Chapter 5: Reason Behind

24 2 0
                                    

Chapter 5: Reason Behind

I woke up late in the morning because I'm tired. Idagdag mo pa yung mga gabing puyat kami dahil sa camp. Umaga na kami nakakatulog dahil kailangan naming manood ng pageant. Two hours lang yung nagiging tulog namin dahil 5 am kailangan na naming magising.

Pumasok ako sa cr dito sa second floor para maghilamos at magtoothbrush bago bumaba. Lunes na ngayon pero hindi kami pinapasok, we will be excused to our class today since we are all exhausted.

Humalik ako sa pisnge ni lola ng makababa ako. Nadatnan ko siyang nag-aasikaso ng tanghalian. Late na talaga yung bangon ko dahil yung lunch nila magiging brunch ko. Tinulungan ko si lola sa paglagay ng plato pati na din ng mga basong may lamang tubig.

Umupo na ko sa kanan ng kabisera dahil kapatid ko yung umupo doon. Katabi ko si lola habang nasa harap ko ay yung pinsan kong lalaki at katabi niya yung pinsan naming babae.

Binilisan ko ang pagkain ko para makaakyat agad ako sa kwarto ko. Ganito lang naman lagi yung ginagawa ko. Lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko pero hindi naman pumuputi nakakainis. Di rin tumatalab yung aircon sakin.

Umakyat agad ako pagkatapos kong kumain dahil baka ako pa pahugasin ng mga kinainan namin, ayoko pa namang naghuhugas ako. Pero minsan gusto din, ewan sa mood ko. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang phone.

~C H A O S~

Aeia: Kamusta kaya yung tulog ng dalawa.

Max: Baka hanggang sa panaginip hinahalikan pa rin ni Kien si Kane HAHAHAHA

Reed: Oh baka nga di na nakatulog eh

Max: Malala na yon HAHAHAHA

Eugeo: It must be love

Kriesha: Love pa nga!

Eugeo: Malay mo

Aeia: Hoy @Kane Vitalé consequence lang yon ah dahil natalo sila, wag i-big deal

Kane: Yeah

Gising na pala siya. Iniwan ko agad yung gc namin para tignan yung convo namin ni Kane. Nag goodnight din pala siya sakin kagabi, hindi ko na ito nakita dahil natulog agad ako.

Kenzie Vien Zamora
Hey, good morning :)

Napangiti agad ako dahil ambilis niyang iseen guys! Pwede na kong mamatay! Joke. Ikakasal pa kami. HAHAHAHA.

Kane Vitalé
Good morning, kakagising mo lang?

Kenzie Vien Zamora
Yeah :( Pagod kasi at puyat

Kenzie Vien Zamora
How about you?

Kane Vitalé
Kaninang 9 pa ko gising, kumain ka na?

Kenzie Vien Zamora
Yup, brunch :) ikaw po?

Kane Vitalé
Already done.

Kane Vitalé
By the way, sasama ka ba sa paunlak ni Ash?

Kenzie Vien Zamora
Why not? Mabait naman siya eh tsaka friendly, taa libre niya pa kaya walang reason para humindi.

Kane Vitalé
You're right.

Kenzie Vien Zamora
I'm Kenzie :)

Kane Vitalé
mais

Kenzie Vien Zamora
Whatever HAHAHAHA. Maliligo lang muna ako, talk to you later.

Officially Not His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon