Chapter 8

20 1 0
                                        

If you want to read some of my works, clink the link below and enjoy reading :)....

Here's the link:
https://my.w.tt/vRPCQ2zkn8

--

"Your so funny captain, huwag ka nga mag joke!"

Bumagsak ang magkabilang balikat ko sa tinugon niya. Ayaw niya ba sa akin? Kasi kung hindi ay hindi ko na lang din pipilitin. Kung ayaw kasi ng tao sa akin ay hindi naman ako mamimilit. Kahit ng ikakasakit ko pa.

"I'm no clown nor Penny wise, Ella."

Tumigil siya sa kakatawa at umiwas na lang ng tingin sa akin. Nakaramdam na talaga ako ng rejection galing sa kaniya.

"If you are joking well, ang galing ng acting mo."

Ngumiti na lang ako ng pilit sabay na humalakhak, "Just kidding Ella. I know na si Oliver yung gusto mo, hindi ako o baka kasi ay taken ka na kaya hindi na pwede. Basta kung kailangan mo ng kasangga o k-kapatid nandito lang ako."

Habang binibitawan ko ang mga salitang iyon ay kumikirot din ang puso ko. Ang sakit pala ma reject, sobra. Iyong ramdam mo na may gusto din siya sa'yo dahil nagpapakita siya ng motibo, wala pala. Akala ko lang pala iyon.

"Si Oliver? Ako? May boyfriend?" Naguguluhan niyang tanong.

"E ano pala 'yung nasa account mo? Hindi mo ba siya kasintahan?"

Natatawa siyang umiling, "Why would I have a relationshit with my brother, Penn? Isn't that a sin?"

Gulat akong napatigil at halos lumaki na ang mga mata ko sa gulat.

"P-pasensiya na, ang dali ko talaga mang husga." Napakamot na lang ako sa aking batok.

"No it's okay. Hindi lang naman ikaw ang napagkamalan kaming mag jowa ng kuya ko." Ngumiti siya at nilapitan ako.

"Sige, I'm going home na and don't worry. Magiging okay din si Felix, kung malakas ang kuya niya ay aba malakas din ang bunso."

Humakbang ako papalapit sa kaniya at ngumiti ng taimtim, "Salamat Ella."

I patted her head and I let out a sigh.

"You're welcome. You know that I will always be your friend and, family."

Pilit na ngumiti ulit ako. Ang sakit kasi, kapatid at kaibigan lang ang turing niya sa akin. Habang ako ay higit pa sa kapatid o kaibigan ang turing ko sa kaniya. Ang tanga ko.

"Oo n-naman. Pamilya tayo e, HAHA!"

"Yeah, r-right. So, your not serious about what you said earlier. Diba?"

Tinignan ko siya ngnunit yumuko lang siya at tila na hindi niya gustong ipakita ang mukha niya. Gusto kong sabihin na oo, gusto kita. Pero may parte sa puso ko na. Ayaw kong sabihin dahil alam ko na ako ang talo sa laban na ito. Tumango ako at inangat ko ang baba niya para tignan ako.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko kanina, mas mabuti kung magkaibigan lang tayo. Ayaw ko din na umasa, kasi alam ko na ako ang talo pag dating sa'yo. Hindi pa nga ako nagsisimula, natalo na agad ako. Ang hirap kasi kalabanin ng nararamadaman ko. I accept it. I accept that I will never be your guy." Pagsisinungaling ko.

Humakbang na ako paatras saka tumalikod. Ang bigat sa pakiramdam, at ang sakit. Ito ba ang nararamadaman nila Julianne at mama sa tuwing masasaktan sila? Unang beses ko kasi magka gusto and never been in my entire life na makakaramdam ako ng pakiramdam ng bigo sa pag-ibig.

"I'm sorry,"

Tumigil ako sa paglalakad at haharapin na sana siya. Pero nakatakbo na siya papalayo, hindi ko gaanong narinig ang nasabi niya. Bumalik ako sa kwarto ng wasak at ramdam pa rin na tinutusok ang puso ko.

Memoirs Of MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon