"You'll be the prince and I'll be the princess! It's a love story baby just say yes..."
Naabutan namin na kumakanta dito sa karaoke house si Julianne. May problema ata ang isang 'to. Problema sa puso, may gusto kasi ito kay Paolo at nakita niya kahapon habang nasa mall kami na may kasamang babae ay bigla na lang siyang umuwi. Matagal ko ng alam na gusto niya si Pao, siguro last year pa.
"Broken hearted?" Tanong ni Pao sa akin.
"Kako pinpunta lang tayo dito. Siguro nga broken hearted, narinig ko na may gusto siya 'dun sa kapitbahay natin. Iyong malapit lang sa atin, pero kahapon nakita niya kasi na may kasamang babae at masaya na kausap nito. Kaya ayun alam mo naman na biglaan siyang umuwi, gets mo ba ang sinasabi ko Pao?" Bahagyang sabi ko.
Binigyan ko na siya ng clue kaso apaka tangang nilalang ang kausap ko.
"Aba malay ko na may nagugustuhan siyang kakapitbahay lang natin, tara na nga. Samahan na lang natin siya 'dun."
Pumasok na kami sa loob at nakitang may tama na siya habang kumakanta ng love story ni Taylor Swift.
"Uy! Andito na pala ang jalawang pogi kong prends!" Nalalasing niyang saad at lumapit sa amin.
"Heto mga ulol! Inom lang tayo and enjoy our fucking life! Wooooh!"
Matutumba na sana siya ng saluhin siya ni Pao sa kaniyang bisig. Napangisi naman ako 'dun. Hinayaan ko na lang ang dalawa at iniba ang tingin.
Tumingala ako sa screen at napansin ko na may kasama pala siya. Nandito sina Mika, ang president ng klase na si Sophia at si Ella. Nasapo ko ang noo ko. Magtatago sana ako pero huli na. Nakita niya ako at biglang tumayo at lumakad papalapit sa akin.
Naku naman, bakit kasama pa siya dito? Malas ata ako ngayong araw.
"Peniel Delos Santos! Ilang weeks na hindi ka lumilista ng absent, late at naga-attendance ng mga names ng classmates natin! Swerte ka dahil excuse ka kaya ang treasurer na lang ang gumawa ng trabaho mo." Natataray niyang sambit saka hinampas ang braso ko.
"Aray naman president!"
"Ewan ko sa'yo Penn! Tara na nga at kumanta lang tayo dito! Mika, order ka pa nga ng isang bucket ng San Mig ito kasing si Julianne. Iba ang inorder, Colt 45 yun aber!"
Napailing-iling na lang ako at tinignan si Juls na akay-akay ni Pao. "Ihiga mo nga 'yan siya dito sa sofa Pao, may nag-on ata ng button niya kaya naging lasinggera siya ngayon."
Dumating na 'yung order namin at sinimulan na namin na uminom. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako malalasing agad. Nagkakantahan at nag-iinuman kami dito maliban lang sa isa dito. Hindi siguro sanay sa ganito si Ella.
"Have some drinks," binigyan ko siya ng bote ng San Mig.
"No thank you, okay na ako dito." Pinakita niya ang iniinom niyang lemonade.
"Hindi ka sanay?"
"Sanay na ako sa ganitong makikita ko but I'm not used to drink alcohol, just juice and water."
Tumango ako. "Ganun ba? Siguro strict ang parents mo at protective."
"Maybe, but they support me a lot."
Hindi ako uminom masyado dahil sa oras na may tama ako ay paniguradong makukurot ako ni Mama kaya men! Iwas muna sa alak tsaka para hindi ma turn off sa iyo si Ella. Baka 'e sabihin niya na may bisyo ako.
"Pao, ikaw na maghatid kay Juls para sa iyo siya susuka."
"Langya ka Penn! Sa akin mo pa ibinilin ang babaeng 'to!" Inis niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/231399687-288-k488641.jpg)
BINABASA MO ANG
Memoirs Of Melancholy
Teen FictionSi Peniel Delos Santos lang naman ang nag-iisang tamad na sekretarya ng kanilang klase ngunit gwapo na nilalang na captain sa swim team. Masiyahin siya at matalino ngunit hindi buo ang pamilya, iniwan kasi sila nito ng kanilang ama noong nag-bibina...