Chapter 9: 'I'm Okay'

16 2 0
                                    

Chapter 9: 'I'm Okay'

Ang hirap magpanggap na okay lang yung lahat kahit na yung totoo, never naging okay. Akala nila masaya na ko, akala nila nakalimot na ko. Pero hindi nila alam, andito pa rin yung sakit. Yung sakit na dala dala ko noon pa.

Two months ago when I confessed at him. Sila na ngayon ni Abby. I am still his bestfriend. Akala niya wala na yung pagtingin ko sa kanya dahil matagal ng hindi kami nagkausap. Akala ko magiging madali pag ganon, pero akala ko lang pala.

I am strumming the guitar he owns when they went inside. I smiled at them. Alam na din ni Abby yung nararamdaman ko pero sabi niya 'okay lang', walang magiging problema dahil mag bestfriend kami. They smiled back.

"Kien, tara kain tayo?" yaya ni Eu, hapon na din kasi at dismissal na namin. Wala naman kaming teacher ng last subject, kaso nga di naman makakalabas ng school kaya mas mabuting magstay na lang.

Sana all nagstay.

"Arat" kinuha ko ang back pack ko at yung coat ko. Binigay ko kay Eu yung coat habang kay Reed naman ang bag. Aayusin ko lang yung white long sleeve ko, ang init na naman neto.

"Wazzuuupp mang Kado" energetic na sabi ni Kriesha nang makarating kami sa cart ni manong.

"Oh Kriesha, ikaw pala" nginitian kami ni manong, "Di yata kayo madalas na dito ah, nakahanap na ba kayo ng bago" we laughed.

"Naku si manong, di ka namin ipagpapalit manong no" sabi ko, si Kane nga di ko mapalitan eh, ikaw pa kaya manong.

Memories bring back, dito kami laging dalawa tumatambay pero di na ngayon. Dati kaming dalawa lang magkasama pag kumakain, ngayon hindi na. Dati ako yung kasalo niya sa palamig, ngayon si Abby na. Nagbabago nga talaga ang lahat.

Nothing's permanent.

"Gala naman tayo guys, nauumay na ko sa bahay" sabi ni Max.

"Arat laro ng basketball don malapit kina Eu" sabi ni Primo at umakbay kay Max. Sana all, inaakbayan. Taga sana all na lang yata ako.

"Buti na lang malapit lang bahay ni Eu dito, lakarin na lang natin, sayang limampiso" kuripot talaga netong si Luxe.

"Kuripot, eh yung pinapamasahe mo nga dati mula sa binuraot mong tigpipiso samin" inirapan siya ni Aeia, tawang tawa naman pinsan ko. Ganyan talaga yan, mababaw kaligayan tas madaling masaktan.

"Sabi pa niya bago manghingi nauuhaw siya, tas bibili ng ice water kaso wala daw coins. Tsk, buraot ka lang talaga kamo" dagdag ni Abby. Lalo lang natawa si Luxe.

"Men, it's called diskarte" tawang tawa talaga siya. Napaface palm na lamang si Eu, yung iba inirapan lamang siya.

Hindi naman nagtagal yung lakad namin dahil nasa harap na kami ngayon ng bahay ni Eu. Pumasok na agad kami at nilapag ang bag. Naiinitan na talaga ako kaya magpapalit na lang muna ako.

Papunta na ako sa cr ng makasalubong ko si Abby, galing yatang cr. Ngumiti ako sa kanya, gayon din siya.

"Kamusta ka na?"

Kamusta na nga ba ako? Sa nagdaang dalawang buwan, puro sakit yung nararamdaman ko. Wala akong ibang maramdaman kung hindi pagod at sakit. Pagod na kong masaktan kaya inayos ko yung sarili ko.

Sinabi ko sa sarili kong magiging okay lang yung lahat hanggang sa nakakaya ko ng ngumiti. Ngumiti na walang kasamang pait. Kaya ko na yon. Pero magiging sinungaling ako sa sarili ko pag sinabi kong hindi na ko nasasaktan.

"Ayos lang naman" ang mga katagang naisagot ko sa kanya.

"Masaya ka ba?"

Masaya nga ba ako? Masaya nga ba ako sa nangyayari? Masaya ba ko na hindi siya naging akin? Masaya ba ko dahil may mahal siyang iba? Masaya ba ko dahil iba yung pinili niya? Masaya ba ko kung yung babaeng nasa harap ko at nagtatanong ngayon ay yung babaeng kinababalewan niya?

Officially Not His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon