Lola Eugenia said that I should keep a low profile here. Kailangan kong manatili lamang sa lupain niya at magpapaalam kung lalabas.
I haven't met a lot of people here. Nakilala ko naman ang ibang tauhan ni lola pero hindi nakakausap dahil mailap sila saakin. But one thing is certain. They belong to the same tribe. The tribe where they address lola Eugenia as an elder.
Hindi naman ako tanga sa mga bagay bagay pero kinakalawang ang utak ko kapag iniisip ko kung anong tribe ba nabibilang si lola. I'm not even familiar with their hierarchy here!
Katulad nalang ngayon. I'm face to face with who they called the chief. We didn't break our eye contact so I got the chance to check him out.
He has light brown hair that is messy but it looks good on him. He's only wearing a maong pants and yung headdress at parang badge na tela na tumatakip sa maskulado niyang dibdib at namumutok na abs. He's good looking, siya ang pinakamahitsurang tao na nakita ko dito.
Tinanggal niya ang headdress at pinasadahan niya ng kanyang kamay ang magulo niyang buhok.
Tumikhim ako at hinigpitan ang basket na dala dala ko. Bakit ang pogi niya lalo 'nong ginawa niya yun?
Binalik niya rin ang headdress at masungit akong tiningnan.
"Miss pwedeng tumabi ka? Hindi makadaan ang mga tauhan ko dahil nakaharang ka diyan." Reklamo niya.
Nag init ang pisngi ko sa hiya at mabilis na tumabi sa dadaanan nila. Pogi sana kaso masungit!
Sisinghalan ko sana siya dahil sa pagsusungit niya pero may humila sa'kin.
Handa na akong sigawan ang humila sa braso ko pero napatikom ang bibig ko dahil tauhan ni lola Eugenia ang humawak sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali Lualhati ang pangalan nito.
Binigyan niya lang ako ng 'manahimik ka' na tingin at humarap sa sungit chief.
"Magandang buhay Chief! Pasensya ka na sa bisita ni elder Eugenia." Paumanhin ni Lualhati at nag bow kaunti.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya at nagpabalik balik ang tingin ko sakanila nung Chief. Kinurot ako ni lualhati at binulungan.
"Mag English ka bilis!"
Kumunot ang noo ko at tiningnan siya sa gilid ng mga mata ko. Kinurot niya akong muli kaya sumunod ako.
"Bonjour Sir Chief! I'm just buying meat for the anito!" Pilit na ngiti ang ipinakita ko at muntik ng mapamura dahil sabi English hindi French! Kahit kailan ka talaga Chaucer!
Palihim na ngumiti si Lualhati. Itago man niya sa'kin kita ko pa rin dahil magkalapit lang kami.
Ang nakakunot na noo ng Chief ay mas lalo pang kumunot pero kalaunan ay napabuntong hininga nalang ito at tinanguan kami ni Lualhati, signal na umalis na kami sa harap nito.
Dumaan ito sa harapan namin at napapigil hininga ako dahil ang bango! Pati pala probinsyano dito mababango!
Nang nakalayo na ang chief saamin, humagalpak ng tawa si Lualhati at natatawang tinuro ako.
"Sabi ko English hindi French! Tanga ka ba?" Binuntutan pa nito ng tawa na parang walang bukas. Umasim bigla ang mukha ko.
"Kinabahan ako Lualhati! Akala ko kakainin ako ng buhay!" Amin ko habang nakahawak pa ako sa dibdib.
She stopped laughing and smirked at me.
"Napogian ka ano?" Sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko kaya masungit kong hinampas ito.
BINABASA MO ANG
Lost to you
RomancePassion for adventure, travel and outdoor life is what you describe Maria Chaucer Villanueva, she is inquisitive and curious so it led her to become a Volcanologist. She was assigned in a landlocked province of the Philippines in the Cordillera Admi...