Chapter 8

4 0 0
                                    


I spend that day staring at lola's wide land, watching the sun kiss the mountains. I was thinking deeply about my situation and what a grown up woman should act. I decided na bukas na bukas kailangan kong makabalik kung saan ako naaksidente.

I will visit the place where the accident happened. Sinabi ko na kay lola ang plano ko and she sadly agrees tila ramdam na ang nalalapit kong pag alis. Magaling na ako ngayon. No head trauma and injuries so I think I'll be just fine.

Nandito nanaman si Lualhati at tinutulungan akong maghain ng pagkain para sa tanghalian. Inaayos ko ang pagkakalagay ng kubyertos sa lamesa na gawa sa kawayan gayundin ang upuan. Pumapasok ang liwanag at sariwang hangin mula sa bintana ng nipa house kaya maaliwalas tingnan ang bahay.

Naagaw ni Lualhati ang atensyon ko dahil sa padabog niyang nilagay ang pinggan sa lamesa.

"Bukas ka ng tanghali aalis?" Tumango ako. "Sino ang maghahatid sa'yo pababa ng bundok? Malayo layo ang tatahakin mong daan para makapunta sa mainit." 

Napabuntong hininga ako dahil problema ko ito ngayon. Hindi pa ako sigurado kung sino ang maghahatid at magsusundo sa'kin. Hindi naman pwedeng ako lang mag-isa.

"Si Soren! Magaling 'yun mag-motor!" Lualhati exclaimed. "Siya nalang para mabilis kayong makabalik."

Napaisip din ako at tumango "Sige, kung mayroon siyang oras." Ayoko naman makaabala ng ibang tao dapat sakto lang.

"Narinig ko ang pangalan ko." Muntik ko nang mabitawan ang pinggan ng may marinig na boses sa pintuan. Nilingon namin ito ni Lualhati at pumasok si Soren.

Hinampas ni Lualhati si Soren pagkalapit niya sa pwesto namin "Bwiset ka! Kumatok ka man lang sana!" Sigaw nito.

Hinimas ni Soren ang parteng hinampas ni lualhati at natatawang tumingin sa pinsan. "Bakit narinig ko pangalan ko?" Pag-iiba nito ng usapan.

Nagpatuloy ako sa paghahain sa lamesa kaya si Lualhati na ang sumagot.

"Hatid mo si Maria sa mainit village ha! Gamitin mo motor niyo."

"Mainit? Bakit?" Tanong nito sabay baling sa'kin "Ang layo pero sige. Libre tsansing—Aray!" Napasigaw si Soren dahil muli nanaman siyang hinampas ni Lualhati.

"Hijo de puta ka ha! Napakabastos ng ugali mo! Malaman ko lang na may ginawa kang masama sa kaibigan ko, mawawalan ka ng itlog!" Sigaw ni Lualhati.

Natatawa ko silang tiningnan dahil sobrang close nila. Para silang mga bata. Tinawag na namin si lola para makapag tanghalian na kami pero mukhang hindi payapa ang tanghalian namin ngayon dahil nag-asaran lang si Lualhati at Soren.

Napapailing nalang sakanila si lola halata ang saya dahil nandito ang dalawa niyang apo. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Lualhati at Soren dahil may aasikasuhin daw sila. Inubos ko na lamang ang oras ko sa pag-ani ng gulay sa taniman ni lola. 

"Buti pa kayo, naalagan at nadidiligan" Pagkausap ko sa tanim ni lola na pechay. Inilagay ko sa basket ang hinarvest ko na pechay at umusog para sa kasunod.

"Sinong may dilig?"

Muntik ko nang mahila ang baby pechay na hindi pa dapat anihin nang makarinig ako ng boses sa likuran ko. Inis ko itong niligon, "Kabute ka ba—Chief? Anong ginagawa mo dito?"

"Dinalaw ko si Elder Eugenia, tapos nakita kita na kinakausap ang mga pechay." Sabay tingin sa likod ko. "Tulungan na kita." Alok niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil tumabi siya sa pwesto ko at nagsimulang pitasin ang mga pechay. "Bakit?" Tanong ko at pinagpatuloy ang gawain, ramdam ko ang tingin ng Chief sa'kin.

Lost to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon