"Peniel, I'm so happy that you also love me. But, I'm not worthy to be loved. So please, just leave me. Itigil mo na 'yang nararamadaman mo, please. I'm begging you! Nahihirapan na a-ako."
Halos hindi ako makagalaw nang dahil sa sinabi niya. Tumayo siya at tumalikod sa akin. Ngumiti na lang ako ng may tumulong luha sa mata ko.
"It's okay if you don't accept me. Ikaw naman kasi e, nagbibigay ka ng motibo na may gusto ka din sa akin. Napaka assuming ko talaga, pasensya na. Stay strong na lang sa inyo ni Oliver." nanginginig kong saad at nanatiling nakaluhod pa din.
Naramdaman ko siya na lumakad papalayo at hindi na niya ako sinagot. Nakaluhod pa din ako dito at wasak. Bakit ba kasi ganun ang tama ko sa kaniya? Langyang puso 'toh! Kahit ilang reject at masasakit na salita ang tapunin niya sa akin ay siya pa rin.
"Penn? Are you okay?"
Natauhan ako sa presensya at pag-usap sa akin nila Paolo. Tumayo na rin ako at ibinulsa ang aking kamay. Yumuko ako at tumango.
"Ako pa, sanay na akong masaktan mga ulol! Kaya ayos lang ako, huwag na kayong mag-alala." I patted their shoulders and saying that I'm fine. Even I'm not.
"Penn, umm. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kasi,"
"Tell me straight to the point." Malamig kong tugon.
Bumunot siya ng malalim na hininga saka niya ako pinaharap sa kaniya.
"I'm sorry, your brother and tita is in the hospital. Critical ang lagay ni tita dahil siya 'yung sumalo ng tama ng baril na para kay Felix sana. Penn, I'm sorry." Nanginginig niyang wika.
Nakatayo lang ako at tulala ng marinig ko na pinagbabaril sila. Hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil nakatakbo na ako at papunta sa hospital na sinasabi nila Juls sa akin. Nakasunod din sila hanggang sa makarating kami sa loob ng hospital.
"Where's the room of Felix Delos Santos and his mom?" Agad na tanong ko sa isang nurse. Sinabi niya agad at tumakbo ako papuntabg ER.
Papasok sana ako doon pero hinarangan ako nila. Nagpupumilit akong pumasok pero sinabi nilang sa labas lang ako mag hintay. Nakita ko lang si Mama na naga-agaw buhay habang si Felix ay ganun din.
Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin. Umupo na lang ako dito at sinuntok ang pader.
"Tangina!" Mura ko at naramdaman ko na lang na unti-unti akong umiyak.
Napayakap na lang sa akin si Juls at naririnig siyang humikbi. Nakatayo naman si Pao sa gilid at tahimik.
Bakit ba kasi ginagawa nila sa amin toh? Ano ba kasi ang kasalanan namin? Tangina naguguluhan na ako! Wala akong kwentang kapatid at anak, ni hindi ko lang man sila nasagip.
Tumulo uli ang luha sa aking mata. Tahimik akong umiiyak at nagdasal na sana magiging maayos ang kalagayan nila Mama. Dahil kung hindi, hindi ko na ata kakayanin ang sakit.
"Nasan si Yassi?" tanong ko.
"Nandun siya kina Mama. Don't worry, she's fine. Ang sabi kasi ng mga pulis, si Felix daw talaga ang target ng shooter."
Kinuyom ko ang kamao ko at naisip agad ang sitwasyon ng kapatid ko.
"Pakiramdam ko Penn, kaya ginawa nila 'yun ay baka may naalala na si Felix."
Binalingan ko siya ng tingin at yumuko ulit. Kung sino man ang gumawa nun, ay sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.
Ilang oras na ang lumipas at narinig kong bumukas ang pintuan. Sinalubong ko agad ang doctor at umabang ng kaniyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Memoirs Of Melancholy
Teen FictionSi Peniel Delos Santos lang naman ang nag-iisang tamad na sekretarya ng kanilang klase ngunit gwapo na nilalang na captain sa swim team. Masiyahin siya at matalino ngunit hindi buo ang pamilya, iniwan kasi sila nito ng kanilang ama noong nag-bibina...