Chapter 6

23 1 0
                                    

Miyerkules ngayon at nandito kami sa boys room para makapag palit ng swim wear. Nasa kabila naman ang sa mga babae. Lumabas na kaming apat pagkatapos naming mag bihis.

Maya-maya'y magsisimula na ang laban. Nakita ko na rin na patungo na dito sila Julianne. Isa-isa ko silang tinignan at ng makita ko si Ella ay hindi ko na napigilang ngumiti ng todo.

"Ang sexy niyo a! Pa picture nga tayong pito mamaya." Tumango lang sila Julianne sa suhestiyon ni Alvin.

Habang ako ay panay ang sulyap kay Ella baka pagkamalan akong maniyak nito, gwapong maniyak.

"Duhh Alvin, we are born to be this sexy! Joke!" Biro ni Mika saka tumawa na parang mangkukulam.

"Binawi mo pa." Natatawang tugon ni Juls.

Magsta-start na ang laban at heto ako, nagre-ready ng tumalon sa tubig. Panay din ang kaway ko kanina sa mga solid fans ko na naka upo sa mga bleacher at may dala-dala pa ang iba na pompoms.

Nakangisi ako sa kanila sabay flying kiss. Kinilig naman sila sa ginawa ko at sabay na napasigaw. "We love you Penn!"

"Daming fans a, pa share naman Penn. Wag kang kuripot sa kaibigan mo." anito.

Inirapan ko siya, "Ayaw ko. Once in a lifetime lang kaya ako magka fans at tignan mo iyong mga babaeng hawak-hawak ang banner, may naka lagay na I love you Penn! Marry me! Anakan mo 'ko please! Psst 1k one night pogi! O diba? Kaya no no 'yan sa akin my dear friend."

"Ang hangin mo talaga pre, bawasan kaya natin ang hangin jan sa ulo mo." Sabay hampas ng braso ko.

"Pao, nagsasabi lang naman ako ng katotohanan. Tanggapin mo na lang na halos gusto na nila akong reypin sa tingin pa lang ng mga 'yun. Joke!"

Hinampas niya naman braso kaya naghiganti din ako, umirap na lang siya at tuluyang napikon. Ito ba ang gusto ni Juls? Si Pao? Debale bagay naman sila kaya no problem sa gwapo nilang kaibigan. Support pa nga ako kapag sila na pero mukhang 50/50 e.

"Tara na nga magsisimula na ang laban, good luck pre!"

Pumwesto na kaming pito dito.
Nagsimula na ang laban. Kaya ko 'to, tiwala lang Penn. Sinuot ko na ang goggles ko.

"Ready one, two, three, start!"

Tumalon agad ako sa tubig at mabilisang lumangoy. Kumukuha din ako ng lakas at hangin sa tuwing umaahon ang mukha ko sa tubig. Malapit na ako sa dulo at gamit ang paa ko ay nag rotate ako para lumangoy naman ulit. Malapit na ako sa sukdulan at pag hawak ko sa dulo ay umahon agad ako sa tubig.

"Congrats Penn! 'San ang handa?"

Ako ang nanalo sa larangan ng pag langoy, ang sumunod sa akin kanina ay si Ella, sunod ay si Pao, Julianne, Jerald, Mika, Alvin at Jerome. Segundo lang ang pagitan naming lahat at masasabi kong panalo ang lahat sa amin.

"Wala e, pero manlilibre ako ng street foods mamaya. Legit 'to mga tol hindi scam."

Dahil sa sinabi ko ay napa high five sila sa akin, maya-maya'y marami na ang pumunta sa amin para makakuha ng litrato. Todo ngiti ako sa mga gadgets at camera nila.

"Congrats po kuya pogi!" Nakikilig na sabi ng isa sa mga hard dying fans ko.

Aba Penn kung maga-artista kana lang kaya? Joke, normal lang naman ang humanga sa isang tao at ang masasabi ko ay kahanga-hanga talaga ako. Joke!

"Congrats Penn, I'm happy that you'll be the one to represent the school." Nakangiting saad ni Ella sa akin at kinamayan ako.

At ako naman na timang ay todo ngiti ulit dahil sa kilig. Debale na hindi niya ako nayakap, ayos na ang compliments galing kay crush.

Memoirs Of MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon