Chapter 1: That Rain

96 3 2
                                    

Chapter 1: That Rain

"Hey, you okay?" he asked. He is the person that makes my heart beat so fast. He's my bestfriend.

"Ah yeah, tara kain tayo. Balita ko may chicken skin na roon sa cart nina Mang Kado," agad na 'kong tumayo at pinagpagan ang palda ko bago ko pinulot ang back pack ko. "Libre mo ko, Kane Vitalé!" sigaw ko at tumakbo palabas ng school, nakita ko namang tumakbo rin siya patungo sa'kin.

Maraming nakakalat na estudyante sa school grounds dahil dismissal na. Naupo lang kami roon sa damuhan dahil binabantayan namin yung oras para makalabas na kami sa school. Hindi pa kasi nagbubukas ng main gate yung guard hanggang hindi pa alas kwatro ng hapon. Wala kasi kaming pasok nang last period kaya nakatunganga lang kami.

Sakto noong dumating kami sa lobby, binubuksan na ni manong guard yung gate kaya nakalabas din kami agad. Nakipagsiksikan pa kaming dalawa sa mga naunang estudyante para lang mauna.

"Bilisan mo naman, Kaney!" sigaw ko sa kanya habang patakbong tumawid ng kalsada para mauna sa tinda ni Mang Kado. Baka maubusan kami ng chicken skin, ngayon pa naman yung unang tinda ni manong roon.

"Eto na! Nagmamadali kasi, 'di ka naman mauubusan riyan!" sigaw din niya at mas binilisan pa para maabutan ako. Anong hindi, pag ako talaga maubusan hmp.

Hingal na hingal kaming dalawa ng marating namin ang cart ni mang Kado. Suki na kami dito dahil ginagawa na naming tambayan to.

Nakalagay yung dalawa kong kamay sa magkabilang tuhod ko dahil napagod akong tumakbo, nakapamewang naman yung isa niyang kamay habang yung isang braso niya ay nakadikit sa noo niya, pinapahiran yung namuong pawis.

"Oh Kane, Kien, maaga yata kayo ngayon?" nakangiting bati ni Mang Kado. Yung pangalan namin magkatunog lang, Keyn at Kyin.

"Wala po kasing teacher noong last period manong kaya maaga kami ngayon dito," nakangiti kong sagot.

Niluwagan ko ang necktie ko at tinanggal ang pagkakabutones ng dalawang nauna. Tinanggal ko na din ang coat ko at sinabit sa balikat ni Kaney. Tinupi ko din ang longsleeve white polo na uniform ko hanggang siko. Ang init kasi rito sa labas.

"Hinanda ko na yung lagi niyong inoorder, eto oh," sabi ni manong sabay abot sa'min ng fishball na kinse pesos, at sampung kwek kwek, kasama ang panulak na dalawang baso na palamig.

"Salamat Mang Kado, heto po yung bayad namin oh," kinuha ko na yung bayad ni Kane para isahan na sa pagbigay. "T'yaka po chicken skin manong, susubukan namin. Yung sa kabila po kasi hindi gaanong masarap." tumawa pa ko dahil sa sinabi ko. Binunggo pa nga ni Kane yung balikat ko eh, pinipigilan niya yata ako. Wala namang masama sa sinabi ko, honest nga eh.

Nilapag namin yung palamig at yung kwek kwek sa cart ni Mang Kado, nasa tabi lang kami dahil may iba ring bumibili.

"May tanong ako, naalala ko lang yung sinabi mo sakin dati," naguguluhan akong tumingin sa kaniya habang sumusubo ng fishball na malapit ko ng maubos. Nailapag na din ni manong yung order naming chicken skin.

""Ano yon?" nakakunot noong tanong ko. Sa rami ba naman kasi ng sinabi ko sa kanya 'di ba? Di ko na alam kung ano yung tinutukoy niya.

"Yung sasabihin mo sa'kin kung sino yung crush mo." muntik na 'kong mabulunan dahil sa kaniya. Damn! Ininom ko na lang yung palamig ko. "Ayos ka lang?"

"O-oo. Nakakagulat ka naman kasi." sinuntok-suntok ko pa yung dibdib ko dahil feeling ko may nakabara dahil hindi ako makahinga ng maayos. "Manong, padagdag nga po ng sampung pisong palamig" naubos ko na kasi yung nauna kong palamig tas may nakabara pa ngayon.  Buti nga di lumabas sa ilong ko yung kinakain ko eh.

Officially Not His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon