Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you
Tila tinatamaan si Ashley sa bawat lyrics ng kantang pinapatugtog ni Claude sa loob ng kotse niya. Kasulukuyan sila ngayong bumabyahe papunta sa bahay ni Ashley.
Mga 15 minutes na silang bumabyahe pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tanging ang mga lyrico lang ng mga kantang pinapatugtog sa loob ng kotse ang siyang umaalingawngaw.
Kahit hindi bet ni Ashley ang mga musics na tumutogtog ngayon ay nagpapasalamat pa rin siya ng sa gayon ay hindi marinig ni Claude ang malakas na kabog ng dibdib niya.
"Ehem! Ehem!" pagtikhim ni Claude. Kanina pa niya hinihintay si Ashley na magsalita pero hindi siya nito kinausap.
Ayaw rin kasi umuna ni Claude na magsailta dahil nagtatampo siyang hindi siya niyaya ni Ashley na manood ng movie.
(Chaka! Siya naman dapat ang magyaya kay Ashley dahil siya ang lalaki. Pero sige pagbigyan nalang natin, wala kasi siyang experience sa panliligaw)
Isa pa nagtatampo rin siya dahil tila bet na bet ni Anna si Bryan para kay Ashley.
(Chaka ulit siya, hindi naman alam ni Anna na may gusto siya kay Ashley kaya paano naman siya magiging bet nito?)
Habang si Ashley naman ay nagtatampo dahil hindi nag share si Claude sa kanya na may girlfriend na ito. Naiinis talaga siya sa nakita niya sa hospital.
"Ehem! Ehem!" tikhim ulit ni Claude.
"May ubo ka ba?" tanong ni Ashley pero mahahalata sa boses niya na hindi siya natutuwa kay Claude.
"Ikaw napepe ka na ba?" ganti naman ni Claude kay Ashley, bakas din sa tono ng pananalita niya na hindi rin siya natutuwa.
Hindi sumagot si Ashley at hindi rin sumagot si Claude.
And this is THE ROAD TRIP OF THE TWO MUTE PERSONS UNDER THE STARY STARY NIGHT!
Nang makarating na sila sa bahay nila Ashley.
"Salamat sa pag hatid"
"Sa susunod wag kang gumala ng dis oras ng gabi"
"Ano naman kung gagala ako"
Kumunot ang noo ni Claude at sinamaan ng tingin si Ashley. Parang tuta namang natakot sa tingin ni Claude si Ashley.
"Sige na pasok na ako. Good night" sabi niya sabay pasok sa bahay.
Lumipas ang Isa't kalahating buwan.
"OMG besh Cum Laude ka!" masayang sigaw ni Anna sabay yakap sa kaibigan. Daig pa niya ang nanalo sa loto sa sayang nararamdaman niya.
Nakuha na kasi nila ang final grades nila at gaya ng inaasahan nila mapapasok sa honor students si Ashley.
"Alam mo running for Magna Cum Laude ka sana kung hindi ka lang eng-eng sa PE at hindi mo rin kinalaban si Sister dati, binigyan ka tuloy na 2.5 na grado sa ReEd!"
"Hayaan mo na ang importanti pumasa" masayang sabi ni Ashley.
"Oo nga. Besh maghanap na tayo ng isusuot sa Grad Ball"
"Saan tayo maghahanap?"
"Alam ko na, naalala mo ba ang FFT Boutique? Doon nalang tayo"
"Sige"
Sa FFT Boutique.
Papasok na sila ni Anna sa boutique nang mapatigil si Ashley nang makita niya ang wedding gown na naka display. Isang ala-ala ang pumasok sa isipan niya.
Flashback*
13 years ago.
Nakatayo si Ashley sa harap ng FFT Boutique. Nakangiti siyang nakatanaw sa isang wedding gown na naka display.
"You like that gown?"
Napalingon naman si Ashley sa nagsalita. May isang batang lalaki na kay puti at napakamaamo ng mukha. Gaya niya ay nakatingin rin ito sa parehong wedding gown na tinitingnan rin niya.
Hindi naman umimik si Ashley dahil hindi pa siya nakakaintindi ng wikang englis noong panahon na iyon.
"I want to see you wear that gown someday" sabi ng batang lalaki at humarap ito kay Ashley saka ngumiti.
Tinawag naman ang batang lalaki ng mama niya. Bago siya umalis ay may ibinigay itong sising kay Ashley. Isang pilak na singsing na may diyamante sa gitna.
End of Flashback*
Hindi namalayan ni Ashley na napapangiti na pala siya habang nakatitig si Gown.
"Hoy besh okay ka lang?"
Napabalik naman na sarili si Ashley nang sikohin siya ng bahagya ni Anna.
Napatango naman siya sabay ngiti "Oo naman, may naalala lang ako"
"Ano naman?"
"May batang lalaki dati na nagsabing gusto niya akong makitang suot ang wedding gown. Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi niya"
"Sino naman ang batang yon?"
"Hindi ko alam" natatawang sagot ni Ashley.
"Uy baka soulmate mo yon ah" pagbibiro ni Anna, "Tiyak iiyak si Mr. Waiting Shed pag nalaman niya" dagdag niya sabay tawa.
Sa di kalayuan naroon ang kotse ni Claude. Nasa loob siya at pinagmamasdan si Ashley mula roon.
Palagi niyang ginagawa yon ang pagmasdan si Ashley ng hindi niya alam.
Nakita niyang pumasok si Ashley at Anna sa loob ng boutique. At dahil sa glass na pinto at bintana nito ay nakikita pa rin mula sa labas ang mga tao sa loob.
Kumunot ang noo ni Claude at napahigpit ang pagkakahawak niya sa manobela nang makitang may kayakap na lalaki si Ashley. Ngayon lang ito nakita ni Claude.
"Ano na naman to? Dagdag sa mga karibal ko?" naiinis na sabi ni Claude. "Napipikon na nga ako kay Bryan at Noel, may dadagdag pa!"
Hindi pa man bumibitaw sa pagkakayakap si Ashley sa lalaking iyon ay namataan naman ni Claude si Angel at Noel na papasok rin sa Boutique.
"Anong ginagawa nila dito?"
Hindi na nakapagpigil si Claude at bumaba na talaga siya sa kotse.
BINABASA MO ANG
The Obsession of Three Hearts
RomanceThis is a story about three men who fall in love with one woman. What will happen to a College Instructor who falls in love with his student, an American businessman who falls in love with his Filipina chatmate, and to a man falls in love with his e...