Chapter 6: Dying Inside

22 2 0
                                    

Chapter 6: Dying Inside

Hindi naman mahirap magtago ng nararamdaman kung maingat ka. Naging madali sakin ang nagdaang dalawang linggo. Naging casual lang kami, parang walang nararamdamang kakaiba. Parang hindi ko siya mahal pero sa kaloob-looban ko nagwawala na yung puso ko.

Hindi naman talaga mahirap not until you get jealous. Hindi mo na macontrol yung nararamdaman mo kasi bigla bigla ka na lang sasabog. I fucking hate it. Kasi di ko alam yung gagawin ko kapag nagseselos ako. Kasi wala naman akong karapatang magreklamo! Wala naman akong karapatan para umangal! Pero nasasaktan ako!

"Hey Kenz, are you okay?" kahit ngumiti pa ko ng malapad, Reed can sense that I'm faking it.

"Yes"

"Your eyes telling me that you're not" napabuntong hininga na lamang ako. Nawala yung pekeng ngiti na binigay ko.

"I don't know what happened to myself Reed" nakatulala kong sambit.

"Nakikita ko yung pagtingin mo kay Kane, mahal mo?" hindi ako sumagot. Ayokong kumpirmahin yung iniisip niya.

Tumayo ako at papasok na sana ng classroom ng mahagip ng paningin ko si Kane at Abby. I don't know what's between them. What is their relationship.

"Nagseselos ka?" napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Reed.

"Ang sakit pala no? Makita siyang masaya sa iba? Yung mahal mo andon kasama yung ibang babae at ngumingiti" pinahid ko yung tumulong luha galing sa mata ko bago pa makita ni Reed.

"Tara na, wag mo nang saktan pa yung sarili mo kakatingin sa kanila" hinila niya ko papasok ng classroom.

Naging tulala ako ng ilang minuto bago naisipang ayusin ang sarili. Lumabas ako ng classroom at papunta na sanang cr ng girls ng marinig ko ang boses niya. Ang boses ng lalaking mahal ko.

"Pwede bang higit pa tayo sa tropa?" damn it hurts.

Napasandal na lamang ako sa pader na malapit sakin. Tears are here again. Akala ko di ako masasaktan. Akala ko wala akong aalahanin kundi itago lang yung nararamdaman ko pero pucha, heto ako umiiyak! Nasasaktan! Hindi alam kung ano yung gagawin!

"I love you Abby" tumakbo na ako palayo sa kanila dahil natatakot akong marinig ang sasabihin ni Abby.

Oo, oo duwag ako dahil hindi ko kayang harapin yon! Hindi naman kasi ako matapang! Hindi naman kasi ako handa sa mga nangyayari! Hindi ko naman kasi alam na ganito pala kasakit ang mahalin siya!

Dinala ako ng aking mga paa sa ilalim ng puno. Dito kami dati madalas tumambay na dalawa. Dahil para samin lang dalawa to. Hindi namin dinadala yung tropa dito dahil mawawalan na kami ng tambayang dalawa.

"Siguro someday dadalhin ko yung babaeng mahal ko dito"

"Akala ko ba sating dalawa lang to"

"Hahaha satin ngang dalawa, malay mo ikaw yung babaeng mahalin ko hahaha"

"Wag ako Kane, HAHAHAHA tigilan mo yang mga ganyan mo baka mahulog ako at di mo saluhin"

"Sabihin mo lang kung nahulog, I will catch you"

Nasan ka na ngayon? Sabi mo pag nahulog ako sasaluhin mo ko? Eh bat yakap yakap ka na ng iba? Bakit mo sa iba sinabi yung tatlong salita? Tangina naman Kane!

Officially Not His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon