinidad.

Bestfriend ni mama si Aling Trinidad at kasamahan naman ni papa sa pamamasada ng Tricycle si Mang Nestor.

Wala pa si papa dahil todo kayod siya sa pamamasada.

Nag open ako ng messenger at nakita kong may ni remove siya na message doon.

"What was that?" Tanong ko.

Pero naka offline siya.

Gusto ko sanang may makausap ngayon. Ayoko namang bigyan ng masamang balita si Anna dahil alam kong tuwang tuwa pa yon sa mga posts niya.

Nag chat nalang ako kay Zack. Kahit offline siya. Gusto ko lang mailabas ang pag-aalala ko.

"Alam may nangyaring masama ngayon"

"Sinaksak yong kapitbahay namin ng asawa niya"

"Nag-aalala ako na baka hindi makaligtas yong kapitbahay namin. Tiyak ako na magluluksa si mama pag mangyayari yon"

"Pasensiya ka na kung sinasabi ko sayo ito. Wag mo nalang pansinin."

"Kung curious ka sa mga pinagchuchukchak ko, ikaw nalang bahala na mag google translate"

Lumabas naman sa Emergency Room ang doctor at sinabi ang masamang balita. Patay na si Aling Trinidad.

Hindi magkamayaw si mama sa pag-iyak. Niyayakap ko siya ngayon. Pati ako ay naiyak na rin.

Ayokong maranasan ang ganito sa bestfriend ko. Iniisip ko palang ma may mangyayaring masama kay Anna natatakot na ako.

Buong gabi akong walang tulog dahil inasikaso namin ang patay na katawan ni Aling Trinidad. Mga musmos pa ang mga anak na naiwan niya. Nasa malayong lugar naman ang mga kamag anak nito kaya kami na muna nila mama at papa ang umasikaso.

"Anak papasok ka ba sa school?"

"Opo ma"

Parehong namamaga ang mga mata namin dahil sa kakaiyak.

"Pero wala ka pang tulog"

"Okay lang po ma. Iidlip nalang po ako sa school pag mah bakanting oras"


Kahit pa wala akong tulog ay pumasok pa rin ako. Ayoko kong ma behind sa mga discussions. Pagbubutihan ko ang pag-aaral dahil last na to at gagraduate na ako.

"Beshyyyyy may pa foods ulit si M-" hindi natapos ni Anna ang sasabihin ng makita ang namamaga kong mga mata.

"Beshy okay ka lang ba?" Tanong niya.

Dahil sa tanong niyang okay lang ba ako ay napaiyak na ulit ako. Dagdag pang niyakap niya ako.

"Besh anong nangyari?"

"Besh pinatay ni Mang Nestor si Anling Trinidad"

"Ano?" Sa gulat niya ay kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Paanong? Nauwi na talaga sa patayan ang pag-aaway nila" napatango nalang ako habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

Wala ang professor para sa unang subject namin. Kaya pwede akong matulog.

Kaya lang tumunog ulit ang celphone ko.

"Besh naka on ba ang hotspot mo?"

"Oo besh naki hotspot si Louie eh. Kung ayaw mo mag online e off mo nalang ang wifi mo"

Si Louie ay classmate namin mula first year. 4 na taon na rin palang may crush si Anna kay Louie pero hanggang ngayon hindi pa niya nasasabi.

"How are you? Are you okay? What happened to your neighbor?"

Tanong ni Zack. Napangiti naman ako dahil kaya naman pala niyang maging concern.

"Hello Mr. Zackary, my neighbor passed away last night"

"I'm sorry to hear that" agad siyang nagreply. Siguro ay trinanslate na naman niya ang mga pinagchachat ko kagabi sa kanya.

"By the way please don't call me Zackary"

"Then what will I call you?"

"Call me Claude"

"Claude?"

"Yup, I hate being called by my real name."

"Why?"

"Mmmm I will share it with you next time"

"Okay. I'll wait for that moment. Mmmm, then why you prefer the name Claude?"

"My grandfather wanted to name me Claude. I like this name afterall that's why I want to be called Claude"

"Claude is nice, sounds like Cloud! 😇 Hi Claude, I'm Ashley. I want to be your friend"

"Hello Ashley, I'm Claude and I will be glad to be your friend 🙂"

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap sa feeling mapaamo ang tigre!

"By the way, what is your fullname?" Tanong niya.

"I am Ashley Clair Villarez"

"Your name is nice. So what are you doing right now?"

"I am here at school. Out teacher for the first subject does not attend the class. So I have time to talk chat with you"

"What year are you now?"

"4th year"

"So you will graduate this year?"

"If God's will, yes! 🥰"

"What's your plan after you graduate?"

"Mmmm I am going to work with T-Trading International Company"

"T-Trading? The one owned by the Taylor Family?"

"Yes. You know them?"

"Yes, I know every big time businessmen. Why do you want to work with them?"

"I am there scholar. In the contract I signed, I have to work for them for two years"

"Mmm okay"

Hindi ko namalayan ang oras. Pumasok sa room ang professor para sa second subject namin.

"Claude CYL! Our class for the next subject is going to start. Bye 👋 "

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon