I felt like I was being lifted.
Like I was lying on the clouds.
Soft, comfy, and smells like vanilla.
I am a carefree woman. My parents allowed everything I do, as long as I'm safe.
I can party but I choose not to.
I can have a boyfriend but I don't want to.
I can buy everything that I wanted but I didn't.
We are well off. We have a lot of properties na namana pa nina nanay at tatay sa mga magulang nila. My parents call it old money. People call us an old family because we were born with a gold spoon in our mouth from the start.
My family's distinctive features that have been passed down through generation was the different color of our eyes. My father's right eye is green while the other is hazel brown. Mine was ocean blue and the right's hazel brown. It's unique but It attracted a lot of attention.
I was homeschooled since high school. People thought that it's a rich thing but the truth was I was avoiding bullies.
Palaban naman ako noong bata ako pero lagi akong nalalamangan ng mga bullies sa public school. Pinagtutulungan ako dahil sa ganda ko, yes dahil doon. Yung ganda ko kasi pang private kaya madaming inggit. Kaya nung nag high school ako my parents decided na homeschooled ako to keep me safe.
The cloud where I am lying started being uncomfortable. Nagsalubong ang kilay ko at nagpalit ng pwesto pero hindi parin ako mapakali hanggang sa nawala na ng tuluyan ang ulap at nalalaglag na ako mula sa langit.
I feel the air na sumasalubong sa mukha ko it's like I'm being pulled towards the center of the earth. Hindi ko maibuka ang mga labi ko para makapagsalita.
Para lang akong bangkay na nahuhulog mula sa langit. Palapit na ako ng palapit sa lupa, bakit una ang mukha?! Ayoko!
I started wriggling my body but to no avail. I still can't move! It's frustrating the hell out of me!
When my face was about to get in contact with the ground I felt warm hands holding me. I heard whispers pero hindi malinaw ang sinasabi ng bumubulong sa tenga ko.
"Neng, pakikuha mo nga ako ng tubig na mainit doon sa takure."
"Sige po Elder."
Nagiging malinaw na sa pandinig ako ang mga boses. Hindi naman ako si moana bakit ako tinatawag?
I slowly opened my eyes and the first thing that I saw was a wood ceiling. Napatitig ako sa kisame dahil hindi ito pamilyar sa'kin.
Kawayan?
Realization hit me like lighting. I was in a car accident! Agad akong napabangon at napangiwi dahil sa sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ito at nakapa ang isang dahon.
What is this?! Napadako ang tingin ko sa'king katawan dahil nakapanloob lamang ako at puno ng dahon ang may sugat ko na katawan.
Sa aking kinahihigaan mayroong malaking bintana at natanaw ko ang puno ng buko, niyog, at mangga. Sa tingin ko ay tanghali na dahil mainit na sa labas.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto kung nasaan ako dahil lumikha ito ng tunog. Doon pumasok ang isang may katandaang babae. Napansin kaagad ng aking mga mata ang matingkad nitong kasuotan na pinaghalu-halong kulay pula, itim, berde at may kaunting dilaw.
Napaisip ako sa kulay ng kanyang kasuotan dahil pamilyar ito saakin. Napalaki ang aking mga mata dahil halos katulad nito ang kasuotan ng mga Igorot sa baguio. Nakapasyal ako roon last year. Pero bakit ako nandito?
BINABASA MO ANG
Lost to you
RomancePassion for adventure, travel and outdoor life is what you describe Maria Chaucer Villanueva, she is inquisitive and curious so it led her to become a Volcanologist. She was assigned in a landlocked province of the Philippines in the Cordillera Admi...