Dumaan ang ilang araw na nanatili lamang ako sa lupain ni lola Eugenia Carandang, iyong ang totoong pangalan ni lola. At ang lupain na natatanaw ko mula sa bintana ng kanyang nipa house ay pagmamay- ari niya.
Naipamana raw sa kanya ang ekta-ektaryang lupaing ito mula sakanyang mga magulang na pumanaw na. Maliit daw ang mana niya dahil hindi siya nagka-asawa at nanatiling dalaga hanggang sa pagtanda kumpara sa kanyang kapatid na nagkaroon ng asawa, anak at mga apo.
Hindi ba parang baliktad? Sa pagkakaalam ko dapat mas malaki ang mana ng mga dalaga kumpara sa mga may asawa. Sabi ko kay lola na pwede niya ito ilapit sa korte at tutulungan ko siya dahil may pinsan akong abogado.
Tinawanan niya lamang ako at sinabing "Huwag na maria, ako'y kunteto na sa kung anong mayroon ako. Ang taong naghahangad sa higit ng kanyang kailangan ay kailanman hindi makukuntento."
Sa ilang araw ko dito, hindi ako tinanong ni lola tungkol sa mata ko. Ako na mismo ang nag initiate ng usapan na ito at sinabi na lamang na may dugo akong banyaga.
Nakilala ko na rin si lola Eugenia ng husto at na realize ko na may pinag-aralan si lola dahil sa panggagamot nito sa'kin at sa pag aasikaso sa negosyo nitong pag e export ng mga gulay at prutas sa maynila.
Sumagi na sa isipan ko na nasa isang tribo ako dahil sa kasuotan at mga tradisyunal na gawain dito. Gayunpaman, ginagawa ko ang mga tradisyunal na gawaing ito katulad ng pagkakamay at pag aalay ng pagkain sa mga anito—ayon kay lola ito ang mga ispirito ng mga namatay na, na dapat konsultahin bago gumawa ng isang bagay na importante.
Nasa palengke ako ngayon para mamili ng karne na iaalay namin ni lola Eugenia sa anito mamayang gabi dahil mayroon daw siyang ipagpapaalam.
Kimona at paldang may linyang disenyo na kulay pula, itim, berde at dilaw na abot hanggang talampakan ang suot ko. Madaming damit na ganito si lola, para itong uniform na araw araw dapat suotin. Bumagay naman ito sa kutis ko pero nakakaagaw ng pansin lalo na kapag pumupunta ako sa mga matataong lugar.
Bitbit ko ang basket na gawa sa abaka at suot ang sumbrerong buntal na mayroong disenyong bulaklak sa gilid na panangga ko sa sinag ng araw. Ang tsinelas nila dito ay gawa rin sa abaka. Komportable ito sa paa.
Katulad din ng suot ko ang suot ng mga tao, mas matingkad nga lang ang sa iba at may mga palamuti na perlas, balat ng ahas, at mga balahibo ng ibon.
May kalamigan ang klima kung nasaan man ako sa Mountain Province. Nasa liblib na lugar siguro ako dahil puro bangin ang nakikita ko kapag pumupunta ako sa palengke o mas gusto kong tawagin na downtown para sosyal pakinggan.
Nasa tapat ako ng stall na nagbebenta ng karne ng baboy, baka at manok. Napansin ako kaagad ng matandang tindero tila ba'y kuminang ang mga mata nito pagkakita sa'kin.
"Neng! Etag ka riyan! Masarap ito, dalawang linggo na ang tanda." Sales talk sa'kin ng tindero.
Ang Etag ay ang prineserbang karne na pinausukan at inimbak ng ilang araw, linggo at minsan ay isang taon. Sabi ng mga matatanda dito na mas masarap ang etag kapag mayroong uod o nabubulok na ng husto ang karne.
Noong araw daw ito ay inihahanda para sa first labor, kasal, at binyag pero ngayon inihahanda na rin ito kapag mayroong mga selebrasyon na importante.
"Hindi na ho manong, Isang kilo nalang po ng karne ng baboy." Sabi ko.
Napatigil ang matanda nang matitigan ang mata ko ng mabuti. Biglang lumapad ang ngiti nito at masiglang inihanda ang karne habang ang mga mata ay nakapako parin sa'kin.
"Aba! May dayuhan tayo dito!" Tinapik nito ang kasamang matanda na agad napatingin sa direksyon ko, ngumiti din ito at nilapitan ako.
"Hello miss beautiful!" kumaway ito at itinuro ang karne ng baka "You like? You like?"
Napangiti ako dahil sa pilit na ingles nito. Iniling ko ang ulo ko para malaman niya na hindi karne ng baka ang gusto ko. Ngunit hindi ito tumigil at itinuro pa ang iba nilang paninda with nakatutuwang accent.
Nahinto lang sa pagtuturo ng paninda ang matanda dahil sa isang kumosyon sa gitna ng downtown.
"Pupunta ngayon ang lalaking Castañeda para mag inspect! Itago ninyo ang mga bulok!" Sigaw ng kararating lang na lalaki.
Nagkagulo ang buong downtown at ang stall na binibilhan ko ng karne ay bumilis ang kilos para maitago ang mga etag na mayroong uod at mga karne.
Nakunot ang noo ko. Nagbebenta sila ng bulok na karne?!
Mas lalong nagkagulo ang mga tao dahil sa tunog ng paparating na kabayo.
Dumako ang aking mga mata sa lalaking nakasakay sa kabayong kulay itim.
Lahat ng kanyang nadadaanan ay napapatigil para titigan siya tila nakalimutan na dapat nilang itago ang mga bulok nilang paninda. Kasunod niya ang mga kalalakihang sakay din ng kabayo.
Teka! Parang scarlet heart lang yung scene! Nanlaki ang mga mata ko at napairap sa naisip.
Tumigil ang matipunong lalaki sa tapat ng stall ng karne kung nasaan ako.
Maingat pero lalaking lalaki itong bumaba sa kabayo. Matipuno ang pangangatawan nito dahil mahahalata ang maskuladong braso na lantad dahil hindi into nakasuot ng damit pang itaas. Matangkad, kayumanggi, makapal ang kilay, may kahabaan ang buhok na abot sa baba at makinis ang mukha.
Napatanga ako sa kakisigan ng lalaki na hula ko ang edad ay hindi nalalayo saakin. 23 na ako siguro mga 25 na ang binata. Muntik ko ng mabitawan ang basket na dala dala nang tumigil ito sa gilid ko paharap sa stall ng karne.
He has a headdress in his head na gawa sa balahibo ng ibon at ang tela ay may lining ng ibat-ibang kulay na itim, pula, dilaw at bughaw.
Mayroon din siyang tela na pahilis ang pagkakalagay simula sa kanan niyang balikat pababa sa kaliwa niyang bewang na ang pangunahing kulay ay asul at may linyang puti at pula. Hindi naitago ng tela ang kisig at kinang ng kanyang dibdib sa pinaghalong pawis at sinag ng araw. Nakasabit sakanyang leeg ang sa tingin ko ay ngipin ng isang hayop.
He stood high as the mountains and hard as a rock.
"Simulan na ang inspeksyon." Matigas na utos ng lalaki. His voice is laced with authority and power.
Inikot nito ang paningin sa paligid ng downtown ng magkasalubong ang kilay at napabaling ang tingin nito sa'kin.
My blue and hazel brown eyes met his amber-colored eyes.
At isa lang ang nasa isip ko nang magtagpo ang aming mga mata.
I think I want to have my first time with him too.
BINABASA MO ANG
Lost to you
RomansaPassion for adventure, travel and outdoor life is what you describe Maria Chaucer Villanueva, she is inquisitive and curious so it led her to become a Volcanologist. She was assigned in a landlocked province of the Philippines in the Cordillera Admi...