Chapter 3: Heartbeat

38 2 0
                                    

Chapter 3: Heartbeat

Di ko na alam kung ano yung nangyari buong contest dahil nakafocus lang ako kay Kane. Potangina naman kasi eh, bat kasi dikit siya ng dikit? Oo may pagkaclingy siya pero nasobrahan ata yung kagabi eh.

Bumalik kami non sa quarters na tulala ako at wala sa sarili. Ninanamnam ko lang naman yung kilig ko sa nangyari eh. Wala namang masama don. Mag-aact na lang ako na parang walang nangyaring ganon kagabi. Na parang di niya pinakilig ang aking pakening bones.

~C H A O S~

Primo: girls, labas nga kayo sa quarters niyo.

Eugeo: oo nga, samahan niyo kami dito sa plaza dali

Primo: maganda yung sunset guys

Kane: mas maganda si Kien

Max: ay ang landi

Muntik ko nang mabitawan yung phone ko ng kuyugin ako ng girls. Leche. Mas nauna pa sila saking kiligin. Kayo yung sinabihan ng maganda ha kayo? Napairap na lamang ako.

"Girl, umamin ka na ba?" excited na tanong ni Abby. Ang ingay nila, baka sa pinanggagawa nila ngayon, dyan pa ko mabuko.

"Hindi, tumigil nga kayo. Our friendship is more important" at inirapan sila.

"Pero nakita ko kayo kagabi ang sweet niyo!" napaiwas na lang ako ng mata sa kanilang lahat. Gago ka Reed!

"San mo sila nakita kagabi?" curious na curious teh Aeia?

"Sa likod natin, naglalampungan sila guys! Nakayakap si Kane sa likod ni Kenz!" naghyhysterical na wika ni Reed. Mga ingrata talaga.

"Ay walang label HAHAHAHA" tangina mo Luxe! Mapapatay kita ng wala sa oras!

"Ay di pinaglaban HAHAHAHA" natigil sa kakatawa si Luxe sa bawi ni Reed.

~C H A O S~

Primo: antahimik ng girls, pa seen seen lang sila

Max: manahimik ka Prims, gumagayak kami para makapunta dyan

Nagbihis na lang ako ng isang ripped jeans na white at black sando na pinatungan ko ng black coat na hanggang tuhod and a simple white fila shoes. Phone at wallet lang yung dinala ko at nauna nang lumabas ng quarters. Para akong turista sa ayos ko, mwehehe.

Kane Vitalé
Bat ang tagal niyong pumunta dito?

Kenzie Vien Zamora
Wag kang atat, malapit na kami

Kane Vitalé
Oo pagrating niyo wala na yung sunset

Kenzie Vien Zamora
Chill fcker. Lingon ka.

Inirapan ko agad siya. Atat na atat eh. Bukas na pala yung uwi namin kaya kailangan na naming sulitin yung araw na to. Maganda pa naman yung lugar dito. Sarap tumira.

Tama nga sila, ang ganda ng paglubog ng araw ngayon. I was amaze when I felt his presence at my back. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Inabot niya sakin ang isang mango shake.

"Wala bang lason to?" I joke.

"Wala" iinuman ko na sana ng dugtungan niya, "Gayuma meron"

"Tangina mo Kane Vitalé. Sayo na nga to, baka ikamatay ko pa yan. Ayokong mamatay ng virgin no at wala pa kong jowa" nilahad ko sa kanya ang shake pero tinignan niya lang ito.

Officially Not His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon