Chapter 2: His Embrace

42 3 0
                                    

Chapter 2: His Embrace

Palabas na kami ng school dahil tapos na yung test namin. 8:45 na at mamayang 12:30 yung alis namin papuntang Ibajay kung saan gaganapin yung Science Congress.

"Kainis si ma'am, aalis na nga't tayo't lahat, magpapatest pa din siya" angal ni Aeia habang papunta kami sa cart ni mang Kado.

"Mismo! Wala man lang konsiderasyon yung isang yon" gatong pa ni Kriesha.

Nauna silang maglakad kesa samin ni Kane. Nakasunod lang kaming dalawa. Napagkasunduan naming kumain muna bago umuwi. Nasa harap na kami ng cart ni mang Kado.

"Manong, sampung piso nga pong fishball at palamig. Kayo guys, anong gusto niyo?" tanong ni Kriesha habang tumitingin sa ibang benta ni mang Kado.

"Ikaw" banat ko at tumawa pa. "30 pesos nga pong lumpia" sabi ko at inabot ang bayad ko. Bibili na lang ako ng softdrink kay aling Stella.

"30 pesos na siomai po akin" sabi ni Kane at inabot din ang bayad. "Di ka bibili ng pantulak mo?" baling niya sakin.

"Daan na lang tayo kina aling Stella, bibili na lang akong softdrink don" sabi ko at kinuha ang inaabot na lumpia. Kinuha ko ang suka na maanghang at nilagay sa maliit na lalagyan para may sawsawan ako.

"Libre na kita" napatingin ako sa kanya at ngumiti, sarap naman sa ears. Tumango na lamang ako, hinding hindi ako tatanggi sa libre no!

"Nakaluwag luwag ka ah, nanglilibre na" sabi ko sabay kagat ng lumpia. Geez. Ang sarap talaga.

"Tara na guys" nauna nang maglakad ang dalawa kaya sumunod na kami. Nilagay ko na lang agad yung suka sa lumpia kasi di ko na kayang dalhin yon.

Dumaan nga kami kina aling Stella at nilibre niya ko ng softdrink.  Sumakay na lang kaming apat dahil tinatamad na kaming lumakad at magsasayang lang kami ng oras. Limang piso lang naman yung pamasahe papuntang sakayan.

Naunang bumaba si Aeia dahil madadaanan yung bahay niya papuntang sakayan. Sabay kaming bumaba ni Kane sa sakayan at kumaway na lamang ako kay Kriesha. Taga dito lang kasi sila sa bayan. Kumaway na din ako kay Kane bago sumakay sa tricycle pauwi samin.

Hinanda ko agad ang back pack at ang maleta ko. Magdadala din ang ng sling bag para doon ilagay ang, wallet ko kasama ng phone at ng powerbank ko. Kinuha ko na ang towel para makaligo ulit. Gusto ko lang maging fresh ulit dahil balak naming magtabi sa jeep ni Kane.

Kumain na din agad ako paglabas ko ng cr. Four days din yung camp namin, actually bukas pa talaga yung start. Pero dahil nga malayo yung bayan namin sa gaganapan ng camp, kailangan naming umalis agad.

Pumasok na ko sa kwarto ko at nagbihis. Sinuot ko yung racerback top at pinatungan ng gray hoodie jacket na malaki sakin, pinaresan ko ng black sweatshort at ng gray balenciaga shoes.

Sinuot ko na din sa katawan ko yung sling bag. Kinabit ko ito sa balikat ko. Parang lalaki lang yung porma ko ngayon, pero maganda naman. Since pang lalaki naman yung gusto kong porma. Boyish eh.

Nagpahatid ako sa tito ko ngayon, may sarili naman siyang motor kaya okay lang. Nilagay niya lang sa harapan yung maleta ko, at sinuot ko naman ang back pack ko. Nag online muna ako ng saglit habang di pa kami nakakaalis. Nagchat ako sa gc namin.

~C H A O S~

Eugeo: Nasa meeting place na ba kayo?

Kriesha: Wala pa

Aeia: Kakaligo ko lang

Officially Not His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon