Chapter 11

4 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang makarinig ako ng kaluskos sa likuran ko. Nilingon ko ito at hinanap ang pinanggalingan ng tunog pero hindi naman ako martir masyado para mang-usisa kaya nagpatuloy ako sa paglalakad at mas binilisan pa ang mga hakbang.

Medyo may kadiliman na, mabuti nalang dinala ko ang cellphone ko, wala mang signal pero may flashlight naman ako. Manong Caesar's map is accurate, walang paligoy-ligoy, lahat ng nakalagay ay tama.

Nasa pangatlong stop na ako kung saan rinig ko ang agos ng ilog, medyo nauuhaw na ako pero hindi ako huminto, mas mabilis akong makarating, mas maganda. Nagsisimula na kasi akong kabahan. 

Namamanhid na ang mga paa ko dahil sa ilang oras na lakaran, tiningnan ko ang cellphone ko para malaman ang oras at bumuntong hininga dahil ala syete na at mukhang wala pa ako sa kalahati ng lakaran. 

"Bakit ba hindi nalang ako nagpasundo kay manong Caesar? Paano na ako ngayon?" Pagka-usap ko sa sarili ko habang patuloy na naglalakad.

Nang hindi na nakayanan ng mga paa ko, nagpasya akong magpahinga sa isang silungan na kubo katabi ng ilog. Mukhang dito ang silungan ng mga tao para magpahinga at lugar kung saan sila naglalaba dahil may nakita akong mga timba. 

Pinatay ko ang ilaw ng cellphone ko at huminga ng malalim. Pilit na iniindan ko ang pagkagutom at uhaw. Iniisip ko na ngayon ang mga kakainin ko mamayang pagka-uwi ko. Adoba? Tinola? Inihaw? Iniisip ko palang, parang nag aalburoto na ang tyan ko at sinasabing lagyan na siya ng laman.

Napatingin ako sa langit at napasinghap dahil kitang kita ang  mga bituin ngayong gabi. Noong nag-aaral pa ako, nabasa ko na hindi masyadong kita ang stars sa city dahil sa mga ilaw. The lights affect how we see the stars and other celestial objects. It is called Light Pollution. Now that I am seeing the beauty of the universe, the more that I appreciate it. Napakaganda, now I understand why stargazing in the mountains is the best. 

I was busy watching the stars when I heard the sound of wood cracking and the wind swaying the trees. It was creepy like in horror movies. I was instantly alerted dahil baka may lumabas na leon o kung ano pang hayop. Wala akong panglaban! Sumiksik ako sa silungan at sinilip sa butas na abaka sa gilid kung sino ang lalabas sa madilim na gubat. 

Nanlaki ang mga mata ko dahil lumabas ang isang may kalakihang matandang lalaki at tila may hinahanap. Napasinghap ako dahil 'yon ang lalaking umiinom na napagtanungan ko kanina! Palapit na siya ng papalapit sa kinauupuan ko at noong ilang hakbang nalang siya ay tahimik at dahan-dahan akong umurong para pumunta sa kabilang parte ng silungan. 

Para nang lalabas ang puso ko sa lakas ng pintig nito at hindi napigilan ng kamay ko na manginig habang maingat pading nagpapalit ng pwesto. Tatakbo na sana ako ng mabilis papasok sa gubat when I stepped on a broken twig that created a noise. Napabaling ang atensyon sa'kin ng lalaki.

"Nakita 'din kita." Sabi nito at nakakakilabot na ngumiti. I immediately felt the color of my face drained nang tumakbo ito palapit sa pwesto ko.

I sprinted right away, hindi ko alam kung nasaang parte ako ng gubat pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo dahil ramdam ko na sumusunod pa'rin siya sa'kin. May mga nalalampasan ako na mga halaman kaya nangangati na ang balat ko pero hindi ako tumigil.

Why on earth is this happening to me?! 

"Bakit ka ba tumatakbo? Gusto ko lang makipag kaibigan ganda!" Sigaw nito sa'kin at mas kinabahan ako dahil malapit na ang boses nito. 

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, rinig ko ang bilis ng pintig ng puso ko at nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa luha na gustong kumawala. Takot na takot ako, ayoko pang mamatay! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon