Chapter 2

35 1 0
                                        

Sabi ng iba, ang pinaka the best na paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ay ang umiyak ka at sabay-sabay mong isigaw lahat ang sakit na kinkimkim mo. Unang beses ako nakaramdam ng ganito noong kompleto pa kami at sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko ito kay Ella.

Si Ella na transferee at bagong member ng team. Kahit ang hilig niyang magsalita ng English ay nandoon pa rin ang words of wisdom niya. Kagaya nga ng sinabi niya last week ay ginawa ko. Tahimik lang ako habang umiiyak sa balikat niya.

Masarap sa pakiramdam na may taong nandiyan para sa'yo, aminadong nahihiya ako dahil sa kaniya pa mismo nanggaling ang salita na you can cry on my shoulder. Dapat kasi ako ang magsasabi ng ganun, debale. Next time ako naman ang gagawa bilang pambawi.

Minsan pumapasok sa isip ko kung may boyfriend na siya. Ewan, bilang captain kasi ay kelangan proteksiyonan ko ang aking mga kasamahan at oo siguro nga crush ko lang siya. Normal lang naman na magka-crush sa isang tao, itong si Ella kasi mas lalo akong pinapahanga.

"Ella pwedeng sabay tayo mamaya mag lunch? Please? Pero kung okay lang sa'yo." Nakayuko lang ako sa desk habang nakikinig sa conversation nila ni Oliver.

"Sure, it's okay to me Oliver."

Napangisi lang ako at hinayaan sila na magsalita diyaan. Hindi ko pala alam na may side na ganito si Ella, siguro masyado lang siyang palakaibigan kung kaya't pumayag siya sa imbitasyon ni Oliver. Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla akong nainis.

Lunch break at nakita ko nga na sabay silang kumain. Nakita ko sila na masayang nag-uusap at ramdam ko na nage-enjoy sila. Tss, bakit ko nga sila iniisip at bakit naiinis pa rin ako? Abnormal talaga itong sarili ko minsan.

"Malalim pa rin ang iniisip mo Penn. May problema ba?" Doon lang ako natauhan at mabilisang umiling.

Tinitigan lang ako ni Julianne at mukhang hindi siya naniniwala. Muling itinuon ko ang pansin sa table nila Ella at Oliver. "Mukhang may problema ka nga. Siguro problema sa puso, magpa check up ka na lang kaya Penn."

"Wala akong sakit Juls. Kahit gulatin mo pa ako physically and emotionally." tugon ko at nakatingin pa rin sa table nila.

"Alam ko at alam mo, narinig ko kanina na may planong ligawan si Oliver kay Ella." Nakuha niya ang atensiyon ko at bigla akong nasamid sa iniinom kong juice.

Ngumisi siya sa akin, "But I'm not sure but I'm also sure that they'll be a great couple. Right Penn?"

Pilit akong tumango at umayos, "Oo naman. Bakit naman hindi diba?"

"Tss, Pao may not notice but I have known you since we are friends." wika niya at ngumiti sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tugon ko.

Ngumiti siya ulit, "It's okay if you won't tell me. Sa tingin ko kasi ay hindi ka pa ready."

Lumipas ang araw at busy pa rin kami sa pag-eensayo. Excuse kami sa ilang subject para makapag focus dito, kelangan kasi na manalo ang isa sa amin at iprisinta sa ibang school kung kaya't ganito kami ka determinado. Katulad ko na seryoso sa page-ensayo ay ganun din ang iba.

"Wala ka bang gagawin mamaya Penn?" tanong ni Julianne nang maka-upo sa tabi ko.

"Wala, bakit?"

"Birthday kasi ni Mama, iniimbitahan kayo ni Pao na pumunta mamaya sa bahay. May kaunting saluhan, isama mo na rin sina Yassi at Felix. Kung free si Tita isama mo na rin siya." tugon niya kaya napatango ako.

"Sige, susunod lang ako. Hihintayin ko pa kasi na umuwi sila Yassi at Felix."

"Siya nga pala Penn, naitanong mo na ba sa kapatid mo ang nangyari sa kaniya noon?"

Memoirs Of MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon