Hindi ako nakatulog no'ng gabing 'yon. I was thinking if I'm the family, tribe, or the 'important person'. Seriously, saang posisyon ba ako?Morning came and I was quiet na pinagtaka ni lola pero hindi na siya nagtanong. Nakaupo ako ngayon sa kahoy na upuan sa labas ng bahay, nakatanaw lang sa view ng bundok.
It's very peaceful here but the silence is quite deafening. I felt a warm hand touched my shoulder. I already know it's lola, she always does that when I'm sitting here.
"Mawawala ako ng ilang linggo Maria. Sasamahan ka rito ni Lualhati hanggang sa dumating ako." Paalam ni lola.
"Bakit po?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa'kin "May pagtitipon ang pamilya ko. May pag-uusapan lang kaming mahalagang bagay." Sagot niya.
Family meeting? Tapos ilang linggo? Kahit naguguluhan hindi na lamang ako nagtanong pa.
"Kamusta ang pinunta mo kahapon sa mainit?"
Napabuntong hininga na lang ako, "Wala pa rin ang kasagutan na hinahanap ko 'la. Mukhang ayaw pa ipaalam sa'kin."
Naaawa niya akong tiningnan at hinawakan ang kamay ko "Hindi naman sa pinapaalis kita Maria pero mas makakabuti kung sa lalong madaling panahon mahanap mo ang iyong hinahanap."
"Alam ko 'la. Maraming salamat sa lahat. Bago kayo makabalik sisiguraduhin ko na mahahanap ko ito." Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni lola.
I like her, I really do. Even though It's nice to live here alam kong hindi pwede. I need to go back habang hindi pa ako na a-attach masyado.
Napatalon ako sa gulat dahil sa paghampas ni Lualhati sa balikat ko.
"Aray! Ano ba?" Sigaw ko sakanya.
"May tinatago ka sa'kin 'no?! Akala mo hindi ko malalaman! Carandang ako 'no!" Pang-aakusa niya sa'kin.
Nagsalubong ang kilay ko "Sikreto? Wala!" Tanggi ko.
Itinaas baba niya ang kilay niya na parang nanunukso at ngumuso. Sinundan ko ng tingin ang nginunguso niya.
"Kung wala, bakit nandito ang Chief?" Mapanuri niyang tanong.
Nandito nga ang Chief. Nasa labas ng bahay at nakatingin sa'min. Malaki kasi ang bintana sa bahay ni lola kaya kita kung ano ang ginagawa namin.
Nilapitan ko ang bintana at rinig ko ang impit na tili ni Lualhati pero tumigil siya at sinampal ang kanyang pisngi sabay sambit ng "Hindi nga pwede".
"Bakit Chief?" Bungad na tanong ko.
Hindi siya nakasuot ng pang Chief na kasuotan niya ngayon. Naka t-shirt na puti, maong pants, at tsinelas lamang siya.
"Diba sabi ko sa'yo sasamahan kita mamitas ngayon?" Tinaasan pa ako nito ng kilay.
Napatitig ako sa mukha nitong makinis at sinundan ng tingin ang isang butil ng pawis na dumulas pababa sa sentido niya, mainit ang sinag ng araw ngayong dapit hapon. Awtomatikong inabot ko ang dumulas na pawis at pinunasan ito gamit ang panyo ko.
Nanigas ang Chief sa ginawa ko at nanlaki rin ang mga mata ko nang maisip ang ginawa.
"Sorry—" Mabilis kong paumanhin pero pinutol niya kaagad.
"Okay lang." Ngumiti siya at kinuha ang panyo ko para punasan ang buong mukha niya, "Isosoli ko nalang kapag nalabhan ko na."
"Sige, magbibihis lang ako." Paalam ko na agad niyang tinanguan.
"Pumasok ka muna sa loob Makisig." Yaya sakanya ni Lualhati.
Agad na kumilos ang Chief at naglakad na ako papasok ng kwarto para magpalit. Sumunod naman si Lualhati sa'kin at sinundot sundot ang tagiliran ko kaya tinapik ko siya. Nanunukso niya akong tiningnan kaya inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
Lost to you
RomancePassion for adventure, travel and outdoor life is what you describe Maria Chaucer Villanueva, she is inquisitive and curious so it led her to become a Volcanologist. She was assigned in a landlocked province of the Philippines in the Cordillera Admi...