Chapter 13

402 13 0
                                    

Nasa CR ako. Walang katao-tao dito dahil maaga pa naman.

"Hi Ashley" plastic na pagbati ni Chleo sa akin.

"Hello" matipid na sagot ko sa kanya.

"Iba talaga pag may professor na admirer hindi ba girls?"

"A-anong ibig mong sabihin?" Hindi na maawat ang kabog ng dibdib ko. Hindi pwede may makaalam na may gusto si Sir Bryan sa akin.

"Maang-maangan ka ghorl?" Mataray na tanong niya sa akin.

Kinuha niya ang phone niya at ipinakita sa akin ang mga stolen shots na magkasama kami ni Sir Bryan.

"Isa lang naman ang gusto ko Ashley. Layuan mo si Sir Bryan, kung hindi ay ipapakalat ko ang pictures na to at pareho kayong masisira!" Pananakot niya sa akin at umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Ayokong masira ang pangalan ni Sir Bryan. Kahit wala naman kaming relasyon, pero kung sino man ang makakakita ng mga pictures na hawak ni Chleo ay iba talaga ang iisipin nito.

Simula nang binantaan ako ni Chleo ay nagsimula na akong umiwas kay Sir Bryan. Ayokong matanggal siya sa school dahil sa issue. Malapit naman akong makapagtapos. Konting tiis nalang.



Naglalakad ako pauwi dahil wala akong masakyang jeep. Nag strike kasi ang mga tsuper!

Abala ako sa kaka chat kay Claude. Tinutulungan niya kasi ako sa project ko. Since businessman siya, marami siyang alam.

Aside sa Business Plan. May Financial Statement Analysis project naman ako sa ibang subject. Ang napili kong company na pag-aaralan ay walang iba kundi ang T-Trading International.

Habang nagta-type ay biglang may humila sa akin ay isinakay ako sa kotseng kulay itim.

Kinabahan ako ng makita kong si Sir Bryan yon. Hinila niya ako at ipinasok sa may passenger seat ng kotse. At siya naman ay nasa driver's seat. Naka kulay asul na polo siya ngayon. Walang kahit anong takip ang mukha niya kay kung may nakakita man sa ginawa niya tiyak na makikilala siya.

"Sir ano bang ginagawa mo? Baka may makakit sa atin" inis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw! Anong ginagawa mo? Bakit mo ko iniiwasan?"

"Sir hindi kita iniiwasan. Busy lang ako" palusot ko.

"Busy sa ano? Kakachat? Alam ko may dahilan ka kung bakit mo ko iniiwasan"

"Sir busy lang talaga ako okay" lalabas na sana ako ng kotse pero hindi ko yun mabuksan.

"Sir please! Palabasin mo muna ako"

"Sagutin mo muna ang tanong ko"

"Sir ayoko na. Tumigil ka na. Kalimutan mo na ako" pinipilit kong hindi umiyak.

"Ano bang pinagsasabi mo. Di ba sinabi ko sayo na hihintayin kita" nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata kaya umiwas akong tumingin dito.

"Please Sir wag ako. Maghanap ka nalang ng iba"

"Hindi ko kaya okay" narinig ko ang panginginig ng boses niya.

"Sir tama na. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo"

"Hindi naman ako humihingi ng sukli. You can keep the change naman eh!"

Kung hindi lang ganito kabigat ang tensyon sa pagitan namin ngayon malamang natawa na ako sa sinabi niya. Pero hindi eh! Serious moment ito.

"Sir I'm sorry"

"Bigyan mo ko ng sapat na dahilan para tumigil"

Napatingin ako sa mga mata niya. Basang-basa ng luha ang mukha niya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko dahil nasasaktan akong nasasaktan ko siya.

Labag man sa loob ko ay nagsinungaling ako sa kanya.

"Sir may boyfriend na ako!"

Napasandal siya sa upuan at napahawak sa kanyang noo. Narinig ko ang mahihinang paghikbi niya.

Yumuko na lang ako dahil hindi ko kayang makita na sobra ko siyang nasaktan.

"Sir palabasin mo na ako"

Hindi siya umimik.

"Sir please"

Gumalaw siya at pinunasan ang mga luha. Humawak siya sa manobela.

"Ihahatid kita. Dumidilim na baka mapaano ka pa sa daan. Ayokong may mangyaring masama sayo"

Napatingin nalang ako sa labas. Nasasaktan ko ngayon ang taong walang ibang inisip kundi ang makabubuti para sa akin.

The Obsession of Three HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon